Prologue

65 1 0
                                    

A/N; Hi, you may encounter typographical errors or etc ahead. Hindi ito edited dahil tamad ako. Kthnxbye.




"BUDDDDAAAAAAAYYYYYYY!!!!!" 

Napatalon ako mula sa kinahihigaan nang marinig ang dagundong ng boses ni Tsang. Napakabigat pa ng talukap ng mga mata ko, ayoko pang bumangon.

"ANO!? AYAW MONG PUMASOK!? FIRST DAY NA FIRST DAY MAGPAPAKALATE KA!? HA!? HALA SIGE! MATULOG KA! MATULOG KA HANGGANG ISANG DEKADA! PUTRAGES NA BATA! TULOG MANTIKA!!"

"Limang...minuto pa.." inaantok na sabi ko pa. Ayon na...heto na...hahalikan na niya—

BLAGG!!—

May sumipa sa pinto!

Pumasok si Tsang ng suot ang naiinis at talagang lukot niyang mukha habang tila umuusok ang ilong at tenga. "Anak ng—Budaaaay! Ano!? Hindi ka gigising!?"

Humikab ako at bumangon ng dahan dahan. Ano ba naman 'to, ang aga aga napaka bungangera. Ang ingay ingay niya.

"Alam mo bang wala ka na namang nagawa ha!? Pagkatapos mo ditong maligo kakain ka nalang! Ni hindi ka na makakahugas ng plato dahil late ka na! Tapos ano!? Eto, tingnan mo nga itong kuwarto mo!? Tignan mo itong itsura ng kuwarto mo!"Panenermon niya.

Ginawa ko naman. "Kuwarto parin naman" hinampas niyako ng damit! "Aray! Oo na eto na nga e! Tinignan na nga e!"

"Bilisan mo dyan at may iuutos pa'ko sayo bago ka pumasok! Lecheng bata ito o!" Lumabas na siya..

Tumiklop ng dahan dahan ang mga mata ko... peste...kasalanan mo 'to Tsang e! Hahalikan na sana ako ni Jungkook e! Panaginip na nga lang naging bato pa!

"BUDAAAYYY!!!" Sigaw niya mula sa labas.

"Oo na nga! Heto na oh! Tatayo na nga oh! Maliligo na! Pestecide naman ke aga aga."

Napilitan akong tumayo at muntikan pa'kong  bumagsak sa sahig dahil talagang inaantok pa'ko. Kinuha ko ang tuwalya at shampoo pati sabon malapit sa pintuan. Lumabas na ako at pumunta sa poso.

Grabe naman itong mga taong ito, kung makabomba sa poso parang kanila ah?

"Hoy hoy totoy, hinay hinay nga sa pagbomba mo...masisira mo poso namin." Pagsita ko sa batang abot langit ang talon pagbomba. "Hoy sabi nang—"

KLLANKK!—

"Hoy anong ginawa mo!?" Tinignan ko iyong loob ng poso. Ayaw na gumana! "Hoy bata, alam mo bang malelate na'ko ha!? Jussko...sinira mo pa poso namin!"

Hindi siya nagsalita. Naguilty naman ako bigla dahil sa reaksyon niya. Halatang hindi niya gusto ang nangyari, kakamot kamot narin siya sa palad niya.

"Sige na..okay lang, kila Boss Gaga ka nalang mag igib." Sinira mo amin e..

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon