4

6 0 0
                                    

—🏬JHCSC Campus—

Mox's POV

"Sigurado ka ba?? Baka naman naiwan mo sa bahay nyo?"tanong ni Shenna habang kinakaykay ko ang bag ko.

Kanina ko pa kasi kinakaykay tong bag kong mumurahin dahil hindi ko talaga makita ang libro ko, nalintikan na talaga..grabe pa naman yong bibig ng math teacher namin.

"Shen, simula pa noong kinder ako hindi ako iyong tipong nag iiwan ng libro sa bahay." Hinawi ko ulit ang iba pang libro  "Nasan na ba kasi yon!?" Pesteng libro naman oh!

"Na check mo na ba ang locker mo?"

"Hindi pa pero paniguradong wala don."

"Eh hindi pa naman pala,paano ka nakakasiguro?"

Napabuntong hininga nalang ako dahil wala talaga sa bag ko ang libro ko sa math.
"Kahit makuba ako kakadala ng bag kong puno ng libro—hindi ko maatim na iwanan yon sa bahay o maski sa locker, hindi pa'ko nakapunta sa locker area at bukod doon..."huminga uli ako ng malalim. "Alam kong hindi ko iyon inilagay sa kunsaan."

"Eh paanong wala jan ngayon? Ano yon?? Sumakabilang bag?"

Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa upuan ni Kandila.

"Hmm, si Condelle.. baka siya alam niya" pagbabakasakali ko.

Umiling iling siya. "Alam mo, naranasan ko rin namang mabully ni Condelle pero hindi siya umabot sa pagnanakaw o pagtatago ng libro."

Talaga??

"Nagbabakasakali lang ako Shen."

"Hmm, siguro,sige tanungin natin mamaya..for now mm...share nalang muna tayo ng libro"

Napatingin ako ulit sa upuan ni Kandila. "Pag nalaman ko lang talagang may kinalaman siya...makikita niya talaga—"

"Oysh! Negra.. remember, no records."

Pestecide. "Ayoko rin namang magkarecord ulit Shen, pero pag alam kong sumusobra na...may magsisisi talaga."

"Nandyan lang yong libro mo, nagpapahanap lang yon. Tsaka Wag mo nalang kayang pansinin yong mga nambubully sayo? Kasi diba?? Lumalala yong pagiging papansin nila"

"Eh paano kung sumusobra na? Ano? Papa down-to-earth-effect parin ako?" Hindi pa naman ako nasasaktan, aware ako sa posibleng hantungan nitong mga eksena nila...sana lang talaga hindi sila lumagpas sa linya.

Umupo kami. "Ikaw narin nagsabi Mox, nonsense sila...at ang nonsense dapat hindi binibigyan ng atensyon."

Hindi nalang ako sumagot, tama naman siya.  Alam ko ang limitasyon ko sa ganito, hindi parin naman buo ang loob ko at wala pa akong kasiguraduhan sa magagawa ko o kung gagawin ko nga.

Kung gagawin ko rin ang ginagawa nila... Anong pinagkaiba ko?

Maya maya pa ay dumating na ang mathematics teacher namin. Hayon na nga ang nangyari, nasita kami ni Shenna dahil nagseshare daw kami ng libro na ang sabi daw naman niya last meeting ay dalhin ang libro INDIVIDUALLY. 

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon