13

7 0 0
                                    

Mox's POV

Talagang naguluhan ako kanina sa inasta Lim, para siyang makakasapak sa itsura niya. Pagkaraan naman ng iilang minuto ay sinundo kami ni Henri, ang sabi naman niya ay gusto niya akong imbitahan sa practice nila sa banda doon malapit sa SJA, ang sabi ni Lim ay sasama siya kaya sumama narin ako. Wala naman akong gagawin.

Kanina pa nila ako inaayang kumanta pero ayoko talaga kaya pumunta ako sa kalapit na plaza, maraming nagpipicnic dito at kadalasan ay mga magjojowa o kaya magpapamilya.

Habang itinutulak ko ang lupa para gumalaw ang swing ay napapikit ako sa inis dahil sa sumigaw.

"MY LAAAAABBBBBS!!!!!"sigaw ni Henri na papalapit sa'kin, suot pa nag ngiting halos punitin na ang mga pisngi niya.

"E kong putulin ko yang dila mo nang manahimik ka?" Banta ko dahil sa napatingin ang mga tao kanina sakanya nang sumigaw siya.

"Ewann ko sayo! Sabi ko naman sayo pag hindi ako matahinik halikan mo'ko!"

d0_ob!?

"Eto oh, gustong humalik sa nguso mo, paduduguin pa." Sabay angat sa kamao ko.

"SADISTA KA! Ikaw pa naman nagsabi na type mo mga pandak! Tapos hinain na sa harap mo ang arte mo pa, tsk tsk, alam mo bang kong hindi ako papasa sa taste mo ay ang pangit non?" Iiling iling niyang sabi.

Bakit ba ganito 'to? Para siyang mayordoma kung manermon.

"Tarantado. Natatandaan mo ba sinabi ko??"

"Andami mong sinabi, saan don??"

"Yong sa type kong lalaki, tanga.."

"Syempre naman! E ikaw tong ang labo e, nandito na nga sa harap mo ang gwapong pandak na hinahanap mo—ang arte mo pa"

"Gago, me dementia ka ba!?"

"Bakit!?"

"Ang sabi mo natatandaan mo ang sinabi ko!?"

"Oo nga! Klarong klaro pa sa isip ko kahit buksan mo ulo ko at halughugin ang utak ko now na!"

"Oh e yon naman pala e!"

"Anak ng...hindi kita maintindihan!"

"Ang sabi ko pandak na mala Levi Ackerman! Hindi mukhang Titan!"

Ilang segundo siyang napakurap kurap.

"PUTANG INA MO! Walang ganon uy! Manigas ka kakaimagine!"

"Hoy ano ba, nakakarindi kayo, kanina pa kayo don sa loob ah?" Sita samin ni Lara, kasama niya sa Justin.

"Baka lagyan ng zipper ng mga tao rito ang mga bibig nyo dahil ang ingay ingay nyo."segonda ni Justin.

"Eh yan kasi.."sabay naming sabi ni Henri at nagkatinginan. Umismid ako tsaka tumayo.

"San si Lim?"ako

"Hoy Mox, aminin mo nga ,kayo na ba non?" Si Lara

"Nino?"

"Ni alam mo na.."si Justin

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon