1

12 0 0
                                    

Mox's POV

Hindi na'ko sumagot. Baka mapagalitan lang ako ni Boss Rio,pinabayaan ko nalang.
Pagkabalik ko sa counter ay nadatnan ko si Lim.

"Lim." Tawag ko.

Lumingon siya. "Mm?"

"Kilala mo ba yung mga yon??"

"Sino??"

"Yung mga yon oh." Sabay nguso ko sa gawi ng table 5.

"Ahh, yan? Mga taga JH yan. Tsaka mga regular customer yan dito"

"Talaga?? E bakit ngayon ko lang nakita ang mga pagmumukha nyang mga yan??"

Napaisip siya. "Hmm,baka hindi mo Shift?? Kasi panggabi ka e, madalang silang pumunta rito pag gabi. Madalas sila rito pag umaga.."

"Ahh.."

"Bakit??"

"Ha?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang.."masinsinan niyakong tinignan. "Anong tinitingin tingin mo ng ganyan??"

"Hindi naman kita masisisi. Type na type ng mga babae ngayon ang mga gwapo,"Bumaling siya sa'kin. "kaso ikaw...magpaganda ka muna dahil halatang mataas ang standards niyang mga yan.."nakangiwing sabi niya.

"Tsh, yan?? E mas gwapo ka pa riyan e, tsaka mas ideal ka kasi may sense of humour ka..."

Nanlaki ang mata niya. "Talaga??"

"Joke lang, hahhaha! Nawala naman kaagad sense of humour mo"

"Ganda mong Kausap Moxie." Tinalikuran niyako.

"Mox lang kasi."

"Bahala ka sa buhay mo."

Hay naku, kaya siya inspiration ko sa Main Lead character ng story na ginawa ko sa wattpad e. Ang sarap kasi niyang tignan mawala bigla sa mood.

--

Nagring bigla ang cellphone ko. Si Lim ang pumalit sa'kin sa paghahatid ng order para masagot ko yung tawag.

Pumunta naman ako sa parking lot dahil hindi gaanong maingay doon, tsaka ko sinagot.

"Hello Shen?"

["Hoy negra anong oras ka mag-a-ud??"]

"Mamaya pa tapos ko e, tsaka wala akong load..sa tingin ko makikiconnect nalang ako sa WiFi nila Tita Lucky mamaya pag uwi ko."

["Ay ganon??"]

"Mm.."

["Nga pala, etong sa assignment, may itatanong ako.."]

"Ano yon??"

["Anong English ng singsing ng hari??"] Tanong niya at nag isip ako. ["Hoy nandyan ka pa ba??" ]

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon