7

6 0 0
                                    

Umalis na siya.

Ano naman kayang punto ng pagtatanong niya tapos nagpakilala pa?

Sa totoo lang ay wala naman talaga akong kakilalang Cassian. Mula noon hanggang ngayon wala—siya ang una. Ibinalik ko sa binabasa ang atensyon ko ngunit sadyang binabagabag ako ng mga sinabi niya.

'Kasi yong boses mo—nevermind'

"Anong meron sa boses ko??" Napaisip ako. Baka nag aral yon sa SJA??

Miyembro kasi ako ng banda sa SJA kaya naman naisip kong baka nakapag aral siya doon.

Pero bakit hindi ko maalala ang mukha niya? Ngayon ko lang talaga nakita ang taong yon.

Walang ganong mukha sa SJA dahil kung meron man ay paniguradong siya magiging Mr.Intrams namin noh. May itsura tsaka halatang hindi basta basta ang buhay.

Baka naman nakapunta na siya ron tapos narinig niya boses ko?

Napatango ako sa iniisip. "Baka nga..." Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko. "Hello?"

["Negra! Pasok na tayo! Papunta na kami sa room, ikaw? Asan ka??"]

Tumayo ako at inayos ang gamit. "Papunta na rin."

["Sige ah?? Ingat ka, baka makatagpo ka na naman ng bruha"]

Natawa ako. "Oo"

["Sige! Bye negra! Pakyu! C u Deyyrr!"] ibinaba na niya ang tawag

Bakit nga pala biglang antahimik ng mga bruha?

Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko sila masyadong napapansin. Hindi ko naman sila hinahanap... it's just unusual..kasi yong mga ganong babae ay makikita mo kahit saan ka maglakad dito sa campus.

Baka naman tsamba na wala sila sa lugar kung nasaan ako?

Habang naglalakad ako papunta sa room namin ay dadaan pa ako sa isang building na ewan ko kung para saan basta katabi non ang library kaya naman napagdesisyonan kong dumaan nalang sa sidewalk sa taas para mapabilis ako.

Habang pababa na ako sa building ay nadulas ako! Tanging daing lang napakawalan ko dahil yong paningin ko ay nasa namamasa kong pwetan!

Takte! Sinong letseng naglagay ng oil dito!?

At hindi pa cooking oil! Iyon pang para sa sasakyan! Yong maitim!

Peste! Yong jacket at pantalon ko!

"A-Aray..." Sabay hawak ko sa likod kong tumama sa hagdan. Mabuti nalang at  paglingon ko sa kaliwa ay may nakita akong sa tingin ko ay cr!

Naglakad ako papunta roon, papasok. Wala naman talagang matutulong ang pagpunta ko ng banyo sa suot kong malagkit sa pakiramdam pero ang dumi kasi kamay ko. Naituko ko kasi ang mga ito kanina para tumigil ang pagsadsad ko..sumasakit na nga ng kaunti e.

Pagkapasok ko sa cr ay napanganga ako sa linis. Nakumpara ko kaagad ang dito at doon sa SJA... hindi namna madumi doon, sadyang talagang napakalinis ng tiles at hilerang sink at malapad na salamin. Kung tutuusin nga ay pwede kang sa tiles nalang manalamin sa kintab at linis non.

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon