14

6 0 0
                                    

Mox's POV

Nang makarating ako sa RJT ay nagsimula na'ko sa nakaassign na gagawin ko, whole day kasi ako kapag sunday.

Wala namang espesyal na nangyari bukod sa  pagsermon sa'kin ni Lim dahil sa kamay kong halos hindi na maigalaw ng maayos ang daliri, sa counter ako nilagay dahil sa mga paso ko sa kamay na gawa ng zonrox kahapon.

As usual, maraming tao at busy. Kada naman may mga pamilyar na mukha akong makikita at mag oorder sila ay sakto namang si Lim ang lumalapit sa kanila dahil pinagpapahinga niya ako sa counter habang nagbabantay.

ILANG araw na ang lumipas mula nang pagalitan ako ni Lim.

Ilang araw ko na ring iniiwasang magkausap o magkatagpo man lang ang landas namin ni Kandila kahit nasa likod ko lang siya, ayokong makinig pa ng mga lait niya.

Ilang araw ko narin napapansin ang pag bawas ng tao sa RJT. Tuloy ay hindi ko na maitago ang lungkot ko sa tuwing makikita ko sila, lungkot nga itong nararamdaman ko? O guilt?

May parte kasi sa'kin ang nagsasabing hindi ko naman iyon kasalanan pero nilalamangan iyon ng kabilang panig ng isip ko. Na kasalanan ko talaga.

Kahit nakikinig ako sa klase ay blangko ang isip ko, na para bang may barrier iyong ginawa na nagpipigil sa mga itinuturo ng teacher na pumasok sa utak ko, na maintindihan ko.

"Bakit gumawa ka niyan?" Asik ko kay Shenna, may ginawa kasi siyang graph.

"Ah, yan, para yan sa—"

"Yes? Ms. Askari??" Biglang usal ng teacher namin ngayon. "Why are you bothering Ms.Daarol??"

Napakurap kurap ako, bilang nanuyo ang lalamunan ko sa tinanong niya. "A-Ahh, Miss..may tinanong lang po"

"Bakit? Siya ba teacher at siya tinanong mo??"

"N-No Miss.." naibaba ko ang tingin sa hiya dahil nakatingin sa'kin ang lahat ng mga kaklase ko.

"Then bakit siya ang tinanong mo?? Kita mo ng ako ang nagsasalita rito at inaagni mong makipagchikahan sayo si Daarol?" Talagang para akong sinaksak sa sinabi niya, mas lalong nanghapdi ang mata ko. "Kung may hindi ka naitindihan ay wag mong idamay si Daarol dahil kasalanan mo yan, kanina ka pa lutang at halatang hindi nakikinig."

"Nagtatanong lang naman po.."

"Eh bakit nga hindi ako ang tinanong mo??" Marahan bagaman alam kong naiinis ng sabi niya, kilalang terror na teacher itong si Ms. Santi. "Umayos ka Ms. Askari, you failed majority of my quizzes and you still have the guts to talk with your seatmate while I'm teaching?? Switch seats with Mr. Ayinuma and don't..even try to start a conversation with any of your classmates when I'm teaching ever again."

Bwesit! "I'm sorry Miss.."

Parang ang sarap manapak. Gusto kong sapakin ang sarili ko, totoo namang kanina pa'ko lutang ngunit sa simpleng tanong lang tungkol sa pag gawa ng graph inungkat niya yon!? Sumusobra naman ata siya?? Wala akong pake kung ang init ng dugo niya sa'kin dahil don sa libro...ang akin lang wag niya akong ipahiya dahil pwede noya namang sabihin yon ng pribado at kami nalang dalawa!

"Ethics Ms. Askari. Ethics." Saad pa niya.

Naipasok ko sa mga bulsa ng jacket ang dalawa kong kamay at doon ikinuyumos iyon.

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon