5

5 1 0
                                    

Mox's POV

"Napano yang mukha mo?"tanong ni Lim, nandito kami ngayon sa counter ng RJT. Nagtatrabaho nang mapansin niya ang mukha ko. "Tignan mo nga yang ilong mo oh, namumula..umiyak ka ba??"

"Hindi noh, wala 'to"

"Asoos, anong katangahan ba umatake sayo at parang may nabangga ka dahil nagsiputukan yang tigyawat mo sa noo?"

"Mas affected ka pa e noh? Magtrabaho ka na nga lang!"sabay tulak sakanya dahil ang lapit niya sa'kin.

"Okay, seryoso Mox, ano ngang nangyari? Bakit ganyan itsura mo?"

"Nakipag away siguro ako." Sarkastikong pagkasabi ko ngunit talagang umaasa akong maniniwala siya.

"Sinong niloko mo? Hindi ka warfreak at mas lalong hindi ka basta basta nakikipag away...anong nangyari jan?" Usal niya pa na kilalang kilala ako.

Napabuntong hininga nalang ako. Simula pa man noong nagsimula ako dito sa RJT ay ganyan na siya, kapag nagkakabangas ako mas nag-aalala pa siya kumpara sa'kin at kay Tsang o kay Mama. Alam ko ring hindi niyako titigilan hanggat hindi ko sinasabi ang rason. Tinignan ko siya ng nanunuya at hindi man lang nagbago ang seryosong ekspresyon niya.

"Sabing napaaway nga." Usal ko tsaka naghanda ng menu sa papalapit na customer. Matapos kong kunin yong order ay binigay ko kay Ella ang listahan at bumalik ulit sa counter.

"Lalong pumangit mukha mo, baka magsialisan ang customer kapag nakita ka nila kaya gamutin mo yan."

Napangiwi ako sa pagpipigil ng tawa at para narin di mahalatang napangiti ako ng sinabi niya. "Kailangan talaga naka laitcoat kapag concern??.. kailangan manlait muna bago sabihin ang punto? Hanep ka Lim.. sana umasenso ka niyan" kumawala pa ang kaunting tawang pinigilan ko.

Ganyan si Liamaro Altezona. Nag aalala at concern pero mataas ang pride..wag mo ng asahang wala kang maririnig na lait.He's a great friend sa totoo lang, laging nandiyan sa oras na kailangan mo ng makakapitan. Sa SJA siya nag aaral ngayon at schoolmate ko siya noon, siya yong vice ng SSG na laging sumisita sa mga gustong tsumansing sa'kin.

Hindi naman ako tanga para hindi maisip ang mga nangyayari sa'kin sa eskwelahan, pero ano pa bang magagawa ko bukod sa hindi nalang pansinin? Madidismaya lang ako pag na kick ulit ako sa inaaralan ko ngayon. Hindi ako bumabata at mas lalong hindi ako exception sa pag ikot ng mundo at pagtakbo ng oras. Kailangan ko ng magseryoso sa buhay para makatulong ako sa pamilya ko.

Kung responsibilidad lang naman kasi pag uusapan halos ka height ko na ang listahan.

Maya maya ay pinahugas ako ni Boss Rio kaya naman napunta ako sa kitchen, as usual ay dinadaldal ako ng mga nagluluto, napalapit narin sa'kin ang mga tagaluto lalo pa at mas matagal pa'ko dito kumpara sa.. almost kanilang lahat. Nakaranas na nga ako ng dito ko sinelebra ang kaarawan ko dahil pinagbake ako ni Jossie ng cake, bukod don ay binigyan pa'ko ni Boss Rio ng 1k bilang regalo, dinala ko nalang dito sina Tsang at Russell dahil nag insist silang dito na kumain ng hapunan.

In short...pamilya na nag turing ko sa kanila. Maya maya ay tinawag ako ni Lim para maghatid ng order sa table 3, nagulat pa nga ako nang makita ko kung sino...yong limang bruha pala ng JHCSC.

Ayon, puro lait na naman sila sa'kin, mga kung ano ano sinasabi pero hindi ko na binalingan ng atensyon dahil baka mapikon lang ako kaya matapos kong malapag ang order nila ay bumalik na ako sa counter para ilapag ang tray.

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon