9

9 0 0
                                    

Mox's POV

Hinihila ako ni Shenna papunta sa canteen, kahit ayoko ay wala na akong nagawa. Wala din naman akong gagawin kung aangal pa ako. Kaya go lang.

Nang makarating kami sa loob ay nagtaka ako nang biglang rumami ata ang katable nila Hiro, yong Shihiro. Ah basta yong sumunod sa'kin kanina, yong mukhang crush ni Shenna.

"Omeged Ji! Tignan mo si Kim Paulo oh! Susko! Gagalingan ko talaga ngayong intrams para mapansin ako niyan!" Tili ni Jasmin sabay sulyap pa sa katable nila Shihiro. Kasama nila.

"Ang ganda talaga ni Luxenne eh noh??" Nagtaka ako nang sabihin ni Jirah iyon, para siyang dismayado samantalang papuri naman ang sinabi niya."Ano kayang feeling ng maraming admirers? Tsaka tignan mo yong balat niya ohh..."napasulyap ako sa babaeng nginuso niya, ang totoo hindi ko alam kung sino sa mga babaeng nasa table nila yong Luxenne, marami kasi sila, pulos mga magaganda at mapuputi. "nagmumukha siyang manika tsaka napaka sporty pa."

"Maganda ka Jirah."wala sa sariling naiusal ko at napatingin sila sa'kin. "May iba ibang klase ng ganda."

Napabuntong hininga siya. "Alam nyo yong feeling na sinasabihan mo yong sarili mong maganda ka pero pag nakakita ka ng talagang maganda biglang...boom" umasta pa siyang may sumabog sa kamay niya. "Naglaho na agad confidence mo, parang tinapakan ka bigla, alam nyo yun?? Kahit wala silang ginagawa parang nadidismaya ka sa sarili mo. Nakaka insecure ang kagandahan nila."

"No offense ah?? Pero nagkakaganyan ka e si Mox nga harapharapang nilalait hindi naman nagkaganyan."ani Jasmin.

Para akong sinampal ng sinabi niya pero hindi na ako nagpahalatang naapektuhan. Isa lang kasi ang punto niya....na mas pangit pa nga ako pero hindi naman ako nagsalita ng ganon.

Hindi ko lang sinasabi but I'm no stranger to that feeling.

Baka kasi...sa oras na nagsalita ako, nag open ako...sasabiham lang ako ng madrama e obvious naman na totoong dapat akong mainsecure sa sarili ko.

Nilalabanan ko lang.

No let's rephrase that.

Umaasta nalang akong wala lang. Na okay lang ako. Na ganon talaga, may maganda dahil may mga pangit na gaya ko.

"Don't comfort her like that." Sabi ko pa. Napatingin silang tatlo sa'kin. Okay, nainis ako pero pilit kong tinatago.

"Ha?"si Jasmin

"Wao English.."si Jirah

"Anong nakain mo Mox??"si Shenna.

Wala pa akong nakakain Shen.

"Wag mong pagaanin ang loob niya dahil alam mo namang hindi mo magagawa."

Napaamang si Jasmin sa sinabi ko. Hindi ko maintindihan ang reaksyon niya pero halatang hindi niya inaasahan iyon.

"Sinusubukan ko lang namang icomfort siya."rason niya.

"Iba iba din ang pakiramdam ng tao, kahit sabihin mong okay lang..hindi yon ganon sakanya. Hindi ikaw siya kaya ang okay sayo ay maaaring hindi para sakanya, kahit sabihin mong may mas malala pa sa itsura niya...hindi non mababago ang selos na nararamdaman niya sa taong yon." Nakatingin ako sa mga mata niya nang sabihin ko iyon na ikinagitla niya bago ako sumulyap sa pinaniniwalaan kong si Luxenne.
"She's pretty, yet she still have that jealousy over others." I don't know why, but I feel so sure. Ibinaling ko kay Jirah ang paningin, nakatingin siya sa'kin, nakatitig.
"If you keep on craving for what you don't have, you'll never see the significance of the things you have." Sinabi ko iyon ng tutok sila sa'kin.

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon