6

6 0 0
                                    

Mox's POV

—KINABUKASAN—

Wala akong nadatnang Mama sa bahay ngayong umaga. Lagi namang ganon, hindi siya umuuwi madalas. Matapos akong magluto at maligo ay inasikaso ko si Russell, pinaligo, binihisan, pinakain bago hinatid kila Tsang para makalaro niya ang iba naming pinsan.

Nahihirapan ako sa sitwasyon ng kapatid ko, deserve niya ang magandang buhay...ang makapag aral..kaso ginawa iyong imposible ng mga karamdaman niya. Tinuturuan ko naman siya kung anong natututunan ko sa paaralan para naman kahit konti ay may alam siya. Bukod doon ay pansin ko rin na mahilig siya sa libro kaya pinabaunan ko siya ng ilan, pero ayaw niya paring bitawan ang mga notebook na ginamit ko noon kaya hinayaan ko nalang na dalhin niya ang mga iyon kanina.

Nakahanap ako kaagad ng masasakyan kaya naman nakarating agad ako sa Campus.

Tama nga ako, nagpaquiz sa ilang major subjects namin. Hindi mataas ang nakuha kong marka pero hindi naman mababa kaya masaya ako. Nang magbreak, hindi pa man kami makalabas ay may pumasok na sa room naming isang estudyante.

"Askari?? Sino dito si Askari?" Sabi niya habang sinusuyod ng tingin ang silid, naghahanap.

Nagtaas ako ng kamay. "Ako yon, bakit??"

"Ms. Santi wants to talk to you.."sabi niya pa at hinintay akong makalalapit.

Sinundan naman ako ni Shenna papunta sa pupuntahan namin. Wala na siyang ibang sinabi at nahihiya rin akong magtanong dahil halatang may ranggo ata sa school na'to tong lalaking tumawag sa'kin. Sa tingin ko part siya ng SSG. Nang makarating kami sa isang room ay bumungad samin si Ms. Santi at isa pang teacher na hindi ko kilala, agad naman silang napatingin samin.

"Sit down." Yong isang teacher.

May inilapag na libro si Ms. Santi na ikinalaki ng mata ko. Yong libro ko! Sunog na ang cover at ang dumi-dumi na.

"What's this?? Hindi pa tapos ang first week ganito na ang nangyari sa gamit mo?? Baka nakakalimutan mong ipinahiram lamang ng eskwelahan ang librong ito at hindi ibinigay?" Halatang pinipigilan niyanang sariling maninghal.

"Miss..nawala po yan, hindi ko—"

"Alangan naman maglakad mag isa yang libro at pumunta sa batibot Ms.Askari?Malamang ay dahil iyan sa katangahan mo."

Sa batibot?? Pero hindi ko ni minsan man dinala yan doon.."Ms. Santi.. hindi ko po yan iniwan don."

Natawa siya ng naiinsulto at puno ng sarkasmo. "Pinagloloko mo ba ako Ms. Askari? o sadyang hindi mo maamin iyang katangahan mo sa mga gamit mo?" Talagang pinanlisikan niya ako ng mata.

"Eh hindi ko nga po—"

"Ito ang pruweba oh!" Nanggigigil na sabi niya na itinulak pa sa'kin ang libro. Hindi ako nakasagot...halatang galit siya.
"We don't tolerate such act Miss. Hindi mo ba iniisip ang mga batang gusto makapag aral? Samantalang ikaw ay heto't sinasayang mo ang gusto ng iba?? Ganyan ka bang klaseng estudyante? Pumapasok lang para sa baon at hindi iniisip kung anong magiging kahihinatnan niyang mga galaw mo??"

Naikuyom ko ang palad kong nasa bulsa ng palda. Gusto kong magprotesta..gusto kong ipamukha sakanyang mali siya! Gusto kong..
"Ms.Santi...kung pagagalitan nyoko dahil sa libro..pakiusap lang..iyon nalang ang ipunto at isupalpal nyo sa pagmumukha ko..na ang laki kong tanga para iwan yan sa kunsaan."kahit hindi ko ginawa. "Pero huwag nyong madamay damay ang proseso para makapag aral ako dahil...." Lumunok ako..hindi ko gusto ang pagsagot ko pero alam kong hindi ko na kaya pang marinig ang susunod niyang sasabihin. "Dahil wala kayong alam.." matigas na sabi ko ng nakatingin sa mga mata niya. "mauna na po ako...pasensya na po ulit sa libro." Magalang kong sabi bagaman alam kong nabastos ko siya. Kinuha ko ang libro at umalis na sa room na iyon.

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon