15

10 1 1
                                    

Mox's POV

KINABUKASAN

Halos matuyo na ang lalamunan ko kakalunok dahil sa kaba, hindi ko alam kung saan magsisimula o kung paano lalapitan si Kandila.

Bumuga ako ng hangin at napakurap kurap.

You got this..

Habang papalapit ako sakanya dahil break time ay napatingin sa'kin ang halos lahat ng babaeng nandoon, maging ang mga kasama niya.

Tumikhim ako. "Uhh...pwede ba tayong mag usap??"

Nag angat siya ng tingin. "You're already talking, what now?"

Napatingin ako sa mga matang tila tumutusok sa'kin dahil natalo ako ng sarili ko, hindi ko sila maiwasang hindi tignan.
"Yong sa bag.." lumunok uli ako.

Ipinagkrus niya ang braso sa dibdib. "Where is it?? Hiningi mo ang address ko tapos ngayon lalapitan mo'ko with that weird expression on your...face."

Hinugot ko ang hininga. "Babayaran ko nalang."

Matagal niya akong tinignan bago natawa ng sarkastiko. "Babayaran?? So you really did sell it don't you??"

Parang napantig ang tenga ko sa narinig. Narinig niya ba ang sinabi ni Shenna??

"I can't believe I'm so naive, hindi nga talaga mapagkakatiwalaan yang mukhang yan.." tuloy niya.

Dahil sa inis ay naitago ko sa bulsa ng hoodie ang mga palad at doon ikinuyumos.

"You'll pay for it??" Hindi makapaniwalang usal niya at natawa na para bang talagang nakakatawa iyon, na para bang iyon ang pinaka nakakatawang bagay na narinig niya. "It's a fucking PRADA, Rocky Road. Sa itsura mo lang nga ni Levi's jeans di mo ma-afford—"

"Aille." Naninitang usla ni Shihiro.

Pinagtaas niya ito ng dalawang kilay "What?? Totoo naman." Tsaka bumaling uli sa'kin,his eyes shooting daggers. "Surprised??" Hindi ako sumagot. "At ano namang katarantaduhan ang gagawin mo at hiningi mo ang address ko?? Nanakawan mo ba kami para—"

"Pwede bang maghunos-dili ka sa mga pinagsasabi mo??" Muntikan ko na siyang pandilatan pero pinigilan ko.

"I know better now, at bakit ko susundin ang taong gaya mo??" Sarkastikong anas  niya.

Pinanliitan ko siya ng tingin. "Hindi ba't ikaw na mismo ang nagsabing iyon ang ipapalit mo sa bag kong sinira mo—"

"It's an accident, ilang beses ko bang sasabihin yon?? Ganon ka ba kabobo para hindi iyon maintindihan??"

Natawa ako ng puno ng sarkasmo sa narinig. "At matalino ka na niyan??"

Pinagsalubungan niya ako ng kilay.

"Tinatawag mo'kong bobo dahil paulit ulit kang nagpapaliwanag na hindi mo iyon sinadya? E yang panghuhusga mo sa'kin? Katalinuhan ba yan??" Inilabas ko mula sa envelope na hawak ang notebook niyang nawala na dahilan kung bakit nasira ang bag ko. "Yan, ako nagnakaw niyan, magalit ka na sa'kin kahit ang totoo wala ka namang alam." Sarkastikong sabi ko bago bumaling kay Shihiro. "Salamat don sa bag na binigay mo pero hindi ko rin yon kailangan...ibinigay ko yon kay Shenna, siya na raw sasauli sayo, baka mabenta ko pa at hingin ko rin ang address mo dahil hindi ako makuntento don sa bag at nakawan ko ang bahay nyo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon