8

7 0 0
                                    

Lim's POV

Bumuo ng kumpol sina Rina at ang iba pang mga staffs ng RJT kaya naman nagtataka akong lumapit sa kanila.

"Anong meron??" Naguguluhang tanong ko. Napansin kong nakatingin sila sa cellphone ni Jossie kaya pinagkunutan ko sila ng noo.

"Ehh...kasi.."

"Ano..."

"Ahhmm..."

"Wag mo lang..uh..sabihan si.."

"HELLO!" Sigaw ng nasa pintuan. Napalingon kaming lahat kay Mox nang pumasok siya. "Anong meron?? May dumi ba'ko sa mukha?? Bakit ganyan kayo makatingin??" Asik niya at nagkatinginan kaming lahat. Maski ako ay nagtataka sa inaasta ng mga kaibigan namin. "Okay, tama na. May utang ba'kong nakalimutan kon—"

"WALA!"sabay pa nilang sigaw na ikinakunot ng noo ni Mox

"Oh e anong.."

"Magbihis ka na Mox.. kailangan na nating magtrabaho, it's almost 6:30 pm. Bakit antagal mo??"pag iiba ko sa usapan. Halata kasing... confidential ang topic ng mga kasama namin. Oh well, based on how they're acting.

"E naglakad lang ako..tapos inatake ata ako ng arthritis"

"Ha??"

Natawa siya"E sumakit bigla mga buto ko sa katawan. Sige, bihis muna ako." Sabay talikod

"Okay ka lang ba??" Pahabol kong tanong

Narinig ko siyang humagikhik bagaman hindi humarap"Oo naman, nakaya ko ngang madisgrasya tapos sakit sa buto lang—ano ka ba?? Ako lang 'to.."

Gusto kong ngumiti sa sinabi niya ngunit nilalamangan ng pag aalala ang pakiramdam ko. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko siyang madalas na mawalan ng balanse kahit nakatayo lang, o kaya naman pag naghuhugas ay bigla biglang nababagsak ang kamay ng nakangiwi.

'Ako lang 'to..'

Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko ang sinabi niya.

Hanggang kailan ka nya ba balak gawin 'to?

Mabilis na natapos ang shift namin, hinatid ko si Mox sa kanila pero doon lang sa kanto dahil ayaw niyang may isiping kung ano ang makakakita samin. Naiintindihan ko naman siya, kahit noon pa man ay ganyan na siya.

Habang nakahiga ako sa kama ko ay kachat ko si Rina. Tinatanong ko kung anong pinagkakaguluhan niya kanina. Kung bakit ganon sila kung magsiasta.

Basta, wag mong ipakita o sabihin sakanya ang tungkol dito.

Ano ba kasi yon??•

•Mangako ks
•ka*
•masasakal talaga kita pag nalaman niya.

👍•

Then she sent a video..

Yun yong may customer kaming nagsaboy sakanya ng Mushroom soup,yong nagsabing may ipis ang sabaw na inihatid ni Mox sa table nila.

Imperfect SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon