Chapter 1

418 15 1
                                    

:First meet

Nicelle

Ano nga ba ang lintek na love na yan?

Well in my own very own and very very own opinion. Love is katangahan, kabobohan, kabolahan, at kung ano ano pang mga pakulo na pede mong gawin. Para san? Para sa taong mamahalin mo? Na hindi mo pa sure kung siya ba yung nararapat sa mga efforts mo? Suss! Wag nalang!

Habang nasa cathering kami ng bagong kasal naming kaibigan. Hindi ko pa din maalis sa isip ko na kung bakit ako yung nakasambot ng boquet na yon.

Anong ibig sabihin non? Ako? Ang susunod na ikakasal? Utot! Wag nalang! Mas pipiliin ko nalang maging single kesa umiyak katulad ng mga kaibigan ko.

Ayokong ma-broken katulad ni Wein, ayokong masaktan ng ilang beses katulad nila Celon and Pat. Si Wilcon? Sinong magmamahal jan? Display lang naman yang kupal na yan e, char.

"Tungunu, kung hindi lang makapal ang mukha ko kukuha pa ko ng letchon. Tignan mo naman! Nakatingin sa'kin! Parang sinasabi niya na 'Oy Wilcon! Kainin mo na ko!' hwaahhh Nicelle ikuha mo kooo! Bili naaaa.." pagyuyugyog saken ni Wilcon.

Binatukan ko siya. "Ano ba, bisita ka ng bagong kasal, tapos kaibigan pa naten. Hello?? Feel free to eat noh, kaya nga handa para kainin e." inirapan ko siya.

"Oo na, Oo na, daming talk.. Papakuha lang e. Saka.. Baka kasi mamaya madami pang dumating na bisita, nakakahiya naman! Nakatatlong pakuha na ko ron sa naghihiwa.. Required pa ba pang apat?" Nagulat ako kaya binatukan ko siya! Pang-apat?! "Aray!"

"Gaga ka pala e! Wag ka na nga talagang kumuha! Nakakatatlo ka na pala e! Ano? Perstaym makalamon ng letchon ha? PG lang? Ganon?" inirapan ko siya.

"Alam mo sa ugali ka na nga lang dapat bumawi, pinapapangit mo pa.." sumimangot siya, inirapan ko naman siya. "Ang sarap kasi ng sauce.."

"Amp." sabi ko, tinignan ko ang plato niya at may laman pa iyong kunting kanin. Nakakaawa naman tong Bakla na to at baka matiyan pa. "Akina nga.. Parantanga naman kase." sabi ko saka kinuha ang plato. Agad niya naman itong inabot saken at sabi ng sabi ng 'Salamat'

Pumila ako ron sa pilahan kung saan pagsisilbihan ka ng mga tao. Nakaputi ito at nakachef hat pa. Taray ng kaibigan ko, hambongga ng kasal.. Sulit ang iyak, pighati, pagpapabebe at pagpapatawad natin ah.

Eh di sanaol nalang.

Panghuli ako sa pila kaya bagot na bagot akong nakatayo ngayon dito. Buset na yan.. Ano ba kasing pumasok sa kaloob-looban ng brain cells at puso ko't pumayag payag pa ko na pagsilbihan iyong bakla na yon. Kagigil!

"Miss can I go first? My Sister's hungry and she's gonna cry.." nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Bali pangatlo na ko sa pila nang magsalita itong lalaki. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil hindi ko pa siya nililingon.

Umirap ako kahit hindi niya kita. Kafal niya naman, "Ayoko nga, hindi ka gold so don't act like as if you are.. Oh english na yan ha.." saka hinayaan ko nalang. Napabuntong hininga lang yung lalaki at pinabayaan ako sa desisyon ko na hindi siya pasingitin.

Kafal niya naman kung pumayag ako! Hindi porke may itsura siya papayag ako no! Kapal!

"Kuyaaa!! You're still on the line!? I'm really hungryyyyy!! I will cry talaga!!" napalingon naman ako nang marinig ang sabi ng isang bata sa may kaliwang side ko. Pagtingin ko ay nakita ko ang isang batang babae na masamang nakatitig sa kuya niya na nasa likod ko, mga 7yrs old na siguro siya. Isa ata to sa nag abay kanina.

Bumuntong hininga ulit ang lalaki sa likod ko at nanindig ang balahibo ko sa katawan dahil sa naramdaman ko ang naibuga niyang carbon dioxide sa batok ko. Shems.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now