Chapter 24

97 5 0
                                    

:Jake

Nicelle

"Bye po Tita Alliana, Tita Kyla, Tito Gab.. Pasabi nalang po kela Tito Ondoy na aalis na po kami ha?" may tonong lungkot sa pagpapaalam na yon ni Weilyn, pati ako nalulungkot din kasi aalis na kami. Gabi ngayon and hindi ko alam kung anong oras kami makakadating sa mga bahay bahay namin.

"Naku, oo naman at ako na ang bahala! Basta e kayo'y pupunta ulit dine ha? Maghihintay kami.." ngumiti samin si Tita Alliana saka kami nagbeso isa isa. Pati si Tita Kyla ay nagbeso rin samin.

Sumakay na kami sa van at katabi ko si Luhan ngayon na parang malungkot din. Well! Sino ba naman ang hindi! Ang dami naming nagawang memories dito kahit iilang araw lang kami. Hindi ko nanaman makakalimutan ang memoryang iyon at maaalala't maaalala ko sa twing malungkot ako.

Buhat ng sobrang kaantukan dahil gabi na nga ay hindi ko namalayang napapapikit ako hanggang sa nakatulog ako. Nabanggit ko na ayaw na ayaw kong natutulog sa byahe pero ibahin natin ngayon kasi gabi na at hindi kami nakatulog ng maayos ni Luhan kasi nga nagpunta kami sa seven eleven dalawa ng alas dos ng madaling araw.

Inaamin ko na masaya rin ako dahil sa nangyari dahil doon din mas gumaan lalo ang pakiramdam ko kay Luhan. Tss naalala ko nanaman ang nangyari kagabi.

Flashback.. 3:17am..

"Here.." nagulat ako dahil sa dalwang big bite na inabot niya sakin. Nakita ko ang isa niyang kamay at meron naman siyang hawak na shopao. "Eat it na.."

"B-Bat dalawa?" tanong ko sabay tingin sa dalwang bigbite. "Mukha ba kong PG sa paningin mo Sir?"

"Eh di wag mong kainin yung isa kapag hindi mo kaya. I just make sure na hindi ka mabibitin kaya dalawa na yung binili ko." saka niya nilagyan ng sauce yung shopao niya..

So syempre ginaya ko siya ay nilagyan ko rin ng pampalasa ang bigbite ko. Tulad ng name nito ay malaki ko itong kinagatan. Napangiti si Luhan dahil don.

"Mat nga nanganginyi Nyer? Nyapi yarn?" ngongo kong sabi kasi may laman ang bibig ko dahilan para matawa siya.

"Nothing, don't speak when your mouth is full, baka mabulunan ka.." paalala niya. Hindi ko nalang siya pinansin at kumagat nalang sa bigbite ko.

Pero hindi ko naman inexpect ang nangyari kasi nahatsing ako! Yung nanguya kong hotdog ay lumabas mula sa ilong ko papunta sa table!! Nagkatinginan kami ni Luhan at nagulat din siya sa nangyari, sabay kaming napatingin sa piraso ng hotdog na durog na kasi nga nanguya ko na.

Agad ko iyong kinuha at tinapon! Wala na kong pake kung san ko natapon ang buset na hotdog na yon at natakpan ko ang mukha.

"S-Sorry.." sheeeeet! What the hell Nicelle?! Hindi sapat ang sorry mo kasi sobrang kadiri ng nagawa mo!

Matagal bago sumagot si Luhan kaya naalis ko ang kamay sa mukha. Tinignan ko siya at lumipat siya ng upuan at tumabi sakin, inakbayan niya ko at idinikit sa mabango niyang katauhan.

"It's ok, its normal and I don't have the rights to judge you. From now on wag ka nang mahihiya sakin at ipakita mo yung totoong ikaw. Para mas lalo kitang makilala at para mas lalong lumalim ang pagtingin ko sayo. I will do that too ok?" malambing na sabi niya.

I don't know why pero sa sinabi niyang yon, first time niyang napatibok ang puso ko.. Well oo napapatibok niya naman minsan ang puso ko pero iba na tong ngayon. Siguro hindi ko na kayang iresist yung kalambingan ng boses ni Luhan..

Parang kinikilig na ata ako ron..

End of flashback..

Nagising ako nung marinig na tumigil ang van. Pagtingin ko sa paligid ay nasa Tagaytay na pala kami.. Sa iba kami dumaan dahil napagdesisyunan naming mag Tagaytay muna. Hindi kasi namin to madadaanan kapag dumaan kami sa dinaanan namin noon.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon