Chapter 16

107 7 0
                                    

"Tara na, naroon na sila Wein.." sambit ko kay Luhan. Tumango naman siya at bumaba na ng kotse. Hinintay niya ko at inilahad ang kamay niya, kinuha ko naman iyon para hindi siya mapahiya, at dahil gusto ko den hehe.

Sobrang dilim! Ang bumungad sa'min. Isang pa-deretsong kalsada na walang kailaw ilaw tapos iisang bahay sa kanang bahagi namin at mga konting ilaw naman sa kaliwa.

"Nicelle! Baba na!" sambit ni Wein. Nasulyapan ko siya sa isang bahay sa baba. Tumango lang ako at tinignan si Luhan.

"Tara na Sir.." sambit ko.

"Here." sabay abot ng cellphone niya sa'kin.

Nagtaka naman ako. "Bakit ho?"

"Flashlight.."

Napa-ah lang ako at kinuha ko ang cellphone niya. In-scroll up ko yon at pinindot ang flashlight. "Tara na." Tumango lang siya at sinundan ako.

Medyo matarik ang pababa na daan dahil nay ugat ugat pa ng puno tapos nga bato. Sinusulyapan ko lang si Luhan sa likod at baka mamaya ay madapa nalang siya bigla.

At dahil nga sa pasulyap sulyap ako sa kanya, agad naman akong natalapid sa isang bato dahilan para ma-out of balance ako.

Napapikit ako dahil ang akala ko'y babagsak ang ulo ko sa lupa ngunit pagmulat ng mata ko ay hawak hawak ni Luhan ang likod ko. "Are you ok?" sambit niya.

Agad naman akong bumangon at tumango. "S-Salamat.." saka nagpatuloy sa paglalakad, minumura ang sarili habang tinitignan ng mabuti ang dinadaanan.

Pakshet may kahihiyan ka nanamang nagawa Nicelle. Mag-ayos ka nga putangina ka.

Pagkapasok namin sa bahay, isang medyo mahabang terrace ang bumungad sa'min, roon ko naman nakita sila Weilyn at Celon na nagkakape.

"Ay Tito Gabriel, si Nicelle po pala, yung kaibigan ko simula pa nung college! Tapos iyang kasama niya po ay ang boss niya sa kompanya, bali napilit lang namin.." pagpapakilala ni Nicelle.

"Hi po!" sabi ko at nilapitan siya, nagmano lang ako.

Tinignan ko si Luhan na nakataas ang kilay. Sinenyasan ko siya na gawin ang ginawa ko at ginawa niya naman. Ang cute niya magmano, ang swerte ng kamay ni Tito Gabriel, choz.

"Aba'y ito ga ang sinasabi mong pandakin Weilyn? Abaga'y hindi ko makita e.." sambit niya. Sinamaan ko naman ng tingin si Weilyn dahil sa sinabi ng matanda. So sinasabi niya sa buong angkan niya ang height ko?

"Jok jok lang ho iyon Tito, kayo nama'y hindi mabiro!" may puntong sambit niya. Napanganga naman ako at batangueña pala si Weilyn! Marunong magpunto!

"Kayo ga'y kumain na? Naghanda ang iyong Tita Alliana ei, ay siya pumasok kayo roon.. At naron ang iyong kwan, pinsan Weilyn.." sambit ni Tito Gabriel. Agad naman tumango si Wein at pinapasok rin kami sa loob.

Ang ganda ng bahay nila Tito Gabriel, maliit pero hindi na masama, ang ganda ganda lang.

May dalawang pinto sa kaliwa, mga kwarto ata iyon, sliding din ang pinto na pinasukan namin kanina, ang sala naman ay may isang malaking sofa sa may bandang kaliwa, at dalawang pa- letter L na sofa sa kanan..

Sa kanan naman ay may pababa at iyon ang kusina nila, hindi ko makita ng buo dahil nasa baba nga iyon.

"Kumain na kayo.. Ay susmaryusep! Ang aking mata ga! Ano't may magagandang lalaki ngayon sa harapan ko.." natawa si Tita Alliana.

"Tita! Mga asawa namin yan.." sambit ni Weilyn. Hinampas ko naman siya sa likod pero mahina lang naman. "Ay! Yung dalawa ho pala ay magkalandian lang este magkatrabaho lang.." pagpapaliwanag niya ngunit may halong pang-aasar.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now