Chapter 12

103 6 1
                                    

Nicelle

"Ay naku Sis! Kailangan nga talaga na maganda ka roon sa party! Kaso mukha mo palang parang ayaw ng pumayag." natawa si Wilcon kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ka nakakatulong bakla! Gusto ko lang naman magpamakeup e! TSE!"

"Eto na nga! Tampo ka naman agad e, ano bang klaseng makeup gusto mo? Yung light lang? O yung medyo makapal?"

"Light lang.." sabi ko. Pinaupo niya ako sa bangko at kinuha ang gamit niya.

"Naks naman Bessie! Ready-ng ready ahh.. Hihi! Nagpapaganda ka ba para kay Fafa Luhan?"

"Fafa Luhan huh?" naitikom ni Weilyn ang bunganga dahil sa sinabi ni Ben. Napakagat labi naman siya at tinignan ang asawa.

"Charot lang hehe, hindi ka na naman mabiro.." panunuyo nito kay Ben. Umirap naman si Ben dahilan ng pagtaas ng kilay ni Wein. "So iniirapan mo na ko ha! Napakataray mo talagang lalaki ka! Kanina tinatanong kita kung nalaki ba ang tiyan ko! Tapos ang sagot mo oo! Alam ko naman na nalaki na ang tiyan ko kasi buntis ako pero bakit kailangan ipamukha?!" nagulat kaming tatlo dahil sa bilis ng pagsasalita ni Wein.

Hinila naman ni Ben ang kamay ni Wein ng malumanay at pinaupo siya sa lap niya. Nakakabitter at nakakawalang gana ang pwesto nila kaya nagfocus nalang ako sa mukha ni Bakla.

"Oh ayan, tignan mo kung gora na sayo.." saka umalis si Wilcon sa harap ko dahilan para makita ko ang salamin. Hindi naman masama ang make up ni Wilcon, at biruin niyo yon? Hindi lang pala baril ang kaya niyang gamitin, kaya niya ding mag make up.. Taray, multitasking..

"Ok naman siya.."

"Tingin nga tingin.." sambit ni Weilyn. Napahawak naman siya sa bibig niya at parang nagulat. "Wao naman Bessy, ang taray ng make up! I'm so sure na mababali ang mga leeg nung mga lalaki ron dahil sa'yo! Ang ganda mo Sis!!" sabay yakap sa'kin.

"Hoy buntis kalmahan mo naman! Magulo ang contour ehh.. Pati ang baby, maiipit sige ka.." natawa si Wilcon. Nakatingin lang si Ben sa asawa at parang naiinggit sa'kin dahil ako ang niyayakap ng asawa kesa kanya.

"Gumora na kayo at baka malate pa, lalo ka na Nicelle, secretary ka pa naman! Bawal ka malate!" sabi ni Wilcon.

"Naku Oo! Magagalit si Fafa Luhan e.. Hihi, pano kaya magalit yun?" si Wein.

"Gusto mo ako yung magalit?" angil naman ni Ben.

"Char lang Mahal.. Hehe." napairap ako dahil sa katamisan nilang dalawa.

Nagselfie muna kami ni Weilyn at si Ben ang photographer namin. Naka limang take kami at puro magaganda lahat yon.

Nang nasa kotse, agad akong kinabahan dahil sa tanong ni Wein.

"I wonder madaming mga business man roon, pero syempre karamihan matatanda, ikaw Celle? Sa tingin mo ba imbitado sa party yung kompanya na dati mong pinapasukan? Di ba partner rin ng mga Umbriel yun?" tanong niya na siyang kinalunok ko.

Hindi ko nga naman naisip.

Mag-isip ako. Siguro naman ay walang aattend ni isa sa mga Crisostomo. Kasi nung naroroon pa ko wala naman akong naririnig na galing si Jake sa party e.

"Hindi din siguro Bessie," saka tumingin nalang sa tanawin.

Nagpark si Ben sa as usual, sa parking lot at pinauna niya na kami ni Wein. Kahit hindi halata ni Wein ay todo alalay ako sa kanya dahil natatakot ako na baka madulas nalang siya bigla. Shunga pa naman to minsan.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now