Chapter 14

106 4 0
                                    

ERRORS AHEAD!

Thursday ngayon at heto ako, nasa harap ko si Luhan habang may sinusulat. "Here," abot niya sa'kin ng papel. "Abot mo kay Mr. Hernandez, ipasign mo sakanya at ibalik mo agad dito." sambit niya.

Nagkatinginan pa kami saglit bago ko kinuha ang papel. "Ge po." tumango siya kaya umalis nalang din ako upang ibigay to kay Mr. Hernandez.

Pagkalabas ko palang ng office, gulat na gulat ako dahil sa lalaking laman ng elevator. Nagkatinginan kami saglit ngunit iniwas ko agad ang tingin ko.

Parang nagulat pa siya nung nakita ako ah.

Naikuyom ko ng medyo madiin ang kamao ko, kulang nalang ay magusot ko ang papel na hawak ko e, pinigilan ko ang sarili na magsalita dahil hindi ko alam kung galit ba o maiiyak ang nararamdaman ko ngayon. Mas mabuting tumahimik nalang siguro ako.

"Nicelle." bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko, kahit mag iisang buwan na ang lumipas simula nang umalis ako sa kompanya nila, ganon at ganon pa din ang boses niya twing tinatawag ang pangalan ko.

Lumunok ako at hindi ko siya pinansin. Tama lang siguro na hindi ko na nga lang pansinin si Jake. Dahil wala akong karapatang kumausap ng isang CEO lalo na kung hindi ko naman ito pinagsisilbihan.

"About," muli ay nagsalita siya. Agad ko namang pinalangin na sana bumukas na ang elevator at makalabas na ko. Ano ba kasing ginagawa niya dito? "About sa nakita mong babae sa Mall,"

Hindi niya naituloy ang sinabi niya nang bumukas ang elevator. Kahit naluluha ay hindi ko na hinintay pa ang sinabi niya. Lumabas agad ako kahit may sasabihin pa siya. Bastos na kung bastos pero nasasaktan ako.

Bago pumasok sa office ni Mr. Hernandez ay nagpunas muna ko ng mata at baka meron pa kong luha. Nang masiguro kong wala na ay kumatok ako. Agad namang sumagot ang matanda at pinapasok ako.

"Ikaw pala Ms. Romero," nakangiting sabi niya.

Nginitian ko nalang din ang matanda bilang pagtugon. "Sir papirma raw ho si Mr. Umbriel, need niya daw po kasi e.." sambit ko. Tumango lang siya at kinuha ang sign pen niya para pirmahan ang papel. Inabot niya naman sa'kin agad yon. Tumango ako at tumalikod, aalis na sana ko nang tawagin niya ko. "Yes po?"

"Lasing si Luhan kahapon di ba?" sabi niya.

Napalunok naman ako at tumango. "Yes po Sir." sabi ko.

"Kaya pala nung dinalaw ko siya roon sa office niya, sinasambit niya ang lagi niyang tinatawag sa'yo, yung Ms Romero? Paulit ulit niya yung sinasabi habang nakapikit siya." tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga po ba?" paninigurado ko.

Tumango naman ang matanda. "Yes, I thought nandon ka dahil ilang beses niya talagang tinatawag ang pangalan mo." ngumiti siya. "Oh siya sige na Ija, alam kong pinagmamadali ka ng batang Umbriel.."

Tumango nalang ako saka ko nilisan ang lugar.

Nang makarating sa office ni Luhan, nadatnan ko siyang nakaupo sa table ko. Nakabukas ang laptop habang tinitignan ang wallpaper ko which is ako!

"How can I get you?"

"Sir?" gulat na tumayo si Luhan, nadanggi niya ang dibdib ko kaya napa-aray ako..

"Damn, sorry! I'm sorry!" nagpapanic si Luhan!

"Hindi Sir, ok lang ho.." saka ko siya pinakalma.. Napatingin ako sa nagulo niyang gamit sa table ko saka siya tinignan. "Ano hong ginagawa niyo sa table ko Sir?" sambit ko. Napaiwas naman siya ng tingin at kita kong namula ang magandang balat niya. "Sir? May sakit ho ba kayo? Namumula ho kayo.."

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon