Chapter 25

100 4 0
                                    

:Lost in Translation (Errors ahead)

Nicelle

Dahil sa narinig ay wala kong ibang naisip kung hindi si Jake. Anong ginawa niya? Bakit niya nagawa yon? Naalala ko yung babae niyang kasayaw nung party dito. Jusme, ako yung naaawa sa babae kahit nung una naaasar ako sakanya. May feelings din iyon at sigurado akong nasaktan siya sa ginawa ni Jake.

"Baby.." napatingin ako kay Luhan. Isa pa 'to baby ng baby. Feeling naman may label na kami. "May iniisip ka ba?" medyo nag aalalang tono niya.

Pumunta siya sa table ko dala dala ang swivel chair niya.

Umiling ako. "Wala," tipid kong sabi. Hindi ko naman masabi sakanya na iniisip ko si Jake, baka isipin pa nito hindi pa ko nakakapag move on don.

"Is it because of Jake??"

Tinignan ko siyang muli at bumuntong hininga. Dahan dahan akong tumango kaya ngumiti siya ng slight. "Hindi ako nag aalala sakanya, nag aalala ako sa babae.. Feeling ko kung nasa kalagayan niya ko.. Masasaktan ako ng husto e. Ikaw ba naman ang iwan? At sa mismong engagement pa nila.. Gagu talaga yun si Jake.."

"He really is.." pag sang-ayon niya. "Don't mind them.. Mind me instead, what do you like for lunch? I'll treat you.." ngumiti siya. Ang gwapo niya ngumiti taena, nasisira non ang pag-aalala ko sa babae at sa issue ni Jake.

"Ewan, ikaw ba? Anong gusto mo?" tanong ko pabalik. Unti unti niya namang nilapit ang mukha niya sa'kin kaya napalunok ako.

"You.."

Tinulak ko siya. "Pagkain Luhan," sabi ko. Natawa naman siya and nagkibit balikat.

"Maybe lomi again?" alok niya. Nagliwanag naman ang mukha ko dahjl sa inalok. "Gusto mo?"

"Oo naman.."

"Ko?" natawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kidding.."

"Korni Beh.." natawa kaming dalawa dahil sa kalokahan namin. Agad ko ding nakalimutan ang iniisip kanina.

Tulad nung usapan ay nagpunta kami sa nasabing lomihan kung saan kami kumain dati ni Luhan. Naalala ko yung first time kong kasama siya dito at yung first time ko ring mapahiya sakanya. Natagusan ako dito e..

"Ako na order.." sabi niya, tumango ako. "What's yours?"

"30 ulit.. Tapos ano, extra kikiam hehe.." nakamot ko ang ulo sa kahihiyan. Omg naman, kumapal bigla ang pagmumukha ko ha.. Ngumiti lang siya then nagtungo sa counter. Nakakatawa isipin na umoorder para sa'kin ang boss ko na nakatuxedo pa..

Bumalik siya sa upuan namin saka nagkwentuhan lang kami..

"Eh sila Xia? Akala ko pupunta sila ngayon?" tanong ko, nanggigigil akong makita ang batang yon. Miss ko na siya.

"Maybe later.. You really miss my sister huh.." ngumiti siya.

"Aba malamang! Baby ko yon e.." dumating ang lomi namin at iyong bata ulit yung nagdala. Yung nagsigaw ng karne ni Franco? Gagu talaga naalala ko nanaman..

Pagkaalis nung bata ay tinignan ako ni Luhan. "Eh ako? Baby mo din ba?" natigil ko ang sarili sa paghalo ng lomi dahil sa tanong niya.

"Utot Sir.. Kumain ka na." umiling siya saka naghalo nalang din ng lomi. Nilagyan ko ng toyo na may calamansi yung lomi ko at kumain na.

Masaya na sana akong matatapos sa pagkain nung literal akong nagulat dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko itong tinignan at napalunok nung makita ang pangalan ni Donya Crisostomo sa screen ko.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now