Chapter 26

98 6 0
                                    

:The end for us?? (Errors ahead)

Nicelle

Pag gising ko ay agad akong naligo, nagbihis at umalis.

Masaya ako ngayong araw dahil siguro ito na yung time para sagutin ko si Luhan. Ito na yung time para bigyan ko siya ng chance mapatunayan yung sarili niya sa'kin. At alam kong may nararamdaman na din ako para sakanya dahil sa mga pakilig eme niya na laging ginagawa sa'kin..

Buhat ng nangyari kahapon, narealize ko na wala na kong nararamdaman kay Jake. Iyon lang naman yung hinihintay ko para makalimot.. Yung pag uusap, yung sabihin lahat ng hinanakit ko.. And I'm so proud to myself dahil pinili ko si Luhan kesa sakanya.

Gusto kong sumaya e.. Gusto ko ng maranasan yung mga tungkol sa love na yan. At ngayon, sigurado akong si Luhan na ang nakikita kong gagawa non para sa'kin..

Nag taxi ako papuntang kompanya. Ngising ngisi ako dahil hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko kapag ginawa ko nang official ang pagsagot ko kay Luhan. Like tangina? Ito na ba talaga ang tamang panahon para sagutin ko siya? Hindi ba ko magmumukhang marupok? O easy to get??

Sabagay, kung gusto mo naman ang isang tao hindi na dapat pang pinapatagal ang panliligaw. Dapat ang patagalin, ay relasyon at hindi ang pangliligaw. Pati ayoko naman na mahirapan pa si Luhan manligaw sa isang hampas lupa na gaya ko kaya bibigyan ko na siya ng chance.

Naalala ko sila Lolo't Lola, matutuwa kaya sila kapag nalaman nila na may jowa na ko and worst mayaman pa? Magagalit kaya sila or matutuwa?

Kinakabahan ako sa desisyon ko ah.. Pero sabi nga ni Wein dati.. Take the risk, masaktan o hindi dapat take risk..

Pagkabukas ko ng office namin ay wala si Luhan. Nagtaka naman ako kung bakit mawawala yon e lagi ko iyong nakikita na nakaupo na sa swivel niya kapag papasok ako. Well, try ko sa rooftop? Baka nagtitingin tingin yon ng paligid.

Agad akong sumakay ng elevator papuntang rooftop ngunit pagbukas nito ay walang Luhan ang bumungad.. Walang magandang likuran ng isang magandang lalaki ang nakita ko..

"Asan yun?" tanong ko sa sarili.

Wala kong choice kung hindi ang bumalik nalang sa office.. Pagdating ko sa may glass door ay nakita ko si Luhan na may kasamang babae.. Iyon nanaman iyong babaeng nakita ko kahapon lamang..

Agad akong pumasok pero hindi ako pinag aksayahan ng oras ni Luhan para tignan.. Kahit sulyap sa anino ko ay hindi niya ginawa.

Well, nakakapanibago ha..

Siguro naman may kausap lang siya kaya hindi niya ko pinapansin. Oo tama, may kausap lang siya kaya hindi siya nagiging clingy sakin or nang aasar. Masyado nga namang pda yon..

Umupo ako at hinintay ko silang matapos. Nginingitian ni Luhan yung babae pero ganon din naman yung babae. Napapaiwas tuloy ako ng tingin..

"Are you single Mr Umbriel? You're good looking huh.." tanong at puri sakanya nung babae. Nataas ko ang kilay pero hindi ko pinahalata.

"Yeah, single.." tipid na sabi ni Luhan.. Parang ang cold naman ata ng tono niya na yon.. May problema ba siya??

Tinignan ko ang table ko at nandito yung small bag ko laman laman ang lipbalm at salamin ko.. Buti naman at binalik ni Luhan hehe, papasalamat nalang ako mamaya.

"Hmm Take care always.." sambit nito sa babae kasabay ng pag-alis nito. Akala ko papansinin na ko ni Luhan pero bigla siyang tumayo at umalis nalang basta basta.. Hindi man lang ako binati or tinignan.

May problema ba siya?

Napabuntong hininga ako at nilibang nalang ang sarili sa paggawa ng mga dapat kong gawin as Secretary niya. Pansin kong trumiple yung papel na nasa table ko ngayon kaya naisip ko na baka may problema nga.. Kaya siguro wala sa mood ang Hubby ko choz.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now