CHAPTER 29

125 3 0
                                    

Nicelle

Katatapos lang namin kumain at as usual, ako na ang nagligpit dahil nandidito naman na din ako at alangan namang iasa ko pa kela Lola 'yon.

Habang naghuhugas ako ng pinggan ay nahalata ko naman na nakatingin sa'kin si Luhan mula sa likod. Tiningnan ko siya at tama nga ako, nakatingin ito sakin pero hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang hugasin. Gusto niya nga sanang tumulong kanina kaso inayawan ko dahil baka makabasag pa siya ng pinggan de joke. Walang tiwala e 'no.

Hindi na ko pumayag dahil alam ko naman na hindi siya sanay sa gawaing bahay. 

Pagkatapos ko maghugas ay umakyat kaming dalawa sa taas kung nasasan ang kwarto ko. Medyo nahiya pa ko kasi mayroon ako ditong mga old photos na kinuha pa around 1990's. May black and white pa nga shuta.

Habang may inaayos ako ay nakikita ko sa peripheral vision ko na ang Gaga ay nakatingin sa mga picture frames. Nakangisi pa ito na para bang tuwang tuwa sa mga nasasaksihan. "Tigilan mo nga 'yan Luhan tss.." sambit ko.

"Why? ang cute mo nga e.." aniya, napairap nalang ako at hinayaan siya sa mga trip niiya sa buhay.

"Okay na ba 'to sa'yo? oh lambutan pa natin?" tanong ko sakanya, tinignan niya yung hihigaan niya mamaya at tumingin sa'kin. Nakataas ang kilay ko habang hinhintay ko ang sagot niya. "Ano? natitigasan ka pa rin 'no! sabi sa'yo wag ka nang sum--"

"Its ok na.. I can sleep there." putol niya sa sasabihin ko. 

Pinuntahan niya ang nilatag ko at triny niya na humiga. Kasya naman siya kaso para namang nakakaguilty na pahigain ang isang Luhan sa lapag. Baka mamaya magalusan pa yan jan choz!

Napairap ako. "Kung nahihirapan ka dyan magsabi ka lang at dito nalang kita sa kama papahigain." sabi ko. Nakakainis lang dahil hindi ko na talaga siya kayang tiniisin! Mahal ko na talaga 'tong hinayupak na 'to.

"No, its ok.. I can sleep on this uhm.. bed." sabi niya. Amp! nagpapaawa ba siya or sadyang ako lang tong naaawa! 

Umiling nalang ako. "Sige na, dito ka nalang humiga sa higaan ko, ako nalang dyan sa lapag."

"Tss Celle, sabi ko ok lang ako dito sa lapag." paniniguro niya. "Teka nga, nag-aalala ka ba sa'kin?" ngumisi siya na animo'y nang aasar pa. Amp! ang kapal naman ng mukha niya.

"Hindi 'no! bahala ka na dyan ha!" saka ako dali dali na bumaba. 

Para na rin siguro makapagbihis siya, ang uncomfy kasi ng suot niya e, ang init init pa naman.

Pagbaba ko ay nakita ko si Lolo na nakatingin sa'kin. Sinenyasan niya ko na pumadoon dahil baka may sasabihin siya, tungkol ata kay Luhan. Nilapitan ko siya saka umupo sa tabi niya.

"Namiss mo ba kami kaya ka umuwi?" tanong niya, ngumiti naman ako saka tumango.

"Oo naman ho, sino baga naman ang hindi makakamiss sa inyo eh kayo ang da best." ngumiti lang siya saka kami nagyakapan moments dalawa, "Miss you Lo, kayong dalawa ni Lola.." sabi ko.

Sakto naman ang pagbaba ni Luhan, naabutan niya kong nakasandal sa balikat ni Lolo ang ulo. Napangiti siya kaya napabangon ako. "San ka pupunta?"

"Wala, hinahanap lang kita." aniya, 

"Ano uling pangalan mo ijo?" napatingin ako kay lolo dahil sa tanong niya.

Ok magsisimula na ang interview-han

Umupo si Luhan sa harap na  upuan namin saka tumingin kay Lolo. "I'm Luhan Daniel Umbriel po Sir, the current CEO of our distillery in Manila.. N-Nice too meet you po." inilahad niya ang kamay niya kay Lolo at agad naman iyong inabot ni Lolo saka nagshakehands ang dalawa.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now