SPECIAL CHAPTER

154 0 0
                                    

Nicelle

We're here at Mr. Humarap again, kasama ko si Luhan dahil ngayon ang fifth monthsarry naming dalawa bilang mag asawa at dito ko siya unang nakainteract at nakita.

Hapon na, alas kwatro na ng hapon.. Nakaupo kaming dalawa sa damuhan kung saan kitang kita ang hindi nakakasawang view na nakikita namin sa baba..

Sabay naming papanoodin ang sunset dalawa, madami rin ang tao kasi holyweek, may tent yung iba.. Habang yung iba naman nakalatag ang picnic blanket. Kumakain at nagsasaya rin.

Yung iba naman nagseselfie selfie lang, sineselfie ang krus na matataas, tapos yung breath taking view ng Laguna de Bay, at saka syempre.. Picture nilang dalawa ng mga jowabellsxz nila.

Humangin ng malakas, malamig at walang amoy usok.. Kitang kita ko ang maliliit na ampyas ng alon sa Laguna de Bay at mga bangkang maliliit na kitang kita mula rito.

Napatingin ako kay Luhan pero nakatingin na pala siya sa'kin.

"Hinding hindi nakakasawa ang view na 'to.." sabi ko, "Dito tayo unang nagkausap, dito kita unang naging crush, dito mo ko unang pinatahan, at dito mo ko unang nakitang umiiyak.." ngumiti ako, ganon din siya. "Ang bilis no?"

Inilagay ko ang ulo sa balikat niya saka niya hinimas himas ang balikat ko habang nakaakbay.

"Yeah.." sabi niya, "Parang dati lang ayaw mo pa sa'kin." natawa siya..

"Gaga, natatakot lang kasi ako na baka katulad ka ni Jake.." pagdadahilan ko, "pero crush na naman na kita nung boss boss-an pa kita. Ang pogi kasi ng likuran mo twing naiiwan mo ko sa paglalakad." natawa ako.

"You can touch it whenever you want, magsawa ka, kasi iyong iyo na ako.." nagkatinginan kaming dalawa at nagsmile siya sabay halik sa'kin. Gago to ah, nakaisa sakin.

Hinayaan ko nalang at tinignan ulit yung view saka sinandal muli ang ulo sakanya..

Wala nang mas sasaya pa kapag nararamdaman mong secured na secured ka ng asawa mo..

Nung sunset na, kulay kahel na ang langit.. Kulang indigo na ang tubig mula sa Laguna de Bay, nagsisimula na ring umilaw ang mga ilaw ng bahay sa baba.

Paalis na kami ni Luhan pero naisipan kong icaptured ang araw na pulang pula na patago na sa mga bundok.. Bantay bantay ito ng mga kulay abong ulap at handa na nilang ipagdamot ang araw.

I captured them, at sobrang ganda ng pagkakacaptured ko.. Kahit ang daming beses ko nang nakaakyat dito ay ngayon lang ako nakapag captured ng ganito sa sunset.

Tinake ko rin ng picture ang tatlong malalaking krus na naging silhoutte gawa ng kulay kahel na langit. Tuwang tuwa ko itong pinakita sa Asawa ko at sinabihan niya rin ng maganda.

Habang papauwi tuloy ay sobrang saya ko na..

I want to treasure this memory with him until I die..

-------

Captured ni Author sa Tatlong Krus / Mt. Humarap yesterday^^

 Humarap yesterday^^

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


I captured this photo for y'all!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I captured this photo for y'all!

Let your Biggest Imagination work!!

-Biggest_Imagination

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now