Chapter 19

104 5 0
                                    

Halos mabingi ako sa sobrang tahimik ngayon sa kubo, nag-iimpake ako para sa swimming nga, ngayon nila iyon napagdesisyunan at bukas nalang ang sight seeing sa Mount Pico de Loro.

Napapatingin ako kay Luhan sa hindi ko malamang dahilan, parang wala lang, gusto ko lang siyang tignan. Gusto ko din siyang daldalin pero masyado pang awkward dahil sa nangyari kanina. Jusme, totoo bang rumupok ako kanina dahil sa cute na teddy bear na yon?

"Are you done?" napatingin ako kay Luhan dahil sa tanong niya. Malumanay akong napalunok at hindi ko alam ang sasabihin.

Umiling nalang ako bilang tugon. Tss, ayoko na! Ang awkward! Wag ka ng manligaw Luhan!

Kinuha ko ang wallet at nilagay iyon sa bulsa, titignan ko pa nga sana kaso ramdam ko naman ang tingin sa'kin ni Luhan, alam ko namang konti nalang ang laman netong wallet ko na to e, pero keri pa naman.

Bahala na si Batman.

"Are you done?" muli ay tanong ni Luhan sa'kin.

"Bakit ho ba?" tanong ko,

Napalunok siya, "G-Give me your bag.. Ako na ang magbubuhat." medyo utal pang sabi niya.

Nataas ko naman ang kilay ko. "Hala Sir hindi na, kaya ko na.. Magaan lang ho naman," saka ko napaiwas tingin.

"Pero nililigawan kita Ms Romero.."

Napataas nang muli ang kilay ko. "Hindi pa naman ho ako pumapayag.." sambit ko.

"I don't care.." sabi niya, "Akin na bag mo.." nilahad niya ang kamay niya sa'kin, tinignan ko lang iyon at ang kinis kinis ng kamay niya. Parang nahiya ang bag ko sa kamay niya ah..

"Kaya ko na nga Sir, saka Secretary niyo ko at ako pa nga dapat ang magbuhat ng bag niyo e." pagdadahilan ko. Kita ko namang napalunok siya dahil sa yeah, adams apple niyang masarap kagatin.. Amp!

"I'm your Hubby, not your boss.." napakagat labi naman ako, shet!! Napakakulit ng lahi niya!

"Sinong may sabe?" sabi ko.

"Ayaw mo?" tinaas niya ang kilay niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin! Bahala siya riyan, sagutin niya ang tanong niya. "Hmm?"

Amp! Wag mo nalang pansinin Nicelle, hayaan mo siyang magmukhang timang. Isasakbat ko na sana ang bag ko nang bigla niya itong hatakin, napasandal ako sa dibdib niya dahilan para maamoy ko ang bango ng katawan niya, ramdam ko din ang tigas nito. Ohhhh tuksooooo!! Leavee meee aloowwnn..

"S-sir."

"Give me your bag," malumanay na sabi niya. "Or I will be your first kiss.." nanlaki ang mata ko at gulat sa sinabi niya dahilan upang matulak ko siya palayo, agad kong hinubad ang bag ko at nilahad iyon sakanya.

"Oh ayan! Layuan mo ko." sambit ko, saka natakpan ang labi, nilagpasan ko siya palabas at naglakad patungo sa bahay nila Tita Alliana.

"Shems Celle! Ano na?? Anong nangyare??" salubong sa'kin ni Weilyn, nakaupo siya habang si Ben naman ang nagiimpake, gagu talaga to minsan.

"Anong nangyare ka dyan, malamang wala.." sambit ko saka umupo sa tabi niya. "Bat di mo tulungan si Ben?" tanong ko.

"Ayaw niya e, siya na daw.." pagdadahilan niya. Napa-Ah nalang ako saka sinulyapan si Celon, tumutulong naman siya kay Tito Gabriel na maghalo ng kung ano ron.

"Asan si Luhan?" tanong sa'kin ni Wein. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Bakit?" sabi niya.

"Nasa kubo, bakit?" sagot ko,

"Teka nga.."

"Hmm?"

"Bakit mo naman iniwan ang kawawang Bebe Luhan ron? Napaka maldita mo naman," sambit niya.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now