Chapter 8

105 7 0
                                    

Nicelle

Habang nasa byahe, halos mahimatay ako dahil sa kaba na nararamdaman. Medyo nahihilo na din ako dahil hindi ako makapag-concentrate sa dinadaanan namin. Napahawak ako sa ulo ko dahil nga sa hilo.

Pansin ko naman na napapatingin sa'kin si Sir Luhan ngunit hinayaan ko nalang. Literal na nagulat ako nang buksan niya ang bintana ng sasakyan. Nakalanghap naman ako ng sariwang hangin at medyo nawala ang hilo ko. Ngunit,

Bakit niya binuksan? Alam niya ba na nahihilo ako?

"Ano hong gagawin natin sa mga Crisostomo, Sir?" di ko mapigilan ang magtanong.

Sinulyapan niya lang ako at itinuon niya ulit ang pansin sa daan. "Meeting sa pagextend ng delivery ng Wine. You know? Medyo naunlad at nalaki ang consume nila sa mga wines so," di niya tinuloy ang sinabi. Napa 'ah' nalang ako bilang tugon at ibinaling nalang ulit ang tingin sa daan.

Napabuntong hininga ako dahil sa makikita ko ulit ang mga co-workers ko ron, specially mga admins. Hayst, mas lalo ko tuloy mamimiss ang Hotel.

Pagpasok ng kotse ni Luhan sa parking. Agad bumilis ang tibok ng makita ko ang van ng mga Crisostomo dahilan para mas dumoble ang pagbilis ng tibok.

Don't tell naandito silang lahat?

"Let's go." sambit ni Luhan. Hindi ko namalayan na nakalahad na pala ang kamay nito sa'kin at siya na din ang nagbukas ng pinto ko. Napatingin ako sakanya at kinuha nalang din ang kamay.

Magkasabay kaming naglakad papasok at hindi na ko nagulat sa ganda ng lugar. Sa tatlong taon ko rito, nasanay na ko sa ganda nito. Ngunit, hindi ko naitatanggi na ang ganda pa din ng lugar na to.

"Hi Sir, Mam.. Pang 1 master bed po ba ang hanap?" gulat ako nang sabihin ito ng nasa desk na babae. Hindi ko din kilala ang pagmumuka nito.

New worker ata! Pano niya nagawa sa'min to?! 1 master bed amputa!

Napatingin ako kay Luhan at pansin kong namula ito. Yung babae namang nasa desk ay nakangiti pa din.

"No. Where's Mr and Mrs. Crisostomo? I'm Luhan Umbriel, the CEO of The Umbriel's Distillery and Wine.." nakita ko ang pagkamangha sa mukha nung babae. Napatingin sa'kin si Luhan. "And this is my Secretary Nicelle Romero.. The former Executive Assistant here, and we are not couples." kita kong napairap ang lalaki sa sinabi.

"Hala Sir sorry... Hindi ko naman ho alam hehe, ang cute niyo ho kasing dalawa habang papalapit sa'kin, kala ko mag Fiancé kayo o mag Couple kaya naisip kong mag AANU-"

"Can you pls answer my question? Where's Mr and Mrs. Crisostomo?"

Natiklop ng babae ang sinasabi at itinuro nalang ang isang daan ron. Tinignan ako ni Luhan as a sign na sumunod na ko sakanya at umalis na kami.

Habang naglalakad panay tingin ng mga workers na babae isama mo na rin ang mga baklang malalantod kay Luhan. Pano ba naman hindi sila titingin?! Eh ang gwapo gwapo naman talaga nitong Kupal na to. Jusq! Pati ata dito ay naaattract sakanya ang mga workers.

Kaya hindi ko na din masisisi yung mga nandon sa distiliriya.

Nagulat ako ng buksan niya ang pinto at pumasok ng walang kakatok katok. Narinig ko naman ang boses ni Doña Crisostomo na winelcome si Luhan. Samantalang ako ay hindi makapasok dahil sa kaba.

Napatingin si Luhan sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin dahil ang akala niya ay nakasunod ako sakanya. Agad naman akong pumasok dahil sa nakakatakot na tingin na yon.

"Ms Romero?" gulat na sabi ni Doña Crisostomo.. "Kumusta??" ngumiti ito sa'kin. Kung dati ay hindi abot sa mga mata niya ang ngiti, ngayon naman ay hindi na ito plastic at totoo na ito.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielKde žijí příběhy. Začni objevovat