Chapter 10

116 6 0
                                    

Nicelle

Kagat labi kong sinundan si Luhan maglakad ngayon papunta sa parking. Ilang beses ko na sigurong nasasabing laging nakatingin sa'min yung mga workers sa twing dumadaan kami. Like shems nahawaan na ata ako ng pagkafamous ni Luhan.

Nang makapunta kami sa harap ng kotse, agad niyang binuksan ang pinto sa front seat at nilahad ang kamay niya sa'kin. Nakaiwas tingin ko naman na kinuha iyon.

Ang lambot ng kamay niya.

Sinara niya ang pinto at sumakay na rin siya. Nagkatinginan kami at nanlaki ang mata ko na hindi pa pala ko nakaseatbelt! Agad kong hinila yung seatbelt at kinabit iyon sa'kin. Iniwas ko naman agad ang tingin ko at nagpasawalang bahala nalang.

Nakakailang kasi yung titig niya talaga. Ano ba kasing meron sa mukha ko? May muta ba? Maliban sa kagandahan ano pa? Charot.

"Paturo kung san yung daan papunta 'ron sa lomihan." sabi niya. Napatingin ako sakanya at tumango.

In-start niya na ang kotse at nagbyahe kami ng mga labing limang minuto para sa lintek na lomi na' yan. Bumaba ko agad at nilanghap ang sariwang hangin choz, nilanghap ang sarap na amoy ng lomi. Gosh I'm so excited. Sa wakas ay makakapaglomi na rin.

"Ako na order Sir, ano ho ba ang inyo?" pagtatanong ko sa matoyo kong Boss. Nakatingin siya sa menu at parang hindi alam ang oorder-in.

"Katulad nalang din nung iyo.." sabi niya.

Napakunot ako ng noo. "Eh Sir, tag-35 bibilhin ko, ubos niyo ho ba yon? Baka tumaba kayo nan," sayang abs niyo.. Char.

"Tss.. Basta iyon nalang ang iorder mo, ok?" medyo naiiritang sabi niya. Yan nanaman, para nanaman siyang nireregla.

"Ok." sabi ko at pumila na.

Habang nasa pila ay sinusulyapan ko ang toyoin kong boss at nagcecellphone lang siya. May kausap ata through chat.

Bigla tuloy akon naguilty. Baka kasi may trabaho siya pero nandito siya kasama ko, lumalamon. Napakamot ako sa ulo at umirap. Bakit naman ako maguiguilty? Eh siya kaya ang kusang sumama sa'kin. Ako lang talaga dapat mag isa e, umepal lang siya. Oo tama umepal lang siya.

"Dalawang 35 po with love.." sabi ko.

Kumunot naman ang noo nung nasa counter at nilista nalang ang order ko. "Yun lang po ba?" aniya habang nakatingin sa papel kung saan niya sinusulat yung order.

"Yun lang yung sinabi ko di ba? Eh di it means yun lang.." pambabara ko. Well! Napaka common sense na non no. Charot, trip ko lang talaga mambara ngayon, yung pambabara na gusto kong gawin kay Luhan ay kay kuya ko naibuhos.

Binigyan niya ko ng number at kinuha ko naman iyon. Umupo ako agad sa tapat ni Luhan at tinignan siya. As in wala akong pakielam kung mapansin niya ang pagtingin ko.

Napansin niya naman agad yon kaya tumaas ang kilay niya. "What?"

"Ayoko ng may nagcecellphone sa harap ng.." napatingin ako sa lamesa kung san wala namang lamang pagkain iyon. Hayst pota. "Sa harap ng lamesa.." naiiwas ko ang tingin kay Luhan dahil napasmirk ito. Amp.. Bakit kasi nagsasalita ka pa Nicelle? Pwede bang shut your mouth I mean shut your pretty lips nalang?

Pero nagulat ako nang ibaba ni Luhan ang telepono niya at tumingin sa'kin. As in titig ang ginawa niya dahilan para mas lalo akong mailang. "You're beautiful." nagsitaasan ang balahibo ko sa sinabi niya. "So I’m no longer surprised that the heir of the Crisostomo likes you."

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now