CHAPTER 28

118 6 0
                                    

Nicelle

Nagising ako sa sikat ng araw na dumadampi sa mga eyelids ko. Nasisilaw ako dahil sa init tangina, ang sakit pa naman din ng ulo ko. Ayan Nicelle! Inom paa.. napupura ng mga lasinggera talaga ang magka headache pagkatapos ng inom.

Pero napansin ko agad ang paligid ko, hindi ganito ang ayos ng kwarto ko sa condo at sobrang ganda naman ng kwarto na 'to. Madami akong libro na nakita sa dalawang book shelf sa may unahan ng higaan. Maya magarang computer na dalawa ang screen katabi nito tapos madaming paintings. Mga abstract ito at nagustuhan ko bigla yung may white and black na painting.

Pero nasasan nga ba ako?!

Nagulat ako ng literal nung biglang bumukas ang pinto. Pero mas dumoble naman ito nung makita si Luhan na nakatapis lang at walang damit pang itaas!

Natignan ko ang sarili at may damit naman ako, sana naman mali ako ng iniisip at greenminded lang ako. Pero nasasaan nga ba talaga ako?!

"Anong ginagawa mo dito?!" Asik ko sakanya, napasmirk ang kupal saka derederetsong nagtungo sa isang aparador. Binuksan niya iyon kaya at doon ko na din nagets kung nasasan ako ngayon. NASA BAHAY AKO NI LUHAN!!!!

"This is my house, bakit ganan ka kung makatanong sa'kin?" medyo nang aasar na tonong sambit niya. Nakagat ko ang labi dahil napipikon ako ng slight. "Bakit ka nasa bar kagabi?" agarang tanong niya, curious pa nga..

"Nag inom natural, kaya mo nga ko nadala sa palasyo mo kasi lasing ako di ba? tingin mo hahayaan ko na mangyari yon kung nasa tamang pag iisip ako?" sarkastikang sabi ko saka siya inirapan, muli ay napasmirk siya at di ko alam kung bakit.

"I want to kiss you when you are grumpy Ms Nicelle.." agad ko siyang natignan ng masama dahil sa sinabi niya. Nakasmirk pa din siya kaya inirapan ko.

Halikan pala ha.. Sige nga daw..

Hanggang salita ka lang naman Mr Umbriel..

Tumayo ako. "Uuwi na ko, bye." bubuksan ko na sana ang pinto nung bigla niya kong hinatak at isandal dito. Nanlaki ang mata ko dahil nakahubad pa din si Luhan at tanging twalya lang ang suot pang ibaba.. "Ano ba!" angil ko.

"Stay here." tumaas ang balahibo ko dahil sa boses niya. Ang laki ng boses niya at ngayon ko lang iyon narinig. Dati kasi ang lambing ng boses niya twing kinakausap ako tapos ngayon..

Hindi ko akalain na gagamitan niya ko ng ganoong boses.

Napatingin ako sa kamay ko nung hawakan niya iyon, dahan dahan niya iyong nilagay sa dibdib niya dahilan para maestatwa ako. Ang tigas ng dibdib niya.. Tapos, tapos ang bango niya.. Tangina!

"Your stare makes my heart fluttered Ms Mine.." saka niya unti unting nilapit ang mukha niya. "Kaya panagutan mo 'to.." nagsmirk si Luhan at unti unting nilalapit ang mukha niya sa'kin, napapikit ako dahil don pero ilang segundo na ang lumipas ay wala namang labi ang dumikit sakin.

Pagmulat ko ay nakatingin lang sa'kin si Luhan at parang aliw na aliw sa mukha.

"Waiting for my kiss huh.."

Itinulak ko siya palayo kaya natawa ang gago. "Ewan ko sa'yo." sambit ko. "Asan ang papalabas sa bahay mo at aalis na ko." matapang ko tanong.. Pero nakatingin lang ang tanga sakin.

"Sasama ako sayo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang kapal naman ng mukha mo. Saka, hindi ako uuwi sa condo ko. Kela Lola ako uuwi.. Iiwan ko ang Maynila dahil sa inyo."

"Yeah, I'll come with you then.. I just want to talk to your Grandparents, and I'll introduce myself too as your suitor."

"Oh eh akala ko tumigil ka na? Walang bawian." inirapan ko siya, "Asan sabi ang labasan Luhan?? Magwawala ako dito talaga sinasabi ko sayo." napipikon kong sambit, nakakapikon!! Gusto ko nang maghanda ng damit ko pero ayaw akong palabasin ni Tanga.

Unexpected Series#2: Luhan UmbrielWhere stories live. Discover now