CHAPTER 01

49 4 0
                                    

KEITHA'S POV
.
"HIRO! Tingin ka dito! Bilis!" nakangiting alok ko kay Hiro, pero imbis na humarap siya ay lalo pa s'yang tumalikod. Kahit kailan talaga...

"'Wag mo akong idamay sa mga kalokohan mo," malamig na saad nito.

Napangiwi ako. Sanay na ako sa gan'yang ugali niya. Ang nakakainis lang ay parang hindi pa siya nasasanay sa ugali ko. O kaya naman, ayaw niya lang talagang makisabay sa mga trip ko. Tsk.

Siya si Hiro. Siya ang boyfriend ko. Cold, at para bang may sarili s'yang mundo. Himala na nga lang 'ata na sumasama siya sa 'kin.

Nagkakilala kami through internet. May dummy account kaming dalawa. Nagkausap, nagkamabutihan, at nagkatuluyan. At no'ng pasukan ko lang nalaman na kaklase ko pala siya. Matagal niya na daw alam na pareho kami ng school na pinapasukan, at ang akala n'ya'y alam ko rin.

Napabuntong-hininga ako. Patuloy lang siya sa pagkain ng cupcake na ni-bake ko para sa kanya. Nakatalikod pa din siya sa 'kin. Ayaw niya talaga na kinukuhanan siya ng litrato. Tsk, boke.

"Hiro!" Patakbo akong lumapit sa kanya. Kumuha ako ng cupcake at kumagat dito. "May tanong ako!"

"Hindi mo kailangang sumigaw," cold na saad niya.

Ngumuso ako. "May tanong nga ako..."

"Itanong mo na."

Ngumiti ako. Inubos ko muna ang cupcake ko bago ako nagsalita. "Kunwari, ito na ang huling araw mo sa mundo... Ano'ng gusto mong gawin sa huling araw mo? Sino ang gusto mong makasama?"

Bahagyang kumunot ang noo niya. Bumuntong-hininga siya bago siya sumagot. "Isang babae na napakamahalaga sa 'kin."

Kumislap ang mga mata ko sa sagot niya. Napanganga ako at napalunok. "S-sino?"

"Si Mama," sagot niya na ikinanguso ko. Bwiset talaga siya kahit kailan. Muli s'yang kumagat sa hawak-hawak n'yang cupcake. "Ang pangit ng tanong mo, parang ikaw."

"Heh!" Lumayo ako sa kanya. Nakakainis talaga siya! Err!

Napatingin ako sa bag ko nang tumunog ang cellphone ko. Nilapitan ko iyon at kinuha. "Doctor Charles?" basa ko sa pangalang nasa screen. Agad ko itong sinagot. "Hello?"

"Keitha, hija? N-nasa'n ka?" tanong nito mula sa kabilang linya. "P-pwede ba tayong mag kita?"

Napakagat labi ako. Nakakapagtaka na bigla na lang tatawag si Doctor Charles para lang makipagkita. Sinulyapan ko si Hiro na patuloy pa rin sa pagkain.

"Keitha?" tawag sa akin ni Doctor Charles.

Tumango-tango ako. "Sige po. Pupunta na ako, ngayon din." Ibinaba ko na ang tawag. "Hiro, may pupuntahan lang ako. Mag kita na lang tayo bukas, okay? Okay?" Tinap ko pa ang ulo niya na para bang isa s'yang aso.

"Tsk. Oo na. Umalis ka na." Tumayo na rin ito. "See you." Dire-diretso itong umalis.

"Hmp! Hindi man lang ako hinalikan," nakanguso kong bulong. Kinuha ko na ang bag ko at dali-dali kong tinungo ang hospital na kinaroroonan ni Doctor Charles.

Naging doctor ko si Doctor Charles noong na-confine ako sa hospital dahil sa sakit kong leukemia. Siya rin ang nakapagpagaling sa 'kin. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Nang dahil sa kanya, gumaling ako. Nang dahil sa kanya, nakilala ko si Hiro.

Napangiti ako. Nang ma-confine ako sa hospital ay talaga namang naging napaka-boring ng buhay ko. Kaya naman gumawa ako ng dummy account, para naman may mapaglibangan ako. At hayun, nakilala ko ang lalaking pinakamamahal ko. Ay! Ang sweet ko naman! HAHAHA!

Pero bakit kaya ako gustong makita ni Doctor Charles? May importante kaya s'yang sasabihin? Ay! Natural! Hindi naman siya makikipagkita kung hindi importante ang sasabihin niya. Boke, Keitha! Boke!

Nang marating ko ang hospital ay agad kong tinungo ang office ni Doctor Charles. Bumungad sa akin ang mukha n'yang hindi maipinta. Nakatitig lang siya sa akin na para bang ako na ang pinakanakakaawang nilalang na nakita niya.

'Anong meron?'

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now