CHAPTER 03

9 2 0
                                    

KEITHA'S POV
.
HINDI ko namalayan na nakauwi na pala ako. Sa tahimik at maliit kong tahanan. Sa tahanan kung saan nahimlay ang aking mga magulang. Ang tahanan kung saan rin ako mahihimlay.

Ibinagsak ko ang sarili kong katawan sa aking kama. Napatitig ako sa kisame. Hindi ako makapaniwala na mamamatay na ako. Hindi ako makapaniwala na maaga akong susunod sa mga magulang ko.

'Si Hiro...'

Bumuntong-hininga ako. Paano ko naman kaya 'to sasabihin sa kanya? Kung iyon ngang nauna kong sakit ay hindi ko ipinaalam, ngayon pa kayang malala na? Hays... Boke, Keitha...

Pero... Paano na? Paano kapag nawala na ako? May mahahanap kaya s'yang iba? Mamahalin niya ba 'yon nang higit pa sa pagmamahal ko sa kanya? Magiging cold pa rin kaya siya?

K-kaya ko kayang makita s'yang may kasamang i-iba? M-may kayakap na iba? May kausap na iba? Ibang kasabay kumain, ibang kasabay mag aral... Ibang taong kasabay n'yang tatanda.

"Esh!" Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Hindi ko kaya! Iniisip ko pa lang, napakasakit na! Nakakainis! Boke! Boke! Boke!

Nang umayos ako ng higa ay agad na lumabas ang isang patak ng luha mula sa mata ko. Pinahiran ko ito. Muli akong napatitig sa kisame.

Gusto ko s'yang yakapin, halikan... Gusto kong gawin ang mga bagay kasama siya na alam kong hindi ko na magagawa kapag kinuha na ni Bathala ang buhay na ipinahiram niya sa 'kin.

Napapikit ako. Bumuntong-hininga ako at dali-dali kong kinuha ang notebook ko. Dito ko isusulat ang mga bagay na gusto kong gawin, at ang mga bagay na gusto kong sabihin kay Hiro.

Kinuha ko ang ballpen ko. Sinimulan ko ng mag sulat;

'Gusto kong mag aral kasama siya. Gusto kong mag tapos kasama siya. Gusto kong mag travel kasama siya. Gusto kong ikasal sa kanya. Gusto kong bumuo ng isang masayang pamilya kasama siya. Gusto kong...'

Naitigil ko ang pagsusulat. Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga luha ko. Ang papel na nasa harapan ko ay nabasa dahil sa mga luha ko. Sinubukan kong mag sulat ulit, pero hindi na kaya ng katawan ko. Ang sakit-sakit...

"H-hiro..." At nagsimula na akong humagulgol.
.
.
"GOOD morning!" nakangiting bati ko kay Hiro nang magkasalubong kami sa entrance ng school.

Tiningnan niya lang ako sandali, pagkatapos ay naglakad na siya papalayo. Napanguso ako. Napaka-cold niya talaga! Agad ko s'yang hinabol.

"Teka lang naman! Ang aga pa naman, nagmamadali ka na agad!" Hinawakan ko ang mga kamay niya. Tinitigan ko siya. Ipinakita kong seryoso ako. "Mag usap muna tayo."

Bahagyang kumunot ang noo niya. Maya-maya pa ay tumango siya at sumunod sa 'kin. Napili kong makipagusap sa kanya sa likod ng library. Wala kaseng ibang estudyante na nagpupunta dito. Tahimik din dito dahil nga nasa likuran ng library.

"Ano ba 'yon?" walang gana n'yang tanong.

Naupo ako sa tabi niya. Ngumiti ako at isinandal ang aking ulo sa balikat niya. "'Di ba, tinanong kita kahapon? Kung sakaling huling araw mo na sa mundo, sino'ng gusto mong makasama?"

"Oh?"

"Hmm... Kung ako ang tatanungin, ang gusto kong makasama ay ikaw." Lumawak pang lalo ang ngiti sa mukha ko.

"Alam ko. Baliw na baliw ka kaya sa 'kin."

Napaayos ako ng upo. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ako pa talaga!? Ha! Ang kapal mo, ah!?"

"Oh, bakit? Hindi ba?"

"Hindi!"

"Weh?"

"Hindi nga! Hmp!" Lumabi ako. Minsan talaga ay may pagka-assuming 'tong mokong na 'to.

'At isa 'to sa mga mami-miss ko sa kanya...'

Nagitla ako. Ang sakit ko... Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa sakit ko...

Nilingon ko siya. Nakatitig lang siya sa kawalan. Napaisip ako. Paano kaya siya magre-react kapag namatay na ako? Hmm...

"Hiro," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya. "..mag hiwalay na tayo."

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Nakatitig lang siya sa akin, gano'n din ako sa kanya. Naghalo-halo ang pakiramdam ko sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Gusto kong sabihin na nagbibiro lang ako, sabay tawa. Pero naunahan niya na ako. Tumayo siya, kaya't napatayo din ako.

"Hindi." Nagitla ako sa sagot niya. Tiningnan niya ako. Kitang-kita sa mga mata niya ang inis. "Hindi tayo maghihiwalay. Kung ano man 'yang dahilan mo, ayokong marinig. Kung pagod ka na, magpahinga ka. Kung nagsasawa ka na, mag sabi ka. Handa akong humanap ng paraan para lang maibalik ang gana mo. Hindi ako papayag na mag hiwalay tayo. Maaga pa para d'yan."

Hindi agad ako nakagalaw. Wala ring lumabas na salita mula sa bibig ko. Tama ba 'yung mga narinig ko?

"N-nagbibiro lang ako..." sambit ko. Kumunot naman ang noo niya. "H-hm— HAHAHAHAHAHA! Nagbibiro lang ako! HAHAHAHA!"

"Tsk! Hindi magandang biro, Keitha." Tinalikuran niya ako.

"Oii! HAHAHA! Tampo ka? HAHAHAHA! Biro nga lang!" Niyakap ko siya mula sa likuran. Ihinilig ko ang ulo ko sa likod niya.

'Biro lang 'yon, Hiro... Pero... Kapag dumating na ang araw na 'yon, hindi mo na masasabi 'yan sa 'kin... Salamat at narinig ko na ngayon ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig... Hmm... Gagawa ka ng paraan para bumalik ang gana ko? Sana kaya mo ring magawan ng paraan ang tungkol sa sakit ko... Sana gano'n lang 'yun kadali...'

"Hoy." Napabuntong-hininga ako nang humarap siya sa akin. "Pumasok ka na."

"Hmm... Hiro? Pwede ba tayong lumabas sa Sabado? Manood tayo ng sine!"

Sandali niya pa akong tinitigan bago siya tumango-tango. "Sige na. Pumasok ka na."

Napangiti ako. "Hai, captain!"
.
.
HIRO'S POV
.
"SIGURADO ka bang hindi ka sasama sa 'min, Hiro? Masaya do'n! Maraming chix!"

Sa pangatlong pagkakataon, umiling ako. "May gagawin pa ako. Kayo na lang muna. Sa susunod na lang."

"Sus! Puro ka "sa susunod na lang", pero kahit kailan naman ay hindi ka sumama sa 'min!"

"May gagawin pa ako."

"Oo na! Tara na, pre. Ang boring ng buhay n'yan."

Pinagmasdan ko silang mag lakad papalayo sa 'kin. Napabuntong-hininga ako. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Tsk. Kahit kailan talaga, napakapangit mag biro ni Keitha.

Naglakad na ako papalabas ng school. Wala kaming usapan ngayon, at mukhang wala rin siyang balak na sumabay sa 'kin papauwi. Nang tanungin ko ang mga kaklase niya kanina, ang sagot nila'y nauna na raw siyang umuwi.

"Hmm! Ang sarap nito, manong! Isa pa nga po!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. At tama nga ang hinala ko. Natanaw ko si Keitha na kumakain ng fish ball. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nang mapansin niya ako ay lumingon siya.

"Babe!" tawag niya sa 'kin.

'Babe? Kailan niya pa ako tinawag na 'babe'?'

"Tsk. Nakailang stick ka na?" tanong ko.

"Sampu. Hehehehe..."

Kumunot ang noo ko. Sampu? Anong meron? Naglilihi ba siya? "Nagsasayang ka lang ng pera."

"Hmm! Nand'yan naman si auntie—" Bigla siyang natigilan. "S-si auntie..."

"Oh? Bakit?"

"M-m-makikipagkita pa nga pala ako sa kanya! S-sige!" Aligaga s'yang kumuha ng pera sa wallet niya. Muntikan niya pang maihulog ang mga barya sa wallet niya.

"Ako na. Sige na, umalis ka na." Kinuha ko ang wallet ko, ako na ang nagbayad. Nang lingunin ko si Keitha ay nakangiti ito nang napakalawak. "Umalis ka na."

"Waah! Ang sweet mo, babe!" Lumapit siya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Bye!" Mabilis itong tumakbo papalayo.

Napailing ako. Kahit kailan talaga...

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now