CHAPTER 08

7 1 0
                                    

KEITHA'S POV
.
"HMM~" Masaya akong nagsisipilyo habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin.

Sabado na, at ngayong araw na ito kami mago-out of town ni Hiro. Excited na ako! HAHAHA! Lalo pa't ipapahiram daw sa 'min ni auntie iyong kotse niya. Yipie!

Napatingin ako sa pinto nang may biglang kumatok. Patakbo akong lumapit doon. Alam kong si Hiro na iyon. Pati ang paraan ng pagkatok niya ay kabisado ko na.

"Hmm! Hwirwo!"

"Tsk. Tapusin mo nga muna 'yan." Dire-diretso s'yang pumasok at umupo sa sofa ko.

Ngumiti ako. Agad kong tinungo ang lababo at tinapos ang pagsisipilyo. Nang matapos ko ito ay agad akong tumabi sa kanya.

"Maligo ka na," utos niya.

"Tapos na! Magbibihis na lang ako," nakangiting tugon ko.

"Go ahead."

Tumango ako at dumiretso sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang damit na inihanda ko kagabi. Nagbihis, nagsuklay, nagayos ng mukha. And boom! Ang ganda ko na naman! HAHAHAHA!

"Bilisan mo na!"

Napabalikwas ako. Agad akong tumango-tango at nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Nakangiti kong kinuha ang kamay niya. "Let's go?"

"Hmm." Tumayo na siya at sabay kaming lumabas ng bahay.
.
.
"PWEDE rin ba akong mag drive?" tanong ko kay Hiro habang nasa byahe.

Sinulyapan niya ako. "Sure. Kapag wala na tayo sa kalsada."

Lumabi ako. "Ang damot mo naman." Humarap ako sa bintana. Napangiti ako nang matanaw ko ang napakagandang sikat ng araw. Muli kong nilingon si Hiro. "May mga binili nga pala ako kahapon. Junk food, candies, drinks..."

"Oh? That's nice," parang walang gana n'yang tugon.

"Kamusta nga pala ang klase mo kahapon? Napagod ka ba?"

"Natural."

"May mga lumapit ba sayong babae?"

"Meron. Teachers, classmates, students."

"Tsk. Pinansin mo ba sila?"

"Hindi."

"At bakit?"

Nilingon ako ni Hiro. Nakakunot ang kanyang noo. "Stop asking, will you?"

Ngumiwi ako. "Nagtatanong lang naman." Sumandal ako sa upuan. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. "Magpakasal na tayo, Hiro..."

Nang hindi siya sumagot ay nilingon ko siya. Isang tipid na ngiti ang makikita sa kanyang gwapong mukha. Naka-focus siya sa pagda-drive.

Ngumiti ako. Muli akong sumandal sa upuan. Ipinikit ko ang mga mata ko. Isang imahe ang nakita ko. Imahe ng aking mga magulang. Ang kanilang mga ngiti ay nakabibighani. Para bang...

"Matutulog ka ba?"

Nilingon ko si Hiro. "H-hindi—" Bigla akong naubo. Isang malakas at hindi normal na ubo. Napakasakit sa dibdib, pati na rin sa lalamunan. Para akong mamamatay sa sobrang sakit. Parang naninikip ang dibdib ko.

"Hey, Keitha? Are you okay?" aligagang tanong ni Hiro.

'N-no...'

Tumango ako habang patuloy sa pagubo. "A-ayos lang—" Agad kong kinuha ang panyo ko sa bag ko. Tumalikod ako kay Hiro. At tama nga ang hinala ko, may lumabas ngang dugo mula sa bibig ko. Agad ko iyong itinago sa bag ko. Ayokong makita iyon ni Hiro.

"Keitha?"

"A-ayos na ako... Nakalanghap lang s-siguro ako ng alikabok..." Sumandal ako sa upuan at pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Nang matigil na ang pagubo ko ay nakatulog naman ako.
.
.
HIRO'S POV
.
ANG ubong iyon ni Keitha... Alam kong hindi normal ang isang 'yon. Kakaiba ang tunog nu'n, at halatang nahihirapan si Keitha sa bawat pagubo niya.

Tinitigan ko siya. Mahimbing ang kanyang tulog. Para s'yang isang napakagandang anghel. Kumunot ang noo ko.

'May itinatago ka ba sa 'kin, Keitha?'

Napabuntong-hininga ako. "Nandito na tayo, Keitha." Tinapik ko siya. Agad namang bumukas ang mga mata niya. "Bumaba ka na."

"A-ang bilis naman?" kunot-noo n'yang tanong.

"Bilis na." Gusto kong matawa dahil sa itsura niya. Para s'yang isang bata na inuuto ng uncle niya. Bumuntong-hininga ako at tinapik siya. "Baba na." Kinuha ko na ang mga gamit namin mula sa backseat at bumaba na ako. Sumunod naman agad siya.

"Woah!" sigaw niya. "Ang ganda dito!"

Napangiti ako. "Mas maganda ka..." bulong ko.

Nilingon niya ako. "Ha? May sinasabi ka, Hiro?"

"Wala." Nagpatiuna ako sa paglalakad.
.
.
"SAAN ka pupunta?" tanong sa akin ni Keitha nang tumayo ako.

"May kukunin lang. Sige na, mag swimming ka lang d'yan."

"Aye aye, captain!" Muli s'yang lumusong sa tubig.

Nakangiti akong bumalik sa kwarto namin. Wala naman talaga akong kukunin. Gusto ko lang na mahiga. Ayoko kase na masyadong nagbababad sa tubig.

Nang marating ko ang kwarto namin ay agad na naagaw ng atensyon ko ang bag ni Keitha. Napatitig ako doon. Hindi ko alam, pero parang may nagtutulak sa 'kin na lumapit do'n. Napailing ako. Nilapitan ko ang bag ni Keitha.

At nang buksan ko ito, isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang bumalot sa akin. Hindi agad ako nakagalaw. Nanlamig ang buong katawan ko.

'B-bakit may dugo sa panyo niya?'

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now