CHAPTER 14

7 0 0
                                    

HIRO'S POV
.
ILANG araw pa ang lumipas. At para bang napakabilis lang dumaan ng mga araw. Napapansin kong napapadalas na ang mga pagulan. Napapadalas na rin ang paguwi ko nang late dahil sa mga activities sa school. Kaya naman bihira ko na lang maabutang gising si Keitha. At dahil do'n, napagdesisyunan kong 'wag na munang bumisita hanggang sa matapos ang activities namin.

Pero hindi nang araw na 'yon...

Alas-tres na ng hapon nang tumawag sa akin ang doktor ni Keitha. Nakakapagtaka man ay agad ko iyong sinagot kahit nasa kalagitnaan pa ako ng klase. At doon ko nalaman ang sitwasyon ni Keitha.

Sinabi sa 'kin ng doktor na hindi na raw natutulog si Keitha. Hindi na rin daw ito kumakain, at dahil do'n, hindi na siya nakakainom ng gamot.

Agad akong pumunta sa hospital nang malaman ko ang nangyayari kay Keitha. Mabuti na lang at pinayagan ako ng adviser ko.

Nang marating ko ang hospital ay agad kong tinungo ang room ni Keitha. At nagulantang ako sa nakita ko.

Lalo pang pumayat si Keitha. Lubog na rin ang mga mata niya—sa sobrang antok na din siguro. Mas lalo ring pumutla ang kanyang balat. Maging ang kanyang labi ay namumuti na rin.

"Sir," bungad sa akin ng nurse. "Mabuti na lang po at dumating kayo..." Lumapit ito sa 'kin. Halatang-halata ang stress sa mukha niya. "Ilang beses ko na po s'yang sinabihan na kumain para makainom na siya ng gamot, pero ayaw niya pong makinig..."

Tumango-tango ako. "Ako na'ng bahala sa kanya."

"Thank you, sir." Dali-dali itong lumabas ng kwarto.

Napabuntong-hininga naman ako nang lapitan ko si Keitha. "How are you?"

Tiningnan niya ako, pero hindi siya sumagot. Nagiwas siya ng tingin.

"Hey, babe..." mahinang tawag ko sa kanya.

Pero imbis na sumagot siya ay itinuro niya ang wheelchair niya. "W-wheel...w-wheelchair..."

Bumuntong-hininga ako. Inilapit ko sa kama niya ang wheelchair. Inalalayan ko s'yang maupo do'n. Nang ituro niya ang bintana ay agad kong itinulak ang wheelchair niya.

Nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. Kahit nakasara ang bintana ay ramdam na ramdam ko ang lamig na dulot ng hangin ng ulan.

"It's raining. Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko sa kanya.

"I-it's always r-raining..." mahina n'yang tugon.

"Yeah... Tag-lamig na rin kase, babe."

"A-already?"

"Yes."

Hindi na siya sumagot pa. Nilingon ko siya. Nakatitig lang siya sa bintanang kaharap niya. Pinagmasdan ko siya. Sa bawat pagbuntong-hininga niya ay pumipikit ang mga mata niya, pero kaagad niya rin naman itong iminumulat.

"Keitha? Bakit hindi ka na natutulog?" tanong ko.

Lumingon siya sa 'kin, pero hindi siya sumagot. Muli s'yang tumitig sa bintana.

"I missed you," nakangiti kong saad. Nang hindi siya sumagot ay lumuhod ako sa tabi niya. "What's the matter?"

Hindi pa rin siya sumagot. Bagkus ay tumungo siya. Maya-maya pa ay narinig ko ang paghikbi niya. Nang mag angat siya ng tingin ay kitang-kita ko ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha niya.

"Hey..." Hinawakan ko ang mukha niya.

"Ba...bakit...ako?" humihikbi n'yang tanong. "I-i'm...I'm o-only...seventeen..."

"Life is unfair...that's why..." mahina kong tugon.

"I-i hate t-this...t-this l-life..." Lumingon siya sa 'kin. "I-i don't...I don't w-wanna f-fall asleep..."

"Why?"

"I'm a-afraid... B-baka...baka h-hindi na a-ako...m-magising..."

"Shh... 'Wag mong isipin 'yan..."

"B-but...it's p-possible..."

"Shh..."

Pilit s'yang ngumiti. "D-don't l-leave me..."

"I won't." Ipinagdikit ko ang mga noo namin. "But promise me na hindi na magiging matigas ang ulo mo. Kakain ka at iinom ng gamot, then matutulog."

Tumango siya. "S-samahan m-mo akong m-matulog..."

Ngumiti ako at tumango. "I will."
.
.
"NA-MISS kita."

"Hmm..."

"Kung pwede lang na 'wag nang pumasok..."

"'W-wag..."

Tinitigan ko siya. "Kamusta ka? Ilang araw din kitang hindi nabisita."

Pumikit siya. "H-hindi n-naman ako m-mag isa d-dito... M-may mga p-pasyente... B-binibisita n-nila ako..."

Nagiwas ako ng tingin. "Maayos naman ba silang kasama?"

"M-medyo..."

"Bakit medyo lang?"

"H-hindi ko naman s-sila kilala..."

"Ahh..."

"H-hiro..." Yumakap siya sa akin.

Pumikit ako. "Hmm?"

"A-are you h-happy?"

"Of course."

"M-me too... I'm happy..."

Napatingin ako sa kanya nang masabi niya iyon nang hindi nauutal. Nakapikit na ulit siya. Bumuntong-hininga ako at saka pumikit.

"Thank you," mahinang sambit ko. Hindi siya umimik. Napangiti ako nang makumpirma kong tulog na siya. "Goodnight, Keitha."

Maybe Next TimeOnde histórias criam vida. Descubra agora