CHAPTER 04

7 2 0
                                    

KEITHA'S POV
.
"OH? Napadalaw ka, Keitha?"

Napangiti ako nang bumungad sa akin si auntie. Agad ko s'yang niyakap. Alam kong nagtataka siya, pero niyakap niya pa rin ako. Bahagya akong tumawa nang lumayo ako sa kanya.

"May kailangan ka ba, hija?" kunot-noo n'yang tanong sa 'kin. Ngumiti ako at umiling. "Oh, pasok ka. Nagluto ako ng adobo kanina—"

"May sasabihin po ako, auntie," sabad ko. Lalo namang kumunot ang noo niya. "A-at saka, hindi na rin po ako m-magtatagal..."

Natigilan ako sa sarili kong sinabi. Hindi na ako magtatagal...tama... Hindi na nga talaga ako magtatagal...

"Oh, sige. Pumasok ka na muna at uminom ng tubig sa loob." Nagpatiuna siya sa pagpasok. Sumunod naman ako. Kumuha siya ng isang basong tubig at ibinigay sa 'kin.

Kinuha ko iyon at tinungga ang tubig. Nang ibalik ko na kay auntie ang baso ay saka ko lang sinabi ang tungkol sa sakit ko. At kagaya ng inaasahan, natigilan siya. Dala rin siguro ng pagkagulat, nabitawan at nabasag ang basong hawak-hawak niya.

Napatungo ako. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya. Siya na rin kase ang tumayong ina sa 'kin mula nang mamatay ang mga magulang ko.

"T-totoo ba 'y-yan, Keitha?" tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagkabigla. Tumango ako. "D-diyos ko! K-keitha..."

"A-ayos lang po ako, auntie." Pilit akong ngumiti. Pero hindi siya nadala ng ngiti ko. Humagulgol siya. "A-auntie..."

"P-patawarin mo a-ako, Keitha! H-hindi ko alam—"

"A-auntie, ayos lang po... W-wala kang k-kasalanan... D-dati na po akong m-may sakit... A-at saka, b-baka gusto na rin ng mga magulang k-ko na...na...s-sumunod ako s-sa kanila..."

"Keitha..." Muli itong humagulgol.

Ngumiti ako nang pilit. Pinigilan ko rin ang mga luha na lumabas mula sa mga mata ko. "E-excited na n-nga po akong m-makasama sila—"

"Keitha, u-umuwi ka muna..."

Napatitig ako kay auntie. Nakatungo siya habang pinipiga ang unang katabi niya. Napabuntong-hininga ako. "S-sige po..." Tumayo na ako. Bago ako tuluyang makalapit sa pinto ay muli ko s'yang nilingon. Hindi nagbago ang pwesto niya. Tuloy-tuloy akong lumabas. Natigilan lang ako nang marinig ko ang malakas n'yang hagulgol. Napabuntong-hininga pa ako bago tuluyang umalis.
.
.
MIYERKULES. Maagang natapos ang klase namin, kaya naman agad kong tinungo ang faculty office. Hinanap agad ng mga mata ko si Mrs. Santos. Nang makita ko siya ay agad ko s'yang nilapitan. Nang sabihin ko ang sadya ko, gulat s'yang napatitig sa 'kin.

"Aalis ka na sa volleyball team? Bakit?" gulat n'yang tanong.

Pilit akong ngumiti. "May mga bagay lang po kase akong kailangang asikasuhin. At saka, last year ko na rin naman po bilang isang highschool student."

"Pero, hija...malapit na ang tournament...sayang naman kung hindi ka makakasali? Ayaw mo bang mag laro? Kahit huling laro mo na lang?"

"Pasensya na po talaga, Mrs. Santos. May mga bago na rin naman po. Mananalo naman ang team kahit wala ako."

"Hay..." Bumuntong-hininga siya. Ilang sandali pa bago siya tumango-tango. "Inererespeto ko ang desisyon mo. Salamat na rin sayo. Marami kang naitulong sa team. Maraming panalo ang natamo natin dahil sayo."

Naginit ang pisngi ko. "N-naku! H-hindi naman po ako ang dahilan ng mga panalo na 'yon! G-ginalingan po ng team k-kaya't nanalo sila... Hehehehe..."

"Hays... Oh, basta... Galingan mo ang pagaaral, hija."

Nakangiti akong tumango. "Salamat po! Magandang hapon!" Patakbo akong lumabas ng faculty. Tinahak ko ang daan patungo sa likod ng library. At doon...doon ko inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

'Ayokong umalis sa volleyball team... Gusto kong makapaglaro sa darating na tournament...'

B-bwiset! Marami akong isinasakripisyo para lang sa bwiset na taning na 'to! 'Yong mga bagay na gusto ko ay hindi ko na pwedeng gawin dahil dito! Dahil mahina na ako! Dahil may taning na ako! Nakakainis!

"Oii."

Napaangat ako ng tingin. "Hiro—... O-oh... Allan..." Napatungo ako. Ang akala ko pa naman ay si Hiro. Mula kahapon ay hindi pa kami nagkikita. Hindi rin kase ako nakakadaan sa room niya. Kamusta na kaya siya?

"May problema ka ba?" tanong sa akin ni Allan.

'Meron...'

"Wala..." Tiningnan ko siya, at saka ako ngumiti.

"Sigurado ka ba? H-hindi ba kayo nagaaway ni Hiro? Baka mamaya n'yan eh, relasyon niyo na pala ang problema mo. Mag sabi ka lang sa 'kin, Keitha. Alam mo namang malakas ka sa 'kin."

Ngumiti ako. "Ayos lang talaga ako."

"Keitha, kung hindi mo na matiis ang ugali ni Hiro, sukuan mo na! Hindi pwedeng palagi ka na lang malungkot dahil sa kanya—"

"Oh, tapos?"

"A-ay, kalabaw!" Napabalikwas si Allan. Napalingon din ako sa likuran. "O-oh... H-hiro..."

"Hiro!" Tumayo ako at umakbay kay Hiro. "Uuwi na ba tayo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Oo. Mauna ka na. May kakausapin lang ako." Sinulyapan niya si Allan. Si Allan naman ay napalunok habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako. "Sige! Usap well!" Agad akong tumakbo papalayo.

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now