CHAPTER 13

7 0 0
                                    

HIRO'S POV
.
ISANG buwan na rin ang lumipas mula no'ng napapayag namin si Keitha na manatili na lang dito sa hospital. No'ng una ay panay pa ang reklamo niya, pero nang tumagal ay nanahimik na rin siya.

Nakakabigla ang pagbabago sa kanya. Bigla na lamang s'yang pumayat. Hindi naman sobrang payat, pero hindi pa rin magandang tingnan. Nahihirapan na din s'yang tumayo mag isa at mag lakad-lakad, kaya naman may wheelchair na siya. Pati ang pananalita niya ay unti-unti ring nagbago. Kung dati rati ay nakakaya niya pang tumawa nang napakalakas, ngayon ay hanggang ngiti na lang siya.

'Ayokong nakikita kang ganito, Keitha...'

"O-oii..." Bumalik ako sa wisyo nang bigla niya akong tapikin. "B-bakit...bakit n-nakatayo k-ka lang d'yan?"

Umiling ako at umupo sa kama niya. "May iniisip lang ako."

"A-ano?"

"School works."

"Ahh..." Tumango-tango siya. Maya-maya pa ay ngumiti siya. "N-nami-miss ko...m-mag aral..." Bumuntong-hininga siya.

"Nami-miss ka na rin ng paaralan," mahinang tugon ko. Nang hindi siya kumibo ay tumayo ako. Lumapit ako sa bintana. Pinagmasdan ko ang mga taong naglalakad. Lahat sila ay nagmamadali.

"B-bakit...nagmama...n-nagmamadali...sila... B-bakit s-sila...nagmamadali?" Nilingon ko siya. Nakatanaw rin siya sa bintana. Hindi malayo ang kama niya sa bintana kaya naman tanaw niya ito. "B-bakit...sila—"

"Hindi ko alam." Nilapitan ko siya. "Don't mind them." Muli akong naupo sa kama niya. "Nagugutom ka ba?" tanong ko sa kanya. Agad naman s'yang umiling. "Namamayat ka na, babe..."

"I-ikaw kase... S-sabi ko n-naman sayo...a-ayoko sa h-hospital... P-pagbabawalan nila a-akong k-kumain..." Hinabol niya ang kanyang hininga. "A-ang daming...ang d-daming bawal..."

"Natural lang 'yon. Kaya 'wag matigas ang ulo mo." Ginulo ko ang buhok niya. "May gusto ka bang gawin?"

"Hmm..." Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nang mag mulat siya ay tumitig siya sa gilid niya. Lumunok-lunok siya at muling pumikit. Nagmulat ulit at saka muling tumingin sa gilid niya. Ilang ulit niya pang ginawa 'yon bago siya bumuntong-hininga. "W-wala naman t-tayong i-ibang kasama d-dito...h-hindi ba?"

Napabuntong-hininga ako. "Wala." Nagiwas ako ng tingin. Nasabi sa 'kin ng doktor na maaari daw na makakita si Keitha ng kung ano-ano—hallucination. Normal daw 'yon. Lalo na kapag hindi maayos ang tulog ng isang tao, lalo na kung may sakit.

"S-snow..." Tiningnan ko siya. "K-kailan ba m-magkakaroon n-ng snow?"

"Hindi magkakaroon ng snow. Walang gano'n sa Pilipinas."

"M-may snow b-ba sa J-japan?"

"Meron."

"P-punta tayo...s-sa Japan...p-punta tayo..."

"Someday."

"Hm-hmm..." Dahan-dahan s'yang nahiga. "S-samahan m-mo akong m-matulog...H-hiro..." Mahina n'yang tinap ang kama niya. Tumango naman ako at nahiga sa tabi niya. Yumakap siya sa akin. Ginawa n'yang unan ang braso ko. "'W-wag kang a-alis...'w-wag k-kang... H-hiro...d-dito ka lang..."

Tumango ako at hinalikan ang buhok niya. "Dito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan." Niyakap ko siya.

Maya-maya pa ay nakatulog siya. Ako naman ay nanatili lang na nakahiga habang pinagmamasdan siya. Halatang-halata sa mukha niya ang hirap na pinagdadaanan niya. Sa bawat pagbuga niya ng hangin ay bitbit nu'n ang lubhang pagod.

Kung minsan ay ididilat niya ang mga mata niya. Sa unang tingin, akala mo'y nagising siya...pero hindi, muli niya na namang ipipikit ang mga mata niya. Kung minsan naman ay tatalikod siya sa akin, tapos ay bigla s'yang uungol at muling yayakap sa akin.

Nang hindi ko na makayanan ang antok ay dahan-dahan akong tumayo at lumipat sa sofa. Mas magiging kumportable din kase kung hindi ko siya tatabihan. Mas gusto ko ring matulog nang walang katabi.

'Pero ang totoo, natatakot akong gumising sa tabi niya...sa tabi ng katawan niya...sa tabi ng walang buhay n'yang katawan...'

Umiling ako. Ano ba'ng iniisip ko? Hindi pa siya mamamatay. Gagaling siya at lalabas ng hospital na 'to nang may ngiti sa labi. Magtatapos siya kasama ako. Ikakasal kami at bubuo ng isang masayang pamilya. Mangyayari pa ang lahat ng iyon.

Sinulyapan ko ang natutulog na si Keitha. Napakahimbing na ng tulog niya. Napakaganda siguro ng panaginip niya. Ngumiti ako.

Hindi pa siya mawawala. Mas pipiliin n'yang lumaban para lang makasama ako.

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now