FINAL CHAPTER (CHAPTER 16)

13 0 0
                                    

HIRO'S POV
.
ISANG buwan na rin ang lumipas mula nang iwan kami ni Keitha. Nailibing na ang katawan niya. At marami ang nagtaka kung bakit hindi ako pumunta sa libing niya.

Panibagong malungkot na araw na naman 'to para sa 'kin. Panibagong araw na hindi ko makikita ang napakagandang ngiti niya. Panibagong araw na hindi ko mararamdaman ang haplos niya.

Napabuntong-hininga ako. Wala sa loob kong dinampot ang cellphone ko. Napagdesisyunan kong muling buksan ang dummy account ko. Ang account kung saan ko nakilala si Keitha.

Matagal-tagal ko na ring hindi nabubuksan ang account na 'yun. Nang mabuksan ko ito ay agad na kumunot ang noo ko. Napakaraming messages. Agad ko itong tiningnan.

'Spam messages from Keitha...'

Nakangiti ko iyong binuksan. Napakarami n'yang messages. Binasa ko iyon mula sa simula...

10:19 PM
HOY, BOKEEEE!!!!! TULOG KA NAAA???? ANG AGA MO NAMANG MATULOG, SHUTA KAAA!!! GISING D'YAN, HOYYY!!! KAUSAPIN MO MUNA AKOOOO!!!
.
BAHALA KA NGA D'YAN!!! HMPP!!!
.
HOYYYY!!!!
.
AHH HINDI KA BA TALAGA D'YAN GIGISING?????!!!! LAGOT KA SA 'KIN BUKASSS!!!
.
BUKSAN MO ANG ACCOUNT NA 'TOOOO!!!! HOYYY!!!
.
HMP!!! KAHIT SA RA MO HINDI KA SUMASAGOT!!!
.
HAMPASIN KITA!!!
.
HMMPPP!!!!!!!!
.
.
3:08 AM
Hindi ako makatulog...
.
Oii
.
Sige, goodnight. Sleep well.

Napabuntong-hininga ako. Muli kong binasa ang iba niya pang messages. Lahat iyon ay puro pangungulit. Tiningnan ko ang oras ng huling message niya. 4:44 AM. Iyon din ang oras kung kailan siya... Napapikit ako.

Nag-decide akong mag message sa kanya. Alam kong hindi niya na 'yon mababasa, at alam kong hindi na siya sasagot.

8:15 PM
It's been a while... Hanggang ngayon, nami-miss pa din kita... Iloveyou... Alam kong mahal mo din ako... Baliw na baliw ka nga sa 'kin, right? Haha...
.
How are you? Alam kong hanggang ngayon ay natutulog ka pa din... Sleep well...
.
Ako kase...hindi pa rin ako makatulog nang maayos... Baka nga sumunod na rin ako sayo...
.
Just kidding. Alam ko namang ayaw mo nu'n...
.
Iloveyou.
.
Imissyou.
.
Nangako ka sa 'kin, right? Next time? 'Wag mong kalilimutan ang ipinangako mo.
.
I'll make you stay next time, Keitha...
.
Goodnight, babe. Sleep well.

Niyakap ko ang cellphone ko. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Masakit pero kailangan kong magpatuloy. Dahil naniniwala akong makikita ko ulit siya. Naniniwala akong makakasama ko ulit siya. At kapag dumating ang araw na 'yon, hindi ko na siya papakawalan pa.

Napabuntong-hininga ako. Pumikit ako at hinayaan kong lamunin ako ng antok.
.
.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay napanganga ako sa napakagandang paligid. Napakaliwanag at nakakabighani. Ang nakakapagtaka lang ay dahil wala akong maramdaman na kahit na ano.

At mula sa malayo ay natatanaw ko ang isang napakagandang babae. Nang makita ko nang buo ang mukha niya ay napangiti ako. Nakangiti siya sa 'kin. Kitang-kita sa mga mata niya ang labis na kasiyahan.

Ibang-iba siya sa Keitha na nakasama ko sa hospital. Malusog siya at talaga namang napakasigla. Napakasaya ng ngiti niya. Napakapayapa. Napakaganda.

At unti-unti ay nagsimula s'yang mag laho. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Bumigat bigla ang dibdib ko. Ayaw ko pa s'yang mawala. Ayaw ko pang...

"Finally..." rinig kong sambit niya. Mukha niya na lamang ang natatanaw ko. Nakangiti pa rin siya. "Farewell, Hiro! Until we meet again..."

I smiled. "Until we meet again..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now