CHAPTER 15

8 0 0
                                    

HIRO'S POV
.
"KEITHA?"

"Hmm?"

Gumaan ang pakiramdam ko nang sumagot si Keitha. Niyakap ko siya at hinalikan ang buhok niya.

Napakabilis lang lumipas ng mga araw. At sa bawat araw, mas lalong lumalala ang sitwasyon ni Keitha.

Hindi na siya nakakatulog. Napapadalas na din ang hallucinations niya. Minsan ay nahuhuli ko s'yang nagsasalita mag isa.

"I-it's raining..."

Nilingon ko ang bintana. "Yeah..." Pero ang totoo, napakainit ng panahon.

"I-i wanna s-sleep..."

"Inaantok ka?"

"I-i'm t-tired..."

"Gusto mo bang tabihan kita?"

"N-no..."

"Okay." Naupo ako sa sofa at pinagmasdan siya. Maya-maya pa ay nakaramdam din ako ng antok. Tanghali na din kase. Maga-ala-una na siguro. Humiga ako at hinayaan kong lamunin ako ng antok.
.
.
NAGISING ako dahil sa isang napakasamang panaginip. Nang tumingin ako sa bintana ay napakalakas ng ulan. Pinagmasdan ko ang natutulog na si Keitha. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"G-gising ka n-na?" tanong niya sa akin.

'Hindi pala siya tulog.'

"Hmm..." Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Nakatulog ka ba?"

Umiling siya. "A-ang hirap m-ma...tulog..."

"'Wag mong pwersahin ang sarili mo."

"H-hiro?"

"Hmm?"

"T-tabihan m-mo ako..."

Tumango ako at humiga sa tabi niya. Ginawa niya ulit unan ang braso ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagmasdan ito.

Napakalamig ng kamay niya. Napakaputla rin ng kulay nito. Ibang-iba sa kamay niya noon.

"T-thank you, H-hiro..." Bumuntong-hininga siya. "T-thank y-you f-for...s-staying with m-me..."

"You're always welcome, babe."

"N-no... S-say my n-name, H-hiro..."

"Hmm... Keitha..."

"A-anong o-oras...n-na?"

Sinulyapan ko ang wall clock na matatagpuan malapit sa pinto. "4:44 PM." Napangiwi ako. Matagal-tagal din pala akong nakatulog.

"I-i'm s-sorry... H-hindi na a-ako m-magta...tagal... Alam k-kong h-hindi na... A-ayaw kitang i-iwan, H-hiro...pero...p-pagod...p-pagod n-na a-ako... A-ang h-hirap d-din palang l-lumaban...l-lalo n-na kung...a-alam mo n-namang t-talo k-ka na..." Isang luha ang pumatak mula sa kaliwang mata niya. "P-pinipilit k-ko namang...l-lumaban...p-pero...a-ang katawan k-ko n-na mismo a-ang s-sumusuko..."

"Shh..." Hinalikan ko ang buhok niya.

"G-gusto ko p-pang m-makasama k-ka...k-kaya lang...h-hindi ko n-na...k-kaya..." Bumuntong-hininga siya. "S-sa susunod n-na lang s-siguro? M-may s-susunod n-na buhay p-pa naman, 'di b-ba? S-so...m-maybe...maybe next t-time..." She smiled. Pero kakaiba ang ngiting iyon. Pumikit siya. At sa huling pagkakataon...bumuntong-hininga siya.

Mapait akong napangiti. "Goodnight, Keitha... Maybe next time..."

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang paglisan niya. Unti-unti ay nawala ang pwersa sa kamay niya. Hanggang sa tuluyan na nga s'yang bumitaw sa kamay ko. Ang kaninang mabilis n'yang paghinga ay nahinto.

'Wala na siya...'

Niyakap ko siya nang mahigpit. Kahit na anong pigil ko ay napahagulgol ako. Yakap-yakap ko ang walang buhay na katawan ng girlfriend ko. Namatay siya sa tabi ko... Namatay siya habang yakap-yakap ko siya...

Kailangan kong ipaalam 'to sa mga doktor. Kailangan nilang malaman ang nangyari kay Keitha. Kailangan nilang...

Hindi... Hindi nila kailangang malaman agad... Kukunin nila sa 'kin si Keitha... Mawawalay sa akin si Keitha...

"A-ayokong mawala ka..." Niyakap ko siya nang mahigpit. "B-bumalik ka sa 'kin..." At muli akong napahagulgol.

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now