CHAPTER 02

13 2 0
                                    

KEITHA'S POV
.
"MAGANDANG hapon, Doc!" nakangiting bati ko sa malungkot na si Doctor Charles.

"M-maupo ka, hija." Isinenyas niya ang upuang kaharap ng table niya. Agad naman akong naupo do'n, at saka ako tumingin kay Doctor. Kung kanina ay malungkot lang siya, ngayon ay parang naiiyak na siya. "H-hija... Una sa lahat, n-nais kong magpasalamat sayo... Nang m-mamatay ang a-anak ko ay ikaw na ang tumayong anak ko... Pinahahalagahan kita, h-hija..."

Kumunot ang noo ko. Aalis na kaya siya? Bakit parang nagpapaalam na siya?

Ngumiti ako nang pilit. "G-grabe naman 'yan, Doc! Kung makapagsalita kayo ay para namang mamamatay na ako! HAHAHA!" Tumawa ako nang malakas, pero nang hindi tumugon si Doctor Charles ay nagitla ako. Napatingin ako sa kanya. Punong-puno na naman ng awa ang mga mata niya. Napalunok ako. "M-mamamatay na po ba a-ako?"

Tumungo si Doctor Charles. Bumuntong-hininga siya bago muling tumingin sa 'kin. "L-lumabas sa results ng h-huling checkup mo na mas l-lumala ang sakit mo...at sa pagkakataong ito, h-hindi na natin malulunasan ang s-sakit mo..."

"Ilang taon na lang, Doc?" malamig na tanong ko.

Lumunok siya. "Isang taon...o baka mas m-maikli..."

Natigilan ako. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang lamig na bumalot sa buong katawan ko. Para bang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo. Para bang tumigil ang puso ko sa pagtibok. Para bang...para bang...

"H-hija?" tawag sa akin ni Doctor Charles. Nilingon ko ang malungkot n'yang mukha. "A-ayos ka lang ba?"

'Hindi...'

Pilit akong ngumiti. "O-oo naman po..." Tumayo ako at muling ngumiti. "S-salamat at sinabi mo sa 'kin agad, D-doc... A-aalis na po ako..." Tinalikuran ko na siya. Saka ko lang inalis ang pilit na ngiti sa mukha ko. Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa pinto. Gusto ko mang tumakbo ay parang walang lakas ang mga binti ko. Para bang gusto kong humilata at isiping panaginip lang ang lahat ng ito.

"Keitha."

Napabalikwas ako. Nagtataka kong tinitigan si Doctor Charles. Umaasa akong sasabihin n'yang biro lang ang lahat ng sinabi niya. Umaasa akong sasabihin n'yang may lunas pa ang sakit ko. Umaasa akong...

"Kailangan mo na s'yang hiwalayan," anito na ikinagitla ko. Si Hiro ang tinutukoy niya. Si Hiro na pinakamamahal ko. "Siya ang pinakamasasaktan kapag...kapag..." Napalunok ito at napaiwas ng tingin.

Malamig akong tumitig sa kanya. "Hindi siya iiyak. Sigurado ako du'n. Kapag namatay ako, tititig lang siya sa walang buhay kong katawan, tapos aalis na siya. Kakaiba siya, Doctor Charles. Hindi siya 'yung tipo ng tao na iiyak na lang dahil nasaktan siya. Cold siya, weirdo at may sariling mundong pinatatakbo." Ngumiti ako nang maalala ko ang mukha ni Hiro. Ang gwapo n'yang mukha na kahit kailan ay hindi ko pa nakikitang ngumiti. "Hindi ko siya hihiwalayan."

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now