CHAPTER 05

7 2 0
                                    

HIRO'S POV
.
"OII."

"O-o-oh?!"

Tinitigan ko siya. Gusto kong matawa dahil sa itsura niya. Bakas na bakas sa mukha niya ang takot. Tsk.

"Tigil-tigilan mo si Keitha. Hindi niya kailangan ang mga walang kwenta mong advice. Kaya kong mag bigay ng advice sa 'girlfriend' ko," seryoso kong saad.

Tumango-tango naman siya. "P-pasensya ka na, H-h-hiro! H-hindi na mauulit! P-pasensya na—"

"Hiro!" Napalingon kaming pareho nang biglang bumalik si Keitha. "Tara na!"

Tumango ako. Sinulyapan ko pa si Allan bago ako sumunod kay Keitha. Agad kong kinuha ang kamay niya at hinawakan ito. Ang pagaari ko ay pagaari ko.

"Baka naman tinakot mo nang sobra si Allan, ha?" natatawa n'yang tanong sa 'kin.

"Tsk." Umiwas ako ng tingin. Pinagsabihan ko lang naman ang mokong na 'yon.

"HAHAHA!" Hindi ko na pinansin ang malakas n'yang pagtawa. Maya-maya pa ay tumigil siya. "Sya nga pala, umalis na ako sa volleyball team."

Huminto ako sa paglalakad. Napahinto rin siya at tumitig sa akin. Kunot-noo ko s'yang tiningnan. "Bakit?"

"E-eh...wala lang! Gusto ko lang. A-at saka, g-gusto mo rin naman 'yon, 'di ba? Hmp! Naalala ko no'ng nagaway tayo dahil sa volleyball!"

Napatitig ako sa kanya. Nagiging weirdo na siya. Napansin ko nitong mga nakaraang araw ang pagbabago sa mga kilos niya. Nagsasayang na siya ng pera para sa mga walang kwentang bagay. Kung ano-ano ang kinakain niya tuwing uwian. Kapag lunch time naman ay puro gulay ang nasa plato niya. Umiiwas na rin yata siya sa mga juice at soft drinks.

'Anong meron?'

"B-bakit? May dumi ba sa mukha ko, ha, boke?" nakangiwi n'yang tanong.

Umiling ako. "Mukha kang dumi."

"A-anong—"

"Tara na." Hinila ko siya. Agad naman siyang sumunod sa akin. "By the way, tuloy ba tayo sa Saturday?"

"Ha?" kunot-noo n'yang tanong. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ahh! Oo naman! HAHAHAHA!"

"Tsk." Umiwas ako ng tingin, at saka ko binitawan ang kamay niya. Pero agad niyang hinawakan ang kamay ko. Nang lingunin ko siya ay nakangiti na siya.

"Hawakan mo lang ang kamay ko. Gusto kong maramdaman na hinding-hindi tayo magkakahiwalay, na hinding-hindi mo ako iiwan."

Kumunot ang noo ko. Pero agad akong umiwas ng tingin. Nagsisimula na naman siya sa pagiging weirdo niya. Nahawa na kaya siya sa 'kin? Tsk.

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now