CHAPTER 09

7 1 0
                                    

KEITHA'S POV
.
"HIRO? Hiro, nand'yan ka ba sa loob?" sigaw ko habang kumakatok sa labas ng kwarto namin. Napanguso ako. Nasa loob kaya siya? Kanina pa kase siya hindi bumababa. Ang sabi niya'y may kukunin lang siya, eh. Bumuntong-hininga ako. Nag-decide akong pumasok na lang. "Ang sabi mo may kukunin—"

"What's this?"

Natigilan ako. Nanigas ang katawan ko. Masamang-masama ang tingin sa akin ni Hiro habang nakaturo sa panyo ko. At hindi lang ang panyo ko ang nakita niya, pati na rin ang mga gamot ko.

"H-hiro—"

"Ano 'to?!" galit na talaga n'yang tanong.

Napatungo ako. "S-sorry..."

"May hindi ka ba sinasabi sa 'kin, Keitha?" Tumayo siya at lumapit sa akin. "Mag salita ka!"

"O-oo! M-m-meron!" Hindi ako makatingin nang diretso sa nanggagalit n'yang mga mata. Nanatili akong nakatungo.

"Tell me, Keitha... May sakit ka ba?" matigas n'yang tanong. "Tell me!"

"M-meron! M-m-meron, Hiro! M-may sakit ako! M-may...m-may sakit..."

"What the hell?!" Bahagya s'yang umatras. "Kailan pa? Kailan pa?!"

"M-matagal na... L-leukemia..."

"The fvck..."

Sinulyapan ko siya. Kitang-kita talaga ang galit sa mga mata niya. Muli akong tumungo. "I-isang taon...o-or baka mas maikli pa..."

"What?!"

"'Y-yon ang sabi sa 'kin ng d-doktor ko... H-hindi na ako m-magtatagal..."

"Keitha?!" Mahigpit n'yang hinawakan ang magkabilaang braso ko. Pilit niya akong iniharap sa kanya. "Tell me! Nagbibiro ka lang, right!?"

Pilit kong iniiiwas ang paningin ko. "S-sana nga..."

"Keitha!"

Tiningnan ko siya. "S-sana nga nagbibiro n-na lang ako! S-sana nga hindi pa talaga ako mamamatay! S-sana nga wala na lang talaga akong sakit!" Nagsimula na akong humagulgol. Siya naman ay nakatitig lang sa akin. Ilang sandali pa ay binawi ko ang braso ko at bahagyang lumayo sa kanya. "H-hiro, m-mag hiwalay na tayo..."

"W-what..." Halos sumabog na ang dibdib ko nang makita kong nanginginig ang labi ni Hiro. Halos pabulong na lamang ang boses niya nang bitawan niya ang salitang iyon.

"I-i'm sorry..." Agad akong tumakbo papalayo. Ayoko nang makita s'yang nahihirapan nang dahil sa 'kin. Ayoko s'yang makitang umiiyak.

'Mahal kita, Hiro... Pero ayokong iwan kang nahihirapan... Pasensya ka na...'
.
.
HIRO'S POV
.
PUNONG-PUNO ng galit ang dibdib ko. Pero ang galit na ito ay hindi para kay Keitha. Hindi rin para sa sarili ko. Kundi para sa magulong mundo na kinalalagyan namin.

'Pakiusap...sabihin mong nagbibiro ka lang...'

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay no'n ang pagbuhos ng mga luha mula sa mga mata ko. Napakasakit. Napakasakit. Napakasakit.

'K-keitha...'

Parang biglang bumalik ang lahat ng ala-ala namin ni Keitha. Ang masasaya n'yang kwento, ang matatamis n'yang mga ngiti, ang malikot n'yang imahinasyon... Bakit kailangang si Keitha pa?

Napatingala ako sa kalangitan. Bakit si Keitha pa? Wala naman s'yang nagawang mabigat na kasalanan, ah? Wala naman s'yang ginagawang masama! Bakit siya pa?!

"BAKIT?!" malakas kong sigaw. Napakagat labi ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
.
.
NANG bumalik ako sa kwarto namin ay hindi ko na naabutan ang mga gamit ni Keitha. Siguradong nakaalis na siya. Iniwan niya na ako...

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Ang tanga ko... Napakatanga ko...

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now