CHAPTER 06

7 1 0
                                    

KEITHA'S POV
.
"TALO ka na naman, boke! HAHAHAHA!" Iwinagayway ko ang hawak-hawak kong UNO cards. "Sabi naman kase sayo, hindi ka mananalo sa 'kin! HAHAHAHA!"

"Tsk! Ayoko na." Ngumuso siya at bahagyang tumalikod.

"Oii! Subukan natin ulit! Malay mo, manalo ka na! HAHAHAHA!" Hinila ko ang kamay niya. Nagpahila naman siya. Muli kaming naglaro.

At gaya ng inaasahan, natatalo na naman siya. Ang swerte ko sa mga nakukuha kong cards. HAHAHA! Ewan ko nga ba kung bakit napakamalas ni Hiro sa mga ganito. HAHAHA!

'Last card!'

Napatitig ako sa card na hawak ko. Last card na! Boke talaga, hindi sumigaw ng 'uno'. HAHAHA!

"Uno!" masayang sigaw ko.

Tinitigan niya naman ako. Kumuha pa siya ng pitong cards. HAHAHAHA! Wala na! Panalo na talaga ako!

"Okay!" Tiningnan ko ang mga cards. Green! Green ang hawak kong card! Ngumiti ako. "Oka—" Natigilan ako nang bigla akong halikan ni Hiro sa labi. Hindi ako nakagalaw.

Nang bumitaw si Hiro ay saka lang siya ngumisi. "Uno."

Panalo siya! Ang daya! B-bakit kase nanghahalik ang mokong na 'to? Tsk! Naramdaman kong biglang naginit ang pisngi ko. Siguradong namumula na ako!

"Panalo ako." Sinamaan ko siya ng tingin nang mag salita siya.

"A-ang daya m-mo naman kase!" Umiwas ako ng tingin at ngumuso.

"Hindi ka kase nagiingat," nakangisi n'yang tugon.

Inirapan ko siya at saka ako tumayo. "Ayoko na! Ang daya!"

"Manood na lang tayo ng movie." Tumayo din siya at tumabi sa akin. "May mga CD ka naman d'yan, 'di ba?"

Tumango ako. "Genre?"

Umiwas siya ng tingin. Maya-maya pa ay napansin kong namumula na ang mukha niya. "H-horror..."

"Eh? HAHAHAHA! Hindi ba't ayaw mo nu'n? Pero sige! HAHAHAHA!" Nagpatiuna na ako sa paglalakad palabas ng kwarto ko. Agad kong tinungo ang cabinet sa sala at kumuha ng isang CD doon. "Ito ba?" Ipinakita ko sa kanya ang CD na nahablot ko.

"B-bahala ka..." Hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

Ngumisi ako. Isinalang ko na ang CD sa DVD player. Nang maupo ako ay tumabi siya sa akin. Nakangisi pa rin ako habang siya naman ay namumula pa din.

"'Wag kang mag alala, nandito naman ako. HAHAHA!" pangaasar ko sa kanya.

Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. "Shut up."

Kinuha ko ang kamay niya. Hinawakan ko iyon nang mahigpit. "Kapag natatakot ka, humawak ka lang nang mahigpit sa kamay ko."

"Tsk."

Hindi na kami nagkibuan nang mag simula ang pelikula. Tahimik lang kaming nanood. Napabuntong-hininga ako. Sana ay pwede namin 'tong gawin araw-araw. Kung pwede nga'y gusto ko 'tong gawin buong araw kasama siya. Hanggang sa mapagod kami, hanggang sa mag sawa kami.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ako makapag-focus sa pelikulang pinapanood namin. Inaagaw ng ibang bagay ang atensyon ko. Bagay na ayaw kong isipin, bagay na ayokong marinig.

Napakagat-labi ako. Naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Hiro. Nakakatakot ang pelikula, pero gusto kong umiyak. HAHAHA! Baliw na nga 'ata ako! H-HAHA...

Tuluyan na ngang nagsilabasan ang mga luha mula sa mga mata ko. Pinilit kong hindi iparinig kay Hiro ang pagiyak ko. Hindi ko rin iginagalaw ang mga balikat ko. Ayokong mag alala siya sa 'kin.

'Mahal na mahal kita, Hiro...'

Napangiti ako nang mapait. Ayokong iwan siya. Gusto ko pa s'yang makasama nang matagal. Gusto ko pa s'yang makitang tumanda kasama ako.

'Oh, Diyos ko... Iligtas niyo po ako...'

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now