CHAPTER 07

7 1 0
                                    

HIRO'S POV
.
HINDI ko alam kung ako lang ba ang nagiisip na nagiging weird na siya, o talaga namang weird na siya.

Mula Biyernes hanggang Linggo ay mag kasama kami. Noong Lunes naman ay nagaya siya na manood ng sine pagkatapos ng klase, kahit na dalawang beses na kaming nanood ng pelikula noong Sabado.

Kanina naman, nagaya s'yang mag out of town daw kami. May resort daw ang auntie niya na hindi niya pa napupuntahan. Private daw iyon. Noong una ay hindi ako pumayag, may mga gagawin kase ako sa Sabado. Pero dahil makulit siya, napapayag niya ako. Dalawang araw lang naman daw kami do'n. Tsk.

"Salvador! Ano? Gala tayo?" alok sa akin ng kaklase kong si Carl.

Umiling ako at isinabit sa balikat ko ang bag ko. "May lakad kami ni Keitha."

"Eh? Araw-araw na naman kayong mag kasama, ah? Huwebes na naman, eh! Sige na!"

Muli akong umiling. "Pasensya na. Sa susunod na lang." Naglakad na ako papalayo sa kanila.

Ang totoo n'yan ay ayoko lang talagang makisalamuha sa ibang tao. Pwera na lang kay Keitha. Si Keitha lang naman ang napagtitiisan ko. Gusto ko s'yang kasama, at hindi ko itatanggi 'yon.

Bukod sa pagiging makwela, gustong-gusto ko rin ang pagiging matapang niya. Kahit na mag isa na lang siya sa buhay, ipinapakita niya sa lahat na hinding-hindi siya susuko. At dahil do'n, nagustugan rin siya ng mga tao.

May mga nagtangka na ring manligaw sa kanya, pero malas lang nila dahil may boyfriend na si Keitha. At ako 'yon.

Napangiti ako. Masarap rin pala sa pakiramdam na may girlfriend kang palaging nagpapasaya at magpapasaya sayo. Iyong kahit gaano ka kalungkot, papasayahin at papasayahin ka niya.

'Sana lang ay hindi siya mag sawa sa 'kin.'

"Woah! Nakakapagod!" Nilingon ko ang pamilyar na boses na iyon. Natanaw ko si Keitha. Nakasandal ito sa pader ng hallway na malapit sa room niya. Nakapikit siya at bahagyang nakaangat ang mukha.

Nilapitan ko siya. Nagmasid-masid ako sa paligid. Nang masiguro kong walang ibang tao, agad akong napangiti. Isang magaang na halik ang iginawad ko sa nakabukas n'yang labi. Agad naman s'yang nagmulat ng kanyang mga mata.

"H-hiro!?"

Umiwas ako ng tingin. "Pagod lang ako," pagsisinungaling ko.

"H-heh?! O-okay?" Nang tingnan ko siya at nakanguso na siya. Namumula rin ang mukha niya.

"Saan tayo ngayon?" tanong ko.

Umiling siya. Kumunot naman ang noo ko. "Ihatid mo na ako sa bahay. Late na rin naman. Napagod kase talaga ako..."

"Sige. Tara na." Kinuha ko na ang kamay niya at magkasabay kaming naglakad.
.
.
KEITHA'S POV
.
KANINANG lunch ay lumabas ako para bumili ng gamot. Ang sabi kase ni auntie ay may mga gamot pa raw akong pwedeng subukan. Siya na lang raw ang bahala sa gastos. Sumang-ayon naman ako sa kanya. Gusto ko rin naman kaseng gumaling.

"Sigurado ka bang gusto mo nang umuwi?" tanong sa 'kin ni Hiro.

Nilingon ko siya. Gusto niya pa bang makasama ako? Ngumiti ako at tumango. "Pagod ako, eh."

"Sige." Nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Sya nga pala, wala kaming pasok bukas. Sa Sabado na lang tayo mag kita, Hiro." Bumuntong-hininga ako. Napansin ko namang lumingon siya sa akin, kaya naman lumingon din ako. "Bakit?"

"Wala. Sige, sa Sabado." Muli s'yang tumingin sa kalsada.

Namula ang pisngi ko nang maalala ko ang paghalik na ginawa niya kanina. Pagod lang daw siya... Edi sana araw-araw na lang s'yang pagod! HAHAHA!

"Nandito na tayo," deklara niya nang marating namin ang bahay ko.

Ngumiti ako at hinarap siya. "Salamat! Mag ingat ka, ah? Sa Sabado—"

Isang...halik...na naman...

Pero kakaiba na ang halik na iyon. Gumagalaw na ang labi niya. Isinandal niya ako sa pinto ng bahay ko. Hinawakan niya ang mukha ko at inilapit pang lalo iyon sa mukha niya. Nakapikit siya habang patuloy sa paghalik niya sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumaba ang mga kamay niya sa baywang ko. Napapikit ako sa kakaibang pakiramdam na bumalot sa katawan ko. Hindi ko rin napansin ang pagbitaw niya.

"Matulog ka nang maaga."

Napamulat ako. Umiwas ako ng tingin. Nakakainis talaga siya! Err! Kaunti na lang talaga! Pepektusan ko na ang mokong na 'to!

'BOKE! HIRO! BOKE!'

"'Wag ka nang manood ng anime. Bukas na lang. Matulog ka na."

"K-kakain muna ako! H-hindi naman ako pwedeng matulog nang hindi k-kumakain!"

"Tsk. Natural! Pilosopo ka talaga. Sige na." Tumalikod na siya. Pinagmasdan ko na lang ang unti-unti n'yang paglayo sa akin. Hanggang sa hindi ko na siya matanaw...

Maybe Next TimeWhere stories live. Discover now