06

196 22 6
                                    

“sunduin ba kita mamaya?” kuya asked after stopping his car right in front of the gate.

umiling ako habang sinusuklay yung buhok ko. medyo basa pa dahil kakaligo ko lang, hindi uso sakin ang mag blow dry. “wag na kuya.”

kita ko naman ang pagsingkit lalo ng mata niya, “bakit? may balak ka bang makipag date ha?” gago?! ako? makikipagdate?!

“ulol ka ba kuya?!” inirapan ko siya sabay labas ng kotse niya. kasara ko ng pintuan, binaba naman niya yung bintana.

kuya gave me a piercing glare na hindi ko naman pinansin. “mukha kang angry bird kuya, alis ka na nga! bye! shoooo! go away!” natatawa kong pagbubugaw sa kaniya. soon enough, nag drive na siya paalis.

naglalakad na ako sa loob ng campus nang may biglang bumunggo sakin. “ay puta.” hindi ko napigilan na sabihin lalo na nang makitang natapon ang laman ng dala dala niyang bag.

buti nalang di ako natumba, siya lang halos yung nadapa. kawawa naman.

“sorry! i'm sorry!” he said apologetically before trying to fix his things. i did not hesitate, i helped him by picking up his stuff.

“thank you, salamat talaga!” grabe naman siya magpasalamat ngayon. he looks friendly and nice, with his rimmed eyeglasses and dimples peeking through his both cheeks. mukha naman siyang harmless.

“okay lang, just be careful next time.” sabi ko sa kaniya na ikinangiti naman ng lalaki. see? i don't hate every male i see! mukha naman siyang disente at talagang clumsy lang.

unlike yung iba na sila na nga nakabunggo, sila pa walang modo! ang putangina lang!

naglakad na ako palayo, lumingon ulit ako dun sa lalaki kanina. may kausap siyang ibang student bago ulit tumakbo paalis.

as i continue on walking, hindi ko namalayan na muntikan ko na pala mabangga ang isa pang tao.

“okay ka lang?” i looked up and saw none other than fortalejo. malambing ang boses niya, na parang concerned na concerned siya.

parang tanga! he's standing there with both hands on his pockets. kakita ko palang sa mukha niya, nasira na kaagad araw ko! ang aga aga!

“sino?” tanong ko pabalik, crossed arms against my chest while giving him a scowl. when he was about to speak, mabilis ko siyang inunahan. “kausap mo?”

napangisi siya at parang gustong matawa sa narinig, kupal! nilampasan ko na siya para maglakad papunta sa building namin. bahala siya dyan.

karating ko sa classroom namin, parang nasa palengke na naman dahil sa sobrang ingay nila doseio flynn. iilan palang yung mga elysian girls, pero nagkalat kaagad yung mga lalaki.

“hi pres!” pagbati ni iris, napatigil naman yung iba nang makita ako. pres? putangina! ilang taon akong laging class president! tapos ngayon, kadating ng sitaw na fortalejo na yon, inagawan niya ako ng pwesto?!

“ay sorry, vice pres pala.” pagbawi niya, hindi na ako nagsalita. edi wow. tangina, kasalanan 'to lahat ni fortalejo!

oo! tsaka ng walang kwentang merge na 'to! edi sana masaya pa ako sa elysian ngayon! hindi sana nangyayari lahat ng 'to!

“pres, good morning!” napalingon ako kay eugene, doon ko na realize na si fortalejo ang tinawag niya na ngayon ay kakapasok lang din sa classroom.

putangina. nasanay na ako okay?! nasanay ako na ako lagi ang class president. hindi ko matanggap na vice president ako ngayon, bullshit.

“ang gwapo talaga ni pres...” pinanlakihan ko ng mata si cici na halos mag daydream na habang nakatingin kay fortalejo. nakakarumi! anong gwapo?! bulag ba siya?

“mukhang sitaw!” sabi ko naman, tumawa lang si cici at umiling iling nalang.

since wala akong magawa, tumayo nalang ako para kumuha ng libro sa locker ko sa likod.

napatingin ako kay fortalejo, seryoso siya habang nagbabasa ng libro sa desk niya. akala mo naman kung sinong magaling!

hindi porket top student siya ng nexus, eh magiging top student na din siya ng enhigh! tsaka may student council elections pa, i'll make sure na ako ang magiging president don! talagang humanda siya.

kakuha ko ng libro ko sa locker, napansin ko na madaming nagkalat na papel at ibang basura sa bandang likod. sa mismong lugar pa nila fortalejo. sabi na nga ba, wala siyang kwentang presidente!

nilapitan ko si fortalejo, i placed both of my hands on top of his desk. dahil doon, umangat naman ang tingin niya sakin. “president na akala mo kung sinong magaling, bulok naman. tignan mo nga yung classroom, ang dumi! if you're really responsible... ikaw yung maglilinis nun.”

ngumisi ako, before walking away. gusto kong matawa dahil sa itsura niya.

ay tanga. bumalik ulit ako sa desk niya para kunin yung libro ko, nakalimutan ko pala.

“tinatawa tawa mo dyan?” pagtataray ko nang makita kong nagpipigil ng ngiti si fortalejo. ulol. “mag-linis ka na nga! ang kalat kalat! wala ka man lang pakialam dyan.” inirapan ko siya.

soon enough our first class started, medyo boring sa totoo lang. hindi ko rin naman favorite subject 'to. nagsulat lang kami ng lectures at nag iwan lang siya ng assignment.

“good day, miss garapon!” we all said as a form of goodbye.

kaalis niya, naiwan yung whiteboard na punong puno ng sulat. tumayo na ako para burahin iyon, since we still got a next class.

“vice pres! hindi pa ako tapos dyan!” pagrereklamo ni doseio flynn. gago yata, hindi naman siya nagsusulat eh! kanina pa siyang naglalaro ng mobile legends.

“pakopyahin nalang kita.” alyssa offered, giving him her notes.

nagpatuloy nalang ako sa pagbubura nung board. wala pang ilang sandali, tumabi sakin si fortalejo.

“ako na.” pilit na inaagaw ni fortalejo yung board eraser na hawak ko. ang pabibo talaga!

i moved away, sa ibang part ng board nalang ako nagbura basta malayo kay fortalejo. pero sinundan niya parin ako.

“ako na kasi. akin na.” ang kulit ng sitaw! tangina.

“epal mo, lumayas ka nga!” pagtataboy ko sa kaniya pero natawa lang siya.

“di mo naman abot eh.” bulong niya pero narinig ko parin. aba! walangya! anong di ko abot?! tangina! porket mas matangkad siya inaangasan nya na ako ngayon?! eh kung pakain ko sa kaniya 'tong pambura?!

“joke lang. ako nalang kasi.” pagpupumilit niya pa. inirapan ko sya tsaka sinagi para umalis sa tabi ko.

hindi natinag ang tangina dahil lalo pang dumikit para agawin yung pambura. “ano ba?!” sasapakin ko na talaga 'to, isa pa!

“ako na, baka mamaya sabihan mo pa ako na hindi marunong maglinis....” natahimik nalang ako nung lumapit pa lalo siya. putangina, as in malapit!

he leans closer to place his hand on top of mine, trying to snatch the eraser. what the fuck?!

kaagad akong lumayo at inihagis sa kaniya yung pambura. naglakad na ako paalis, habang rinig ko naman ang pagtawa nya. bwisit ka talaga fortalejo!

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon