28

134 14 17
                                    

ngiting tagumpay, hindi na mapawi ang ngiti sa labi ko simula kanina na nanalo ako sa elections bilang student council president. oo, tangina lang! ako ang nanalo at hindi yung gagong fortalejo na yun!

“congrats, kaila! ang galing mo!” sabi ng mga ibang students na nadadaanan ko. alam ko naman na magaling ako. mas magaling talaga ako kay fortalejo! “salamat!” pasasalamat ko tsaka tuloy sa paglalakad.

gago, hindi na ako makapaghintay na makita ang talunan niyang pagmumukha! excited, kaagad ko siyang minessage.

hi, loser. saan ka?

ang lungkot at tahimik niya kaya netong mga nakalipas na araw, kawawa naman. alam na talaga niya na matatalo siya. sucks to be him.

old art building. bakit?

binulsa ko na yung phone ko at kaagad naglakad para puntahan siya, kahit na sa dulo at likod pa yun ng campus. baka dun siya nagdadrama! tutal, wala masyado estudyante dun kesyo haunted daw. nagdudusa na siguro siya ngayon!

nakita ko naman kaagad siya, nakasandal sa pader habang nakatingin kung saan. kailangan ko pang bumaba ng hagdan para lang marating siya. “fortalejo! anong feeling na matalo?! umiiyak—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

bigla na lang niya akong hinigit pasandal sa pader habang tinakpan niya yung bibig ko gamit yung isang palad niya. gago! putangina! gusto kong magmura ng limang libong beses!

shuta, ang lapit ni fortalejo!

napalunok ako, halos marinig at marandaman ko na pati paghinga niya.

“shhh, wag kang maingay.” bulong niya, nakakunot at matalim ang titig. putangina, kahit nga paghinga hindi ko na magawa!

binitawan niya din ako tsaka bumalik sa pagsilip sa gilid nung pader. napahawak ako sa dibdib ko, shuta talaga! bakit ang bilis ng tibok ng walangya kong puso?!

dahil seryosong seryoso siya sa pagtingin kung saan, nakisilip na rin ako. may nakita akong mga lalaki. hindi ko kilala! pero parang familliar yung isa sa kanila.

saan ko ba nakita? gago! yun yata yung bumunggo sakin dati! yung naka eyeglasses tapos may dimples.

hinigit ulit ako ni fortalejo. hindi ko tuloy nacheck if yung lalaki nga ba yun?!

“umalis kana, you shouldn't be here.” gago?! ang kapal ng anit niya na palayasin ako! hindi ko napigilan na mapasinghap, ang tarantado lang ha!

pinapaalis mo ako?! ang yabang mo! law pangalan mo pero hindi ikaw yung batas! wala ka naman ipagmamayabang— teka nga! gago?! fortalejo! saan tayo pupunta?!” ang gago talaga! hinila niya yung kamay ko at nagsimulang tumakbo. wala akong choice kundi sumabay lang sakaniya.

“habulin nyo!” lumingon ako sa likuran namin at anak ng puta! malalaking lalaki ang humahabol samin. mga dambuhala! gago?! ano bang meron?! bakit kami tumatakbo?! at bakit nila kami hinahabol?

“bilis!” sabi ni fortalejo, habang sabay kami na tumakbo para makatakas sa mga yun.

hindi ko na alam kung nasaan kami, kung part pa ba 'to ng enhigh. never pa ako nakarating dito, ngayon lang! pucha naman, bakit ko pa kasi pinuntahan si fortalejo kanina?! ayan tuloy!

“sino ba sila? gago, ano bang nangyayari?!” tanong ko. malay mo masamang tao pala si fortalejo, tapos may atraso siya sa mga yun?!

“mga bully. nalaman ko na matagal na nilang binubully si larren.” napanganga ako sa narinig. shet, sino naman si larren?

muntikan pa ako madapa, letse! mabuti nalang mabilis akong tinulungan ni fortalejo. “tumakbo ka na, kakausapin ko nalang sila.” parang tanga! may utak ba siya?! hindi ito ang tamang oras para magpabibo!

“gago! nahihibang ka na ba?! kakausapin mo? baka gawin ka lang punching bag ng mga yon! wala ka pa sa kalhati nila! maawa ka sa buto mo!” hindi ko siya hinayaan na bumalik papunta dun sa mga dambuhala gang. hinawakan ko yung kamay niya, tsaka hinila siya papunta kung saan man. hindi ko alam. gago, basta makatakas lang kami!

“tangina?! dead end! wala na tayong pwedeng lusutan!” kapag sinusuwerte nga naman! kasalanan 'to ni fortalejo, siguro may balat siya sa pwet?!

narinig ko yung boses ng isa sa mga humahabol samin. inang yan! parang malapit na sila!

mabilis naman na umakyat sa pader si fortalejo, “tumungtong ka dun sa mga nakatambak na semento! ibagsak mo nalang kaagad kaakyat mo. sasaluhin kita sa kabilang side.” sabi niya.

puta, paano kung ayoko?!

pero yung gago, tumalon kaagad dun! wala akong choice kundi gawin ang sinabi niya, kahit parang mamamatay na ako sa kaba. putragis naman kasi!

“ayun sila!” nanlaki ang mata ko nang dumating na yung dambuhala gang, mabilis kong sinipa yung mga sako ng semento para maglaglagan sila lahat at mahirapan sila na makaakyat din. “putangina!” ang taas nung pader!

“talon! sasaluhin kita, wag ka mag-alala!” sigaw ni fortalejo na nasa baba na. hindi ko alam. pero nung tignan niya ako, habang nakabukas ang mga bisig at handang sumalo sa akin... walang alinlangan na tumalon ako at hinayaan na mahulog ang sarili sa kaniya.

natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa katawan at braso ni fortalejo. putangina! “okay ka lang? may masakit ba sayo?” rinig kong tanong niya.

“tangina mo fortalejo! may nalaglag ba na okay?! puta, sabi mo sasaluhin mo ako?!” sinungaling! puro lang talaga siya kayabangan! ang sakit ng balakang ko, shutangina. hindi naman niya ako sinalo! pati siya, natumba!

“gago, dapat hindi na ako nagtiwala sayo! ang sakit... puta.” pinilit kong tumayo habang hawak parin yung balakang ko. narinig ko din naman yung pagdaing nya.

pagtingin ko sa kaniya, nakaupo na siya habang hawak yung braso niya na nadag-anan ko kanina. kita ko din na may gasgas yung palad niya.

shit! shit lang! may dugo! “fortalejo! may dugo! tangina! you're bleeding!” turo ko sa siko at braso niya. bigla akong nagsisi sa lahat ng sinabi ko two seconds ago. baka nainjured pa siya dahil sa bigat ko?! putangina! wag naman sana!

“dadalhin kita sa hospital, tangina. kailangan natin pumunta sa hospital! okay ka lang ba? nakakahinga ka pa?! hindi ka naman mawawalan ng malay 'no? tangina! wag kang mamamatay!” natataranta na ako, tinulungan ko siyang tumayo habang inaalalayan bawat hakbang niya.

kanina pa ako nakaupo dito sa labas, sa may hallway ng hospital habang nandun sa loob ng opisina ng doktor si fortalejo.

i never expected this day to turn out like this! gusto ko lang naman makita siyang nagdurusa dahil ako ang nanalo sa elections. pero bakit kailangan ako din?! bakit kailangan magdusa din ako?!

putangina naman. kasalanan ko din kasi kung bakit nangyari yun samin. nag-ingay ako kaya nahuli kami nung mga dambuhala gang. at kung hindi siguro ako pumunta dun, hindi din ako mapapahamak. or pati rin siya!

tumayo ako kaagad nung marinig ko yung pagbukas ng pinto. lumabas si fortalejo na may arm sling at bandage yung kanang braso. shit lang. “okay ka na? anong sabi ng doctor?!” hindi ko mapigilan na hindi mag-alala okay?! lalo na at kasalanan ko.

he sat down next to me, giving me a look as i look back at him—worried. “oo, don't worry. kailangan lang daw ng ilang araw bago ako makarecover.” his voice sounded a bit hoarse.

napayuko ako at napahawak sa noo ko. “kasalanan ko 'to eh! tangina! kaya nahuli tayo nung mga yun!” ang tanga ko sa part na yon ha!

“no, hindi. wala kang kasalanan.” can't he just agree that it's my fault?!

“kasalanan ko nga, ang kulit mo! tangina naman eh!” hindi ba siya makaintindi?! puta naman.

hinarap niya ako sa kaniya. “hindi nga. hindi mo kasalanan, kaila. it's not your fault...” kalmado na sabi niya. putangina! tinawag niya akong kaila?

hindi ko alam kung paano magreact. lalo na sa titig niya na ganoon. bakit ba ganun siya makatingin?! pucha, nakakainis!

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon