08

171 21 0
                                    

kaila! mahar! kain na tayo!❞ maingay na sabi ni cici na nakaupo lang naman sa harapan ko. napailing nalang ako, ❝oo na, chicken wings?❞ may masarap kasi na kainan dito. sa totoo lang, yun lang yung nagustuhan ko dito!

pero the rest about nexus?! tangina lang! sinusumpa ko talaga!

❝sana all, pwede na kumain!❞ sabi ni dos. kailangan kasi magstay ng mga lalaki for another hour. vacant na kaming mga babae since na-take na namin yung susunod na subject last year sa elysian.

sucks for them. pero may subject din sila noon na kailangan din naman namin i-take. fair lang din.

pero tangina parin ng merging na 'to!

nagsimula na kumanta si gwen ng chicken wings, siya lagi pinakamaraming nakakain lalo na at unli yon! gutom na gutom na din naman ako lalo na at kape lang breakfast ko kanina.

nakatayo na ako at lahat nang biglang magsalita si fortalejo mula sa likod. amputanginang pabibo!

bago pala kayo umalis. may announcement muna ako.❞ naglakad siya papunta sa unahan, may pinaglalaruan na ballpen sa isang kamay.

nilampasan niya ako habang mayroong ngisi sa labi niya. parang ulol! anong nginingisi ngisi nya dyan?!

napairap nalang ako tsaka umupo ulit sa upuan ko. nakikinig naman yung iba pero may iba na distracted na kaya umimik na ako — bilang vice president din, ❝pakinggan nyo na yung sasabihin ng pabibo nyong president.❞ pero kung tutuusin, kahit ako, ayaw ko pakinggan si fortalejo! pakialam ko sa announcement nya?!

lalong umingay ang klase, lalo na yung mga kabarkada ni fortalejo. sobrang lakas ng tawa ni jayden. pero totoo naman! pabibo si fortalejo! kupal pa!

imbes na mapikon, tumawa lang si fortalejo sa harapan. ang yabang ng gago! humanda talaga sya sakin, tignan lang natin if makakatawa pa siya soon! bilangin na nya mga masasayang araw nya!

❝sabi ni sir emmanuel, we have to make an anthology as a class. for our whole school year together, we will compile all of our memories.❞ nagsimula nang magsalita si fortalejo, mukhang natuwa naman sa narinig yung mga kaklase ko. hindi nalang ako umimik.

❝individual ba yan? kung individual, salamat nalang sa lahat.❞ sabi ni dos na kaagad binatukan ni vince. laging magkasama yung dalawa eh. dumb and dumber lang ang peg. although matalino naman si vince.

❝tanga, as a class nga daw eh.❞ sabi ni vincent carreon.

natawa ako. pati din yung iba. napawi lang ang ngiti ko sa labi nung makita ko si fortalejo na tumatawa, mukha kasi syang tanga!

oo, as a class. don't worry. may mga guide steps naman. basta kailangan lang andun lahat tayo. tsaka if may mga events tayo together, ilalagay din dun. don't worry guys, kami yung mag ko-compile nun, kailangan lang talaga ng cooperation ng lahat.

edi wow.

❝sino magkocompile, pres? kayo ni sir emmanuel?❞ cici asked, napatingin tuloy banda samin si fortalejo. nagtama ang paningin namin, tinaasan ko lang siya ng kilay.

❝hindi, kami ni vice president. until the end of our school year.❞ simpleng sagot nya na nagpanganga sa akin. nagsigawan lalo mga kaklase ko, pati mga babae.

vice president?! kaagad tuloy akong tumayo para magreklamo. putangina lang! tama ba yung narinig ko?!

ako?! kami?! kaming dalawa mag ko-compile nun?! sira ulo ba siya?!

❝ako? anong ako?! sira ulo ka ba? bakit ngayon mo lang sakin sinabi?!❞ nakakainit ng ulo! tsaka ba't kailangan ako pa?! putangina!

bakit hindi nalang siya mag-isa?! ba't kasama pa ako?!

❝chat sana kita kahapon, kaso blinock mo ako diba?❞ this time, parang nang-aasar pa ang ngiti ni fortalejo. lalong nakakainis! punyeta lang!

wala na akong nagawa, as if i have a choice?! lalo na at ako ang vice president! normal lang na dapat magtulungan ang president at vice president, pero putangina! kung siya lang din naman, wag nalang! badtrip!

kumain tuloy ako na puno ng sama ng loob. walangya!

hinay hinay, kaikai. hindi naman lilipad yung chicken wings.❞ sabi ni alyssa sa tabi ko, nagtawanan naman sila habang nandito kami sa chix corner at kumakain.

halos tumalsik pa sa kabilang table yung hawak ko na chicken wings dahil sa pagpwersa ko. lalo tuloy nagtawanan mga kaibigan ko.

i sighed.

tangina lang talaga ng fortalejo na yun! paano ko ba siya mapapabagsak?!

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon