44

123 13 4
                                    

malalampasan ko ang araw na 'to na hindi pinapansin si fortalejo. kaya ko 'to! hindi ako magpapadala sa malanding gagong yun. tangina.

pero kapasok ko palang sa classroom, siya na kaagad ang bumungad. nakaupo siya sa upuan ko.

tumayo siya kaagad kakita sakin at pinanood ako na maupo sa sarili kong upuan. “good morning.” sabi niya.

hindi ako umimik. i ignored him, kagaya nung mga nakalipas na araw. ilalabas ko na sana yung laptop ko para gawin yung thesis namin nang may bigla siyang ipatong sa desk ko.

maliit na paso na may maliit na halaman doon. wala akong alam sa mga plants pero first time kong makita yung ganoong klase! shet, totoo ba yan? at anong gagawin ko diyan?

“i'd give you roses if you want. pero naisip ko na malalanta lang din kaagad yung mga bulaklak.” nag squat siya, halos kapantay na ng ulo nya yung desk para lang pagmasdan yung halaman.

putangina! parang dati lang mukha siyang sitaw. pero ngayon ko lang napansin kung gaano pala kaputi yung ngipin niya. at ang tangos pa ng ilong niya. at putangina! bakit ganun yung tunog ng tawa niya?! kelan pa naging maganda sa pandinig ko? kelan?!

“bakit galit ka? hindi mo ba nagustuhan?” napalitan yung masaya niyang mukha ng nag-aalala. suddenly, gusto kong manapak! how can he stare at me like that with those doe eyes?!

tangina, kaila! umayos ka nga! si fortalejo lang yan! sitaw yan, remember?! “uh, anong scientific name nya?” tanong ko, sinusubukan na iwasan bawat titig niya.

tumayo na siya, pero randam ko padin yung tingin niya sakin. “echeveria, from the family crassulaceae. this one is echeveria laui, ang ganda ng kulay niya diba? i did my research on how to take care of it.” pinigilan kong mapanganga nung may ilapag pa siya na maliit na notebook. “uh, here... i noted some of it.” some of it?! eh puno ng sulat yung notebook!

umalis na siya after dumating si ma'am hailee. napatitig lang ako dun sa maliit na halaman sa desk ko. first time kong makatanggap ng ganito... parang may kung anong kumiliti sa damdamin ko, hindi ko alam! puta bakit ba nasisiyahan ako?

dahan dahan akong lumingon sa likod, kung nasaan si fortalejo. busy siya sa pakikinig sa teacher namin, focus na focus ang mata niya sa harapan. kinagat niya pa yung dulo ng ballpen nya bago may sinulat sa papel. napalunok ako, putangina! bakit ba ako kinakabahan?!

inalis ko na ang tingin sa kaniya, gusto kong sampalin mismo ang sarili ko. habang nagrereplay sa utak ko yung sinabi ni raiah. that i'm just trying to convince myself that i don't like him.

tumingin ulit ako kay fortalejo, and this time, nagsisi na ako! puta! nakatingin na din sya sakin ngayon, sabay kindat habang nakangisi.

tangina, gago!

“alam mo naman na i'm always here for you diba? know that you're great, kahit na anong mangyari... andami mo na nagawa, you're the most hardworking person i know!” sabi ni alyssa, halatang nag-aalala. pero bakit? bigla nalang siyang lumapit sakin at tinanong if kamusta ako. para bang kino-comfort nya ako.

sobrang understanding si alyssa, hindi na bago yun. we all know how good her heart is. pero hindi ko gets kung anong nangyayari?

“naka post na yung grades sa portal!” anunsyo ni vince na naglalaptop sa teacher's desk. wala naman kaming teacher dahil vacant so usually dun sila nakatambay.


nag la-log in na ako sa portal gamit ang laptop ko nang biglang magsalita si fortalejo sa gilid ko, tangina lang!

“anong grade mo, mikay?”

kaagad na kumabog ang puso ko, hindi dahil sa gulat kundi dahil sobrang lapit niya sakin! halos magdikit na yung pisngi namin! i could even feel his hot breath on my ear. shit.

sinubukan kong hindi na siya pansinin, kahit na randam ko na pinagpapawisan na ako. pucha! yung aircon yata mahina.

chineck ko na yung grades ko habang nanonood parin si fortalejo. “kaila....” tumayo si alyssa sa harap ko, and i already know kung bakit nya ako kino-comfort kanina pa. alam na niya.

my grades are good. pasado. but not what i expected it to be. mababa yung scores ko last exam. napatayo ako kaagad, hindi ko alam kung anong dapat marandaman.

rank 4. not even 2 or 3. from being the top student, bumaba ako sa pang-apat.

oh shiiiii! congrats, gael! top 1 ka na naman, gago sana all! kailangan ko pang mag super scroll pababa para lang makita rank ko, amputa naman. ang hirap na ngang magpa rank sa cod pati ba naman dito?!” sabi ni dos na halos nagpatawa sa lahat. pero hindi sakin. tahimik lang din si fortalejo sa gilid ko.

siya yung top 1?

pabagsak ko na sinara yung laptop ko. nakayukom ang palad na aalis na sana ako nang hawakan ako sa kamay ni fortalejo. “mikay...” malambing ang boses niya. nangungusap ang mga mata.

i hate it. tangina. i can't even look at his eyes with the same hatred i used to have for him. gusto kong maiyak sa inis. hindi sa kaniya, kundi sa sarili ko. karma is a bitch. i fell into my own trap.

inalis ko yung hawak niya sakin, hahawakan nya sana ulit ako pero mabilis na akong tumakbo papalabas ng classroom.

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon