14

145 15 4
                                    

halos mapunit ko na yung papel ko nang makita ko yung scores. putangina! hindi ako makakapayag! tangina lang talaga!

highest si fortalejo, perfect yung score nya! tangina lang. gusto kong magwala! gusto kong manakit!

“ilan ka, gwen?” sumandal sa table ko si iris para tanungin si gwen na katabi ko lang. gwen made a crying sound, dun palang, we already know she failed.

“lagot na naman ako kay mama neto!” rinig kong sabi niya pa, pero hindi ko na magawa siyang tignan. matalas parin ang tingin ko sa papel ko. punyeta! kung tutuusin, super taas ko na, knowing how hard it is. dalawa lang ang mali ko.

i'm satisfied with my score, pero nung nalaman ko na mas mataas si fortalejo, parang gusto kong sunugin yung buong school! hindi pwede! tangina talaga, hindi maaari!

“28 ka lang, kaila? akala ko ikaw highest. si pres pala.” sabi ni iris nang makita yung score ko, umalis na din siya matapos sabihin yun. lalo lang ako nabadtrip. punyeta!

dumating naman yung next teacher namin, si ma'am kulimlim. may nginunguya na hindi ko alam kung bubble gum ba or taba ng baboy na kinain nya pa kaninang lunch break.

mukha pa lang niya, nakakabadtrip din. she's two faced, biased at masyadong paimportante! maattitude pa at namemersonal lagi! teacher na siya dati sa nexus and the boys warned us to not get into her nerves.

nagsimula na siya mag discuss, gusto kong makinig pero tanging nasa isip ko lang ay kung paano maghihinganti kay fortalejo. tangina niya! hindi parin ako makapaniwala na mas mataas siya sakin, na siya ang highest sa klase!

pagtingin ko kay fortalejo, malapad ang ngiti niya habang kausap si javi na may pinapamigay na mga papel. napakuyom ang palad ko, tangina mo fortalejo!

“hala, pati essay! ang baba ko!” sabi ni gwen habang nakatingin sa hawak na papel. nakita ko na meron na din papel sila cici, halos lahat.

“ano yan?” kinulbit ko si cici na nasa harapan ko. pinakita naman niya kaagad sakin, “yung essay kahapon, pinamigay ni javi.”

tangina? asan yung sakin? asan ba si javi at bakit hindi niya pa binibigay yung sakin?!

“okay class, please keep your essays with you, ilalagay niyo yan sa portfolio nyo.” sabi ni ma'am kulimlim na naglalagay na ng lipstick ngayon. kaagad kong tinaas yung kamay ko. “yes, miss dorro?” the fuck lang, mali pa yung surname ko!

“ma'am, it's derreo.” pagcorrect ko sa kaniya, tumaas lang ang kilay niya. “ma'am, hindi ko pa po natatanggap yung sakin.” i told her.

she pressed her lips together while looking in her compact mirror. tumingin siya sakin after, “well, maybe if you passed an essay, baka may matatanggap ka ngayon. don't expect something from me when you gave me nothing yesterday.” sinabi nya yon sa tono na nakakainis. tangina lang! is she serious?! ginagago yata ako neto!

“ma'am, i passed it yesterday. you even complimented my work. baka naman po naiwala—i tried to remain calm, pero nakakabadtrip talaga siya! ayoko na rin makipag argue pero putangina, may karapatan ako!

she acted shocked and offended, the fuck?! “you expect me to buy your reason, miss derreo?! aren't you disrespectful? ako pa ngayon?! sumasakit ulo ko sa katangahan mo, ma'am!

lahat ng kaklase ko nakatingin na sakin, nakakahiya punyeta! pero alam kong alam din nila na tama ang sinasabi ko. pero as expected, wala namang susuporta sakin.

cici and gwen are both afraid, while alyssa is not the kind of person to confront a teacher.

“nagpass po siya ma'am.” napatingin ako sa likuran, hindi makapaniwala sa taong nagsasalita ngayon.

“you said you like how she writes and you think the title is well thought of. nakita ko po na nilagay mo siya sa black folder then binitbit ni eugene yung gamit nyo papunta sa next class.” fortalejo continued, he successfully caught everyone's attention.

natahimik lang ako, tsaka nag-iwas ng tingin nang magtama yung mata namin. umayos ako ng upo. tangina! bakit of all people siya pa yung nagsalita?! hindi ko alam kung anong dapat kong marandaman. naiinis parin ako!

ang pabibo nya talaga! tangina.

“oh, really? now i'm sure, because lawrence would never lie.” may ngiti sa labi na sabi ni ma'am kulimlim. gago? so ang tingin niya sakin, sinungaling ako?! si fortalejo lang yata ang tinatawag niya sa first name! i think si javier din, pero putangina! favoritism talaga!

bago pa magsalita si ma'am, tinaas ko ulit yung kamay ko. “i'll just write it again, ma'am.” nanlaki ang mata ni cici na lumingon sa akin. nagtatanong ang bawat tingin, asking me if i'm serious.

i'm dead serious. “i'll pass it before 6pm.” sabi ko bago nag ring ang bell. mas gusto kong gawin nalang ulit yun kesa tanggapin na sinubukan akong ipagtanggol ni fortalejo.

i looked back at him, seryoso ang mukha na nakatingin din sa akin ngayon. hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya, inirapan ko siya. ang yabang niya! porket favorite siya ni ma'am kulimlim?! tangina.

tumayo na si ma'am kulimlim. “okay, miss derreo. bigay mo sakin sa faculty room.” sabi niya bago umalis, pinabitbit na naman niya kila eugene yung mga gamit niya habang hirap na hirap maglakad dahil sa size nya.

“seryoso ka ba?! 500 words yun, handwritten! tapos mamaya mo na kaagad kailangan ipass?” hindi parin makapaniwala si cici. tumango nalang ako, at napasabunot sa sariling buhok.

tangina! bobo ko rin sa part na 'yon, pero mas gusto ko nalang ulitin yun kesa magkaroon ng utang na loob kay fortalejo! tangina parin nya! hindi ko parin nakakalimutan na siya ang highest sa long quiz kanina!

palabas na kami ng classroom pero sobrang lungkot parin ni gwen. she keeps on whining, “for sure isisisi na naman ni mama kung bakit mababa grades ko sa boyfriend ko. wala daw ako mapapala sa pagjojowa kundi distractions sa pag-aaral!” she pouted habang grabe makayakap sa braso ko. “lagot na naman ako!”

suddenly, an idea popped out of my head. tangina! bakit ngayon ko lang 'to naisip?!

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon