19

134 16 10
                                    

pupunta sana ako sa locker ko sa likod para ilagay yung libro ko nang tawagin ako ni axel.

“vice pres,tumigil ako sa tapat ng upuan nya, sa likuran ko lang din naman siya nakaupo.

tahimik na inabot niya sakin yung notebooks ko na pinahiram ko kahapon. “tapos mo na kopyahin lahat?” gago! ang bilis naman!

tumango lang siya. walang kahit anong ekspresyon sa mukha niya. he's famous for that, madalas siyang tinatawag na robot dahil seryoso at tahimik lang siya.

“nag-apply ka sa elections?” biglang tanong niya.

punyeta, speaking of student council elections! malapit na yun! hindi ako papayag na si fortalejo ang mananalo! if he won as the class president, then i won't let him win again as the student council president! talagang ipapatikim ko sa kaniya ang impyerno pag nangyari 'yun!

“oo, kaya iboto mo ako ah? kundi susunugin ko lahat ng notes na kinopya mo sakin!” pagbibiro ko pero medyo totoo. okay lang naman if hindi ako ang iboto nila basta huwag lang si fortalejo! tangina talaga!

“sige, good luck, vice.” he chuckled. marunong din naman siya tumawa at ngumiti 'no! lagi ngang pinagmamayabang sakin ni cici kapag napapangiti niya si axel eh.

“siguraduhin mo lang ha!” pagbibiro ko pa tsaka siningkitan siya ng mata.

nagpunta na ako sa locker ko, nilagay ko kaagad yung libro ko tsaka kinuha yung rubber shoes ko para sa susunod naming subject which is gym class.

kinailangan namin magpunta sa indoor gym. lahat kami nakapagpalit na ng p.e uniform.

at ang pabibo na si fortalejo? halos naiiba ang porma kasama ang mga kabarkada niya. may suot siyang longsleeves sa ilalim ng p.e t-shirt niya, napaka pasikat talaga! tapos si soren, naka athlete turtle neck gym jacket. si javier naman ay naka hoodie ng nexus soccer team. akala mo naman hindi gym class ang pupuntahan ni jayden dahil sa buhok at sapatos niya, may gloves pa!

“f4 yan?” tanong ni gwen, “sino si dao ming si?” nagtawanan naman sila. nag cross arms lang ako habang pinapanood sila.

“ako.” sabay sabay na sagot nung apat, nagtinginan sila at nagsimulang magtalo kung sino ang mas karapat dapat na maging dao ming si. parang mga sira! “ako pinakagwapo kaya ako 'yon!” proud na sabi ni soren, napailing nalang ako. “no, ako!” sabi naman ni fortalejo, napairap ako.

“the d in don javier stands for dao ming si.” paglaban naman ni javi. putangina lang! ano daw?!

nagsimula silang mag-away away, napapatingin na yung ibang section sa lakas ng boses ni jayden. mga sira ulo talaga!

“hi fans.” nag grand entrance si dos habang dala dala yung bag ni sir gurang. kumakaway at nagpa-flying kiss samin habang maarte na naglalakad. tangina, isa pa 'to!

“si shanchai yata.” sabi naman ni cici na ikinatawa ko.

automatic na tumigil ako sa pagtawa nung tumingin sakin si fortalejo. the fuck! sundutin ko mata niya eh!

dumating na si sir gurang, nagstart na ang klase namin. ang akala ko na easy activities— hindi pala ganoon kadali! ang saklap, pucha! madaming naexcite nung makita yung jump ropes kabukas ng bag ni sir gurang. pero anong masaya diyan?! pahirap sa buhay!

“sinong gusto mauna?” tanong ni sir gurang. wala pang gustong sumabak. pero pinili niya si dos na mauna, kahit mukhang hindi willing yung tao. kawawang shanchai.

hawak ni soren at javier yung isang jump rope, sila yung magpapaikot noon habang si dos yung tatalon. naka 12 lang siya. “ay, sumabit sa long legs ko! owshi!” hindi ko alam kung namomoblema ba siya o lowkey flexing lang.

sumunod naman si cici, na naka 9. masayang masaya na siya dun, tuwang tuwa dahil usually 3 lang daw kaya niya.

after jayden, gusto ko na sana mag volunteer kaso kaagad umepal si fortalejo. putragis lang! matakid ka sana, gago!

“go, pres!” pagcheer ng mga kaklase namin sa kaniya. ulol.

“hala, omg! ang galing!” namangha si heather, transferee at bago naming kaklase. hindi nalang ako umimik. anong kinagaling niyan?!

“28... 29... 30...” si soren ang nagbibilang, nagsigawan pa lalo ang mga kaklase namin nang umabot na sa 30. maya maya pa, natapos siya sa 34. buti nga!

walang alinlangan na sumunod ako, alam ko na mataas ang pressure sakin ngayon kasi masyadong nagpabibo yung nauna sakin. pero anong pakialam ko?! para namang di ko kaya talunin si fortalejo?

“go, derreo!” nakangiting sigaw ni fortalejo. napatigil naman ako, hindi ko alam kung anong dapat ireact. lalo na noong nagsimulang mang-asar yung mga kaklase namin. “ayieeee.” i just gave cici a glare. para silang mga shunga!

tinali ko muna ang buhok ko bago nagsimula. nagfocus ako, na kailangan kong lampasan yung score ni fortalejo. if i have to score a hundred, why not?

“ang cute ni vice, umiikot!” rinig kong sabi ng isa naming kaklase. not sure who it is, napangiti nalang ako. napapaikot kasi ako habang tumatalon, hindi ko alam basta makatalon, puta okay na!

“33, 34, 35, 36...” pagbibilang nila soren habang patuloy na iniikot yung tali. kahit pawisan at sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, nagpatuloy lang ako. hanggang sa makaabot ako ng 40.

wala pa akong balak na tapusin yun! kahit na nalampasan ko na naman si fortalejo. pero letse lang, tumama yung tali sa pony ko, dahilan para mawala ako sa momentum.

“nice one, miss derreo!” sabi ni sir gurang. ngumiti lang ako tsaka bumalik sa pwesto ko kanina.

tinaasan ko ng kilay si fortalejo, pangiti ngiti siya ngayon pero alam ko na nagdudusa na siya! ano siya ngayon? tinalo ko na naman siya!

tinaasan ko ng kilay si fortalejo, pangiti ngiti siya ngayon pero alam ko na nagdudusa na siya! ano siya ngayon? tinalo ko na naman siya!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon