59

131 12 12
                                    

halos mag-dive na ako sa hagdan nung biglang tumawag si gael at sinabing nasa harapan na daw siya ng bahay namin. putangina lang! kelan pa siya dumating?!

tumigil ako sa front door nung makita ko siya sa may gate. tangina talaga!

“hi, pabili pong ice yelo.” parang tanga na sabi niya habang kumakatok dun sa gate. ang sarap lang sapakin!

“teh, tinitingin tingin mo dyan? crush mo ba ako? bumibili lang ako ng yelo oh.” pagpapatuloy niya sa kalokohan niya, umirap ako. tangina! hindi ko inexpect na ngayon siya darating, wala naman kasi siyang pasabi.

hindi na ako nakapag pigil, tumakbo na ako papalapit sa kaniya tsaka binuksan yung gate namin. tangina naman kasi eh, bakit lalo yata siyang gumwapo?

“sarap mong sampalin ng yelo, tangina!” sigaw ko tsaka sinugod na siya ng yakap. shit, namiss ko 'to.

dinig ko yung tawa niya bago niya ako yakapin pabalik sabay naglapat ng halik sa pisngi ko.

“namiss kita.” pagtatapat ko. totoo naman kasi, kahit halos lagi kaming magkausap over the phone, or magkatext. iba parin pag nakikita ko siya personal.

parang gusto ko nalang na yakapin siya ng sobrang tagal. pati amoy niya namiss ko eh. putangina, para akong tanga, diba?

“hoy, mikay! itatanan mo na ba si lawrence?” biglang lumabas naman ng bahay si kuya na pormang porma. puta, ako pa ang magtatanan kay gael ha?! what the fuck lang.

eto namang si gael, tumawa lang habang nakapulupot pa din sakin yung braso. “tanga, kuya! umalis ka na nga!” bumitaw ako kay gael para lang sapakin yung kapatid ko. humaba yung nguso ni kuya, pinipigilan ako na hampasin siya.

“manligo ka na nga, bago kayo mag pda! tsaka wag kayo dyan sa gilid ng daan, nagtitinginan na mga kapitbahay oh.” sabi ni kuya, tumakbo na papunta sa kotse niya. putangina lang! hindi pa nga pala ako nanliligo!

naghilod na ako ng buong katawan ko, dalawang beses na din ako nag shampoo. halos inumin ko pa yung isang bote ng mouthwash. putangina! kasalanan 'to lahat ni fortalejo eh! wala man lang pasabi na ngayon siya darating.

after ko magbihis, magpatuyo ng buhok, at maglagay ng pabango; bumaba na din ako kaagad para puntahan si gael.

nadatnan ko naman siya na nanonood ng tv sa salas namin. putcha! kahit pag upo at paghawak ng remote, bakit ang manly?! bakit ang gwapo?!

“uy, wag mo ilipat!” pinigilan ko siya na ilipat yung channel nung makita ko kung ano yung palabas.

umupo ako sa tabi niya, focused na kaagad sa palabas. shit lang! crime documentaries, ganito lagi yung pinapanood ko.

pero putangina ni gael! tangina, nilipat na naman kaya nahampas ko tuloy siya. ang bastos eh! sabi wag ilipat.

“aray!” sigaw niya, habang nilalayo sakin yung remote. “babe, eto nalang panoorin natin. you'll enjoy it.” wala na akong nagawa kundi umupo ulit.

ready na ako manood, nagtiwala na ako sa kanya pero putang ina!

nasapak ko na talaga si fortalejo sa mukha nung are you lost baby girl yung lumabas! yung 365 dni, nakakabwisit! tanginang anak ng diablo!

“sira ulo ka talaga, gael naman eh! puta!” parang ang sarap niyang katayin?! tangina. nag-alis na ako ng tingin sa tv habang tawa ng tawa naman si gael.

“aray, ang sakit... baby...” tapos tumawa ulit, may saltik! bahala siya dyan. nagulat naman kasi ako eh.

may pinindot ulit siya sa remote, this time, matino na yung palabas. automatic na umangat yung ulo ko nung mabasa yung title.

just mercy. aside from crime documentaries, ganitong movies or series din ang usually kong pinapanood. something related sa law, politics, murder at iba pa.

“ayan kasi, babe. napanood mo na?” tanong ni gael pero umiling lang ako. actually, nakakatuwa lang kasi alam na alam niya kung ano yung gusto ko. kagaya nito.

the fuck?! napakasimpleng bagay pero parang kinikilig ako!

yumakap na ulit ako sa kaniya, habang hawak naman niya yung jawline niya na nasuntok ko kanina.

“sorry na, babe...” hinalikan ko yung jawline niya tsaka hinaplos yung part na yun. “ikaw naman kasi. tangina, kung saan saan mo nililipat. napaka bastos.” hinampas ko ulit yung braso niya. ngumisi lang ang gago, nakakainis!

“isa pang kiss.” nilapit niya pa yung mukha niya sakin, hinalikan ko nalang ulit siya tsaka bumalik na sa panonood.

kaso ang abusado! puta, gusto pa ulit ng isa. “ang sakit kaya.” nag pout pa ang gago, nagpapaawa. ang landi landi na naman niya eh.

hindi ako kumibo, bahala siya diyan. nanood na lang ako kahit nakaka distract siya sa totoo lang. putangina naman kasi.

hindi ko nalang inexpect na siya yung biglang lalapit para halikan ako sa labi. nanlaki yung mga mata ko, shuta?! sinandal niya ako sa sofa na inuupuan namin, i felt his lips move.

kung kelan feel na feel ko na, siya naman yung lumayo at ngumisi. ang lantod mo, fortalejo! punyeta naman eh

“hindi na masakit.” parang nanalo siya bigla sa lotto, hawak yung kamay ko habang nanonood na rin nung movie. putragis lang! parang ako tuloy yung hindi makapag focus sa movie ngayon. lumilipad kung saan yung utak ko habang super bilis ng tibok ng puso ko!

makalipas yung ilang minuto, nasa kalagitnaan na kami ng movie habang nakasandal yung ulo ko sa balikat niya. hinaplos ni gael yung pisngi ko, staring at me instead of the tv.

“both lawyers parents mo diba?” ngayon ko lang ulit natanong 'to sa kaniya. ang galing lang kasi, kaya siguro matalino din talaga si gael.

tumango lang siya, nakangiti sa akin.

parang gusto ko matunaw sa pagtitig niya sakin ngayon, narealize ko na ganito siya lagi tumingin sakin noon pa man. pero walang pinagbago, i still hate it. ayoko ng titig niya dahil parang mababaliw ako.

“you want to be a lawyer, right?” tanong niya.

“oo, matagal ko ng pangarap yun, simula pa nung bata ako...” and i'm still willing to pursue it. alam ko, mahirap. pero wala naman kasing madali sa mundo.

“ikaw? gusto mo din ba maging lawyer? since lawyer din parents mo?” hindi na ako magugulat kung sasabihin niya sakin na gusto niya din. nakwento nya din sakin dati na pati lolo niya sa father side, lawyer din. nakaka-inspire tuloy.

he chuckled. mas nagulat pa ako nung umiling siya!

“no, gusto kong maging engineer.” rule breaker. ang layo ng engineer sa lawyer ah? pero sabagay, kahit ano namang profession, palagay ko magiging successful pa din siya.

natawa na lang ako nung narealize ko na parang nagpalit lang kami. “bakit ka tumatawa? hindi ako nagjojoke, babe.” nabahala naman siya. natawa lalo ako.

“gagi, kasi narealize ko, parang nagpalit tayo! civil engineer yung tito ko, si mommy naman computer engineer. ganun din kinukuha ngayon ni kuya. tapos ikaw na pamilya ng lawyers, gusto mo maging engineer, samantalang gusto ko naman maging lawyer.” whether coincidence o tinadhana na mangyari 'to at magkakilala kami, nakaka-amuse lang.

natawa na din siya tsaka lalo akong nilapit sa kaniya. niyakap niya ako, we stayed like that for a moment.

hindi ko tuloy mapigilan na isipin na... in the future, kapag natupad na namin yung mga pangarap namin― will we still be together?

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon