63

122 12 26
                                    

after namin maglandian ni fortalejo sa apartment niya, pumunta na kami sa bahay para sa birthday ni mommy.

naka dress lang ako na binili ni mommy dati pa, never ko pang naisuot dahil hindi ko din naman trip at masyadong pabebe para sakin. tangina.

tara na, flower vase.” tawag sakin ni gael, siniko ko naman siya.

puta talaga, kanina pa niya ako inaasar! noong una, flower girl daw dahil sa dress ko pero maya maya naging flower vase na. tarantado eh! pasalamat siya ang gwapo nya ngayon.

pumasok na kami sa bahay, may mga bisita na. mga kaibigan ni mommy. andito na din si ate dianne. “mikay!” lumapit siya para yakapin ako, niyakap ko din siya pabalik.

lalo siyang nagmukhang manika sa make up at hairstyle niya ngayon. she's lovely, too lovely kaya ang swerte ng mukha kong tubol na kapatid.

“ate, si gael pala. boyfriend ko.” since never pa naman sila nagkita. “oh! i'm dianne, girlfriend ni killian. lagi ka nake-kwento sakin 'nun. it's nice to meet you!” even with the way she speaks, ang ganda. tsaka never ko pa din narinig si ate dianne na nagmura.

“yo, law! my brother in law!” may hawak kaagad na martini si kuya tsaka inakbayan si lawrence. iniwan ko muna sila saglit tsaka inentertain yung ibang guests ni mommy na mga kilala ko.

maya maya pa, halos kumakain na lahat. nagkalat na yung mga tao sa salas at dining room. “uh, tita. happy birthday po.” inabot na ni lawrence yung regalo niya kay mommy. red wine nga yung binili ni lawrence.

“naku! sana di ka na nag-abala, hijo! but thank you. and thank you for coming!” masayang masaya na sabi ni mommy. i just made a face, lalo na nung pinagkaguluhan na ng mga amiga niya si gael. pinagmayabang na ni mommy kung gaano katalino at kagaling yung isa na alam kong lumalaki na ang ulo.

nasa ganoong sitwasyon kami nung dumating sila raiah, kasama ang parents niya. hindi natapos ang mga daldalan nila, kaya nakikiride nalang kami.

“you're the top student in nexus last year? tignan mo nga naman! talagang matalino si kaila, she got a good and suitable guy. marunong pumili!” hindi na mapawi ang ngiti sa labi ni tito nung makilala niya si lawrence. napangiti na din ako, syempre ulol! boyfriend ko yan eh.

“they look good together.” komento ni tita na katabi ni raiah ngayon.

kanina pang tahimik si raiah, panay kain lang siya ng kain. mamaya siguro, kausapin ko siya. hindi ko lang magawang iwan sandali si gael dahil nasa kaniya lahat ng atensyon ngayon.

napunta ang usapan nila tito sa kung ano yung plano namin sa buhay. “gusto ko parin maging lawyer, tito. while lawrence is planning to pursue civil engineering.” nung sinabi ko yun, lalong naexcite si tito. kahit si mommy mukhang nagulat at natuwa.

“that's it. marry him, right away, kaila. you shouldn't let go of this young lad.” hindi ko alam kung dahil ba sa kalasingan kaya nasabi ni tito yun. pero natawa nalang kami. “ang aga pa para dyan! hintayin muna natin na magcollege sila.” sabi naman ni mommy.

tito scoffed, “you can already tell they'll have a bright future. magkarelasyon pero parehas na top student, both are geniuses! unlike raiah, pinagbabawalan ko na nga mag boyfriend para walang distractions, hindi pa makapasok sa top ten!” para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. natahimik din yung iba pero halos lahat ngayon ay nakatingin na kay raiah. yung iba na nagsisimula na bumulong habang may panghuhusga.

“hindi ko alam kung saan ba nagmana yan, walang wala talaga sa academics! and what course will she take on college? if she's only as smart as kaila, kahit mag doctor pa yan, i'll gladly pay for her education. sure ka ba naman na talagang makakapasa.” tangina! ayoko na, ayokong marinig pa kung ano man gustong ipahiwatig ni tito. ako nga nahihiya na ako! puta what more if ako si raiah? if ako ang nasa posisyon niya? hindi lang hiya, kundi sakit na marinig yun mismo sa magulang niya.

napabitaw ako sa kamay ni lawrence, mukhang concerned na concerned na rin siya ngayon sa nangyayari. hindi naman siya makaimik. kasi kahit ako, hindi ko alam kung paano ipagtatanggol ang pinsan ko.

“that's enough,” tita finally tried to stop him pero parang nagalit pa si tito. please lang.

“excuse us, may ipapakita nga pala ako kay raiah! right? tara sa taas muna.” tumayo na ako at pinuntahan si raiah, i held her shoulders. nagtatakang tumingin samin sila tito pero wala na akong pakialam! putangina.

alam ko kung gaano kastrict si tito, hindi talaga okay yung relasyon niya kay raiah pero nyeta lang, that was dehumanizing!

“raiah...” nanginginig yung mga kamay niya. konti nalang, alam kong bibigay na siya.

inakyat ko muna siya sa kwarto ko and as soon as i shut the door closed, humagulhol na siya. kahit ako naiiyak sa nangyari, shit lang!

niyakap ko kaagad si raiah. “i'm sorry, rai... i'm so sorry...” hindi ko alam, pero gusto kong mag-sorry. ang sakit sa dibdib na harapan siyang kinumpara sakin. tangina, hindi na naman bago 'to eh! lagi nalang kami pinagkukumpara simula pa nung bata kami. kahit na ang totoo, sobra kaming magkaiba.

“wag ka mag sorry, mikay... hindi mo naman kasalanan eh. it's not your fault you're good at everything.” sabi niya habang umiiyak parin. napabitaw ako sa pagyakap sa kaniya dahil sa sunod niyang sinabi, “pero naiinggit parin ako...” lumakas lalo yung iyak niya.

hinawakan ko yung pisngi niya, “no, raiah. please...”

umupo siya sa kama ko at doon kalong umiyak. “hindi ko maiwasan isipin na sana ikaw nalang ako, para maging proud naman sila sakin.”

nagsimula na din pumatak yung luha ko, “pero raiah, i'm proud of you... alam mo yan diba?”

umiling siya, pinunasan yung mga luha niya. pero patuloy lang siya sa pag-iyak, she's in so much pain. “nadala mo pa si lawrence dito sa bahay niyo. even tita is happy for your relationship... pero what about me? do i have to keep ken as a secret? hanggang sa maging enough ako kila papa?”

“never kong magagawa yan, knowing he'll throw me out of the family... ang sakit sakit, mikay. kasi alam ko naman na wala akong lugar sa pamilya na 'to. i'll never make them proud, i'll never be their ideal daughter.” parang dinurog ang puso ko sa sinabi ni raiah. niyakap ko ulit siya.

patuloy sa pag-agos yung mga luha ko. “raiah, you are part of this family. mahal na mahal ka namin. you don't know how thankful we are to have you.” tangina lang, hindi ko siya hahayaan na mag-isip ng ganun. ayoko na siyang makitang nasasaktan.

umiyak lang siya sa balikat ko, nung bahagya siyang lumayo. nagsalita siya ulit, and i know she's deeply wounded. all her life, she got these wounds.

“we? or baka ikaw lang, mikay? we both know na sumpa ako kay papa. if hindi ako nabuo, hindi naman siya matatali kay mama eh. edi sana kasama niya ngayon yung first love niya. he blamed me for his miserable life. hindi ko din naman ginusto na nandito ako!” bawat salita niya, may kasamang sakit.

kung dati, inggit na inggit ako kay raiah dahil may tatay siya. buo yung pamilya niya. alam ko din naman na hindi lahat perpekto. lahat ng pamilya may pagkakamali, may problema.

but to blame it all to his daughter?

punyeta.

against fortalejo ✦ lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon