chapter 5 : Shawn Alcantara

659 62 0
                                    

Shawn pov:

Nang malalag ako sa portal ay may naka salo saakin na isang matandang babae. Magwawala na sana ako dahil baka isang aswang ay hindi ko nagawa dahil bigla nalang siyang may sinambit na isang kataga na hindi ko maintindihan kung ano ang kaniyang ibig sabihin. Pagkatapos siyang may sambitin ay hindi kuna mabuksan ang aking bibig.

Omg anong nangyayari sa aking bibig bakit hindi kuna ito mabuksan?...wika ko sa aking isipan

Wag kang mag-alala dahil ginawa kulang yan ay para hindi kana makagawa pa ng ingay, naiinis kasi ako kapag may maingay akong bisita...wika ng kung sino mang nilalang saaking isipan

Sino ka? Bakit mo naririnig ang aking sinasabi?...natatakot na wika ko

Ako ito yung sumalo sa iyo kanina...wika niya ulit

Bumaling naman ang aking paningin sa matanda na ngayon ay buhat-buhat na ako papunta kung saan, dahil sa gulat ko ay nagpupumiglas ako upang makawala sakaniya pagkaka hawak. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko manlang maigalawa ang aking katawan. Ng napagod na Ako sa aking ginagawa ay tiyaka na ako tumigil.

Ilang minuto din ang aming nilakad ng matandang ito bago kami makarating sa kaniyang pupuntahan.
Wait ngayon kulang napansin na karga-karga ako ng matandang toh. Hindi ba siya napagod sa pagdala saakin?.

Hindi ka naman mabigat bakit ako mapapagod?...wika ng matandang toh

Ibababa na kita pero mangako ka na hindi mo ako tatakasan...wika niya

Tumango naman ako bilang pag sang-ayon sa kaniyang, as if naman may mapupuntahan ako kapag tinakasan ko siya.

Ng ibaba na niya ako ay nawala narin ang hadlang saaking bibig upang di ako makapagsalita. Thanks papa G ng dahil sayo ligtas Ako.

Ako si aurora ang bantay ng kagubatan na ito kung saan ka nalalag....panimulang wika niya

Napaanganga nalang ako ng sabihin niya yun saakin. As in sakaniya ang lahat ng ito?. Grabe sobrang yaman niya pala kung ganon.

Hindi ako mayaman sadiyang ako lang ang inutasan ng aming kataas-taasang diyos na bantayan niya ang kaniyang nilikha...wika ulit niya

Anong Lugar Po ba toh?..kuryos na wika ko

Lugar kung saan ang imposible ay possible...wika niya

Ano po ang ibig niyong sabihin?...naguguluhan na wika ko

Ang lugar na ito ay ang mundo ng mahika..wika niya

Bigla nalang akong natawa sa kaniyang sinabi.

Ano kaba naman Lola, epekto ba yan ng pagiging matanda?..wika ko

Mukha ba akong nagbibiro...wika niya

Hindi po, pero lola hindi na po ako bata para paniwalaan ka..wika ko

Hindi kita pipiliting maniwala saakin pero kailangan kung tulungan kita upang mapalabas ang natutulog mong kapangyarihan...wika niya

Malala kana po yata..wika ko

Pero bigla nalang akong nagulat ng magpalit anyo ang kaninang matandang babae, bumungad saakin ang napaka gandang babae, mayroon siyang maputing kutis at kulay gold na buhok. Isang diwata ang kaharap ko ngayon ngunit bakit nagpakita ang diwata na ito saakin.

Ngayon naniniwala kana saakin?...wika niya

Opo, patawad kung hindi ko po kayo pinaniwalaan kaagad..wika ko

Omg nakakahiya ang ginawa ko sa diwata, kahit namamangha ako sakaniya ay hindi ko maiwasan ang mahiya sakaniya dahil sa ginawa kung pagtawa sakaniyang sinasabi saakin.

Ngayon pumasok kana sa aking tirahan upang makakain kana at upang makapagpahinga kana para bukas ay may malakas kang katawan upang magsanay. Hindi magiging madali ang aking ipapagawa sayo lalo na't hindi mo pa alam na may kapangyarihan ka. Kailangan muna nating gisingin ang mga kapangyarihan mo bago kita turuan kung paano ito gagamitin...wika ng diwata na si aurora

Kaagad naman akong pumasok sa kaniyang tirahan na gawa lamang sa kahoy, maliit itong tingnan sa labas pero kapag nakapasok kana ay mamangha ka dahil pagkapasok mo ay bubungad saiyo ang sala habang sa kaliwa naman ay nandon ay kusin at sa kanan naman ay bubungad saiyo ang dalawang kwarto na gawa sa kahoy lamang.

Pinaupo nalang ako ng diwatang si aurora dahil kaya naman daw niyang maghanda para sa aming kakainin ngayong gabi. Makalipas lang ng twenty seconds ay naihatid na niya sa kaniyang lamesa ang aming kakainin ngayong gabi. Hindi ko ineexpect na ganon lang kadali ang kaniyang paghahanda sa aming kakainin ngayong gabi sa bagay nasa mundo pala akong mahika ano pa ngaba ang aasahan ko.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid niya muna ako sa aking silid na tutuluyan. Ng matapos na niyang sabihin ang dapat kung gawin ay umalis narin siya upang magpahinga.

Kahit nakahiga na ako ay hindi parin ako makatulog dahil sa nangyari saakin ngayong araw, hindi ko lubos akalain na may mundo palang ganito. Akala ko kasi nong una kwento-kwento lang toh pero heto ako ngayon na magpapatunay na totoo pala ang kanilang kwento.

Kung nasaan kaman ngayong aking kaibigan sana nasa mabuting kang kalagayan, wag kang mag-alala dahil kapag natutu na akong gumamit ng kapangyarihan na sinasabi ng diwata ay hahanapin kita upang makabalik tayo sa totoong mundo natin. Ilang saglit pa ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Aurora pov:

Sa wakas mabubuo narin ang bagong taga pagligtas ng daigdig na ito. Sana lang hindi sila matulad ng na una na iisa lang ang nagsakripisyo ng buhay upang magkaroon ng kalayaan ang kaniyang nasasakupan laban sa mga nilalang na sakim sa kapangyarihan. Sana lang hindi sila matulad sa na unang tagapagligtas na walang ginawa kung hindi ang palakasin ang kanilang kapangyarihan pero sa huli ay hindi nila ginamit sa pakikipag laban sa masasamang nilalang, bagkus ay nakisali pa sila para sakupan ang mundo ng majika.

Mabuti nalang may isang nilalang na tumupad sa kaniyang pangako na tutuparin niya ang kaniyang tungkulin bilang isang taga pagligtas ng mundong ito.

Nararamdaman ko na magtagumpay ang bagong tagapagligtas dahil mas malakas na ang bagong hinirang at lalo na mas malakas na ang ipinagka loob na kapangyarihan sa kanila.


Someone pov:

Mimi sa wakas magkikita narin po tayong lima. Nakangiting wika ng bata sa kaniyang ama habang ito ay mahimbing na natutulog sa kaniyang silid. Nakangiti naman ang apat na mga sumpling habang sila ay nakatitig sa kanilang ama na natutulog.

Malapit narin tayong magkikita.

The Twelve Legendary Heroes (completed)Where stories live. Discover now