chapter 16 : summoning your guardian

570 52 0
                                    

Shawn pov:

Pupunta tayo ngayon sa arena dahil papalabasin ninyo ang magiging tagabantay ninyo, kung Sino man ang makakuha ng mga legendary at mythical creatures ay pwedi na kayong hindi pumasok sa klase ko dahil kapag napalabas na ninyo ang inyong guardian ay sasanayin mo siya upang maging tagapagtanggol mo rin. lumapit na kayo saakin ng makarating na tayo sa arena...wika ni ma'am Michelle

Ng makapunta na kami sa arena ay nagkanya-kanya kaming pwesto upang makapag concentrate sa aming gagawin na pag summon ng aming guardian.

Ang gagawin niyo lang ay ang magfocus dapat wala kayong ibang iisipin kung di ang mapalabas ang inyong guardian. Magsimula na Ang lahat..wika ni ma'am Michelle

Nagtabi-tabi kami nina Sofia at angelika para mag summon ng aming guardian. Ng pumikit na ako ay may bigla nalang akong narinig na ingay.

Mabuti naman at naisipan muna akong palabasin...masungit na sabi ng lalaki

Nasaan ka bakit hindi kita makita?. Ikaw ba ang magiging guardian ko?..wika ko

Oo ako nga pero may kailangan ka munang lagdaan upang maging guardian muna rin ako, sierra at clair lumabas narin kayo dahil nararamdaman ko na nasa kanang kamay na kayo ni Shawn..wika ng lalaki

Bigla nalang naalis saaking kanang kamay ang dalawang simbolo. Na lumapag na ang simbolo sa lupa ay bumungad saakin si Sierra at ang isa pang Reyna na bigla nalang dumikit sa aking kanang kamay. Ang ganda niya rin.

Kaming tatlo ang magiging guardian mo. Ang kapangyarihan ko ay liwanag , dilim, pagka gunawa at ang panghuli ay ang pagkabuo. Ikalawa ako sa pinaka malakas na iyong guardian....wika ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko parin makita

Ano ba ang gagawin natin para maging guardian kuna kayo?..wika ko

Kailangan nating pagsamahin ang ating mga dugo, kapag nagsama na ang mga dugo natin ay kikilalanin ka na naming guardian. Ang ating dugo ay palatandaan na magsasama tayong apat hanggang sa kamatayan. At isa pa ang mga dugo natin ay makagawa ng bata na magiging guardian ng magiging kasintahan mo....wika ng lalaki

Bigla naman akong namula sa sinabi ng lalaki.

So ibig sabihin bata ang magiging guardian ng kasintahan ko?..wika ko

Hindi master, dahil kapag pinalabas na siya ng kasintahan mo ay malaki na siya....wika ni sierra

Kahit nalilito man ako sa kanilang sinasabi ay sumang-ayon nalang ako.

Wait nasaan pala ang lalaki na kanina pa salita ng salita?..nagtatakang wika ko

Nasa madilim siyang parte ng mundong ito...wika ni sierra

Paano naman natin mahahalo ang ating mga dugo kung wala siya dito?...wika ko

Ako ba ang tinutukoy mo?..wika ng lalaki saaking harapan

Bumungad saakin ang napaka perpektong nilalang na ngayon kulang nakita sa buong buhay ko. Shit! Ang pogi niya mga siz.

Tama na ang kakatitig saakin dahil baka matunaw pa ako..wika ng lalaki

Bigla naman akong nahiya sa kaniyang sinabi.

Ang pangalan ko ay Gleo master..wika niya

Simulan natin ang ating pagiging isa...wika ni clair

Mabuti naman naisipan ng magsalita ni clair akala ko hindi ito nagsasalita.

Sinugatan na nila ang kanilang mga kamay ganon din ang aking ginawa. Ng maghalo-halo na ang aming mga dugo ay naging sanggol ito. Napaka pogi naman nitong sanggol na ito.

Nagtagumpay tayo na maging isa master, maaari ka ng bumalik sa arena...wika ni Gleo

Pagmulat ko ng aking mga mata ay bumungad saakin ang napakalaking lobo na kasing tingkad at kakulay ng crystal. Sa tabi naman ng lobo ay mayroong malaking ibon na ang kulay ay green. Grabe ang gaganda nila..wika ko sa aking isipan.

Shawn bat wala kang napalabas na guardian?...nagtatakang wika ni Sofia

Oo nga Shawn, ikaw nalang ang wala pang guardian...wika naman ni angelika

Bigla naman akong nahiya dahil pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko. Umupo ako ulit upang subukan na magpalabas ng guardian.

Pagkabalik ko sa mundo ng mga guardian ko ay bumungad saakin ang napakaraming mythical creatures.

Patawad master kung hindi namin kaagad nasabi saiyo na wala kapang naipalabas na guardian..nakayukong wika ni sierra

Ano kaba ayos lang yun saakin.. nakangiting wika ko

Pumili ka sakanilang lahat na iyong pansamantalang  magiging guardian mo habang hindi pa kami pweding maging guardian mo...wika ni clair

Bakit hindi ko pa kayo pweding maging guardian?.. nagtatankang wika ko

Dahil kulang pa kami ng isa.. maikling wika ni gleo

Nasaan ba ang isa ninyong kasama?..wika ko

Masyadong busy ang isang yun dahil siya ang pinaka malakas saaming apat kaya siya ang inutusan ng diyos upang pangalagaan ang kaniyang mga likha...wika ni gleo

Kailangan ko siya makikita?..wika ko

Malapit na master, sa ngayon kailangan mo ng pumili...wika ni sierra

Pumunta ako kinalalagyan ng mga mythical creatures, mayroong dragon na may korona sa kaniyang, ahas na nagiging bakal ang katawan, isang lobo na may iba't ibang kapangyarihan na napapalabas at marami pang iba. Pinili ko ang dragon na may korona sa kaniyang ulo dahil wala akong nakita na nakapag summon ng dragon. Gusto ko kasing iba ang aking guardian para unique diba?.

Ng mapili kuna ang gusto ko ay nagliwanag kaming dalawa, ng imulat kuna ang aking mga mata ay bumungad saakin ang aking piniling dragon na may korona sa kaniyang ulo.

Lahat ng mga kaklase ko ay namangha sa kanilang nakikita sa aking dragon, napaka ganda kasi ng dragon ko dahil kulay violet ang kaniyang balat. Inilibot ko ang aking paningin ng bigla nalang nagsiyukuan ang mga legendary at mythical creatures na sinummon ng mga kaklase ko, nagsiyukuan sila ng makita nila ang aking guardian. Anong klaseng guardian ang mayroon ako bakit ang mga legendary at mythical creatures ay nagsisiyukuan?.

Magaling shawn ang iyong naipalabas na guardian dahil isa siyang reyna ng mga legendary at mythical creatures na nagprotekta dito sa ating mundo. Napaka swerte mo talaga Shawn.. nakangiting wika ni ma'am Michelle kahit nakikitaan ko siya ng takot.

Bakit kaya natatakot si ma'am Michelle sa aking guardian? Nevermind na nga lang. Gusto ko ng magpahinga dahil inaantok na ako.

Ma'am maaari na po bang umalis dito?..wika ko

Oo naman Shawn, total nakapag summon naman na kayo....wika niya

Aking dragon ano ba ang kasarian mo?...wika ko saaking dragon

Isa po akong lalaki master..wika niya

Halos mahimatay ako dahil nagsasalita pala ang dragon na ito.

Kung ganon lucid ang ipapangalan ko saiyo...wika ko

Bigla nalang siyang natuwa dahil sa ibinigay kung pangalan, Isa lang ang ibig sabihin nito natuwa siya sa aking ibinigay na pangalan.

Sofia/Angelika Mauna na ako sainyo dahil inaantok na ako eh..wika ko sa dalawa kung kaibigan

Okay Shawn..wika ni angelika

Bye Shawn..wika naman ni Sofia

Lucid bumalik kana muna sa Lugar niyo...wika ko

Kaagad naman siyang naglaho sa aking harapan, kaagad akong nagteleport  sa aking kwarto dahil inaantok na talaga ako.




Vote and comment ❤️

The Twelve Legendary Heroes (completed)Where stories live. Discover now