chapter 10 : encounter

580 49 0
                                    

Shawn pov:

Nandito ako ngayong sa hallway ng school na ito dahil iniwan ako ng dalawang kasamahan ko, nakakainis nga eh dahil hindi man lang nila ako ginising, lakad lang ng lakad ako hindi ako tumitingin sa dinadaan ko dahilan para may mabangga akong pader. Pagtingin ko sa aking harapan ay nagulat ako dahil hindi pala pader ang mabangga ko kung hindi isang prinsipe at yun ay si Prinsipe Jackson Smith. Para akong nalulunod sa kaniyang ginagawang pagtingin saakin para bang may ginagawa siya ka na hindi ko mawari kung ano.

Mauna na po ako Prinsipe at paumanhin din po sa aking nagawa sa iyo..kinakabahang wika ko mabuti nalang nasabi ko pa ng diretso ang mga salitang yun. Hahakbang na sana ako ng bigla nalang niyang hawakan ang balikat.

May kailangan po ba kayo mahal na prinsipe?...wika ko

Ikaw ba ang huli na hinahanap namin?... seryosong wika niya

Ano po ang ibig niyong sabihin?...naguguluhang wika ko

Isa kaba sa napili na magliligtas sa mundong ito?...wika niya

Paumanhin ngunit isa lang po akong ordinaryong tao na biniyayaan ng simpling kapangyarihan...wika ko

Ano kapangyarihan mayroon ka?..kuryos na wika niya

Apat ang mayroon ako at yun ay ang maglaho, manggamot, bumasa ng isip at ang pang huli ay kaya kung magpa galing...wika ko

Mahinang kapangyarihan pala ang hawak mo ibig sabihin hindi ikaw ang hinahanap namin...wika niya sabay alis sa aking harapan

Tumakbo naman ako ng mabilis upang makapunta kaagad sa aming silid aralan mabuti nalang wala pa ang guro namin para sa unang subject. Nakita ko naman ang dalawa na tumatawa habang nakatingin saakin. Mga loka-loka talaga kahit kailan ang dalawang ito. Dahil gusto kung gumanti ay nag-isip ako ng Plano kung paano ko sila magagantihan.

Naisip ko na gamitin silang dalawa ng kapangyarihan ko na mind reader, hindi lang basta pagbasa ng isip ang kaya ng kapangyarihan ko dahil ang Sabi ni aurora ay kaya korin silang pasunurin sa ayaw at sa gusto nila. Kailangan ko muna silang tingnan bago ko magawa Plano ko. Ng tumingin silang dalawa saakin ay inutusan ko silang pumunta sa harapan at sumayaw. Kaagad naman nila itong sinunod, kita ko sa mukha nilang dalawa ang pag tutol pero wala silang magawa kung hindi ang sumunod saakin.

Lahat ng mga kaklase namin ay pinagtatawanan silang dalawa at syempre pati din ako nakikitawa, ng maramdaman kung papunta na si sir dito ay pinatigil kuna silang dalawa. Nakita ko sa kanilang mukha na hiyang-hiya sa kanilang ginawa. Tumingin sila sa direksiyon ko at tinaas ang kanilang dalawa Daliri habang naka f*CK u sign sila. Tawa lang ang isinukli ko sakanila.Pumunta na ako sa pwesto ng mga kaibigan ko upang umupo

Nakakainis ka talaga kahit kailan Shawn...wika ni Sofia

Alam ko... tumatawang wika ko

Nakaramdam ako na may patungong bolang bilog sa aming kinaroroonan kaya kaya gumawa ako ng pananggala para sa lahat ng mga kaklase ko. Ng maramdaman kunang wala ng parating ay tinanggal kuna ang shield na ginawa ko. Bigla nala kaming nakarinig ng palakpak sa may bandang pintuan, ng tingnan namin ito ay bumungad saamin ang napaka gwapong nilala pero mas gwapo parin ang prinsipe na si Jackson, makisig din siya katulad sa lalaking nasa may bandang pintuan. Naglakad naman ang lalaki patungo sa harapan naming lahat.

Ako nga pala si sir joshua niyo at ang kapangyarihan ko ay metal manipulator, sino ang gumawa ng pananggala kanina? ..wika niya

Hindi ako nag taas ng kamay dahil baka makuha ko ang atensiyon ng mga kaklase ko, nakita ko sa mukha nila pagtataka sa sinabi ni sir. Ako lang kasi ang nakaramdam sa ginawa niya, at ako lang ang maaaring makakita sa ginawa kung shield. Mabuti nalang halos lahat kami may kapangyarihang shield manipulator kaya hindi nila malalaman na galing pala iyon saakin.

Tumayo ang babaeng may kulay orange ang buhok, siya ay si trecia Jill isang plant manipulator at isa rin siyang shield manipulator.

Ako po ang gumawa non sir..nahihiyang wika niya

Ang kapal naman ng mukha nitong babaeng ito, angkinin ba naman ang hindi siya ang gumawa. Pero ayos nato kaysa naman sabihin ko pa na ako ang gumawa.

Bakit ka naman gumawa ng pananggala Ms. Trecia?...wika ni sir

Wala lang po..nahihiya paring wika niya

Sinungaling...galit na wika ni sir

Nagulat naman kaming lahat sa kaniyang ugaling ipinakita ngayon, kahit nga si trecia halos mahimatay na takot dahil Kay sir joshua.

Ikaw ba ang may gawa non o Hindi?...ulit na tanong ni sir kay trecia

Hindi po sir...natatakot na wika niya

Ang ayaw ko sa lahat ay mga sinungaling, bilang parusa mo ay hindi ka papasok saaking klase ng dalawang araw...wika ni sir joshua

Omg, nakakatakot palang magsinungaling kay sir joshua.

Sino ang gumawa ng pananggala kanina?...tanong ulit ni sir

Ako po sir...nahihiyang wika ko

Bakit ka naman gumawa ng pananggala?...wika niya saakin

Naramdaman ko po kasing may tatamang bolang bakal saamin kaya gumawa po ako ng pananggala para hindi kami matamaan.. wika ko

Magaling dahil diyan pwedi ka ng hindi pumasok saakin buong taon, naka pasa kana saakin ngayong unang pagsusulit... seryosong wika ni sir

Na tuwa naman ako sa sinabi ni sir joshua saakin, mabuti naman kung ganon dahil mababawasan na ang aking aalalahanin na subject.

Totoo Po ba sir?... excited na wika ko

Mukha ba akong nagbibiro?....wika niya

Maraming salamat po guro... nakangiting wika ko. Paalam Sofia at angelika pati narin sayo guro. Pagkatapos kung magpaalam ay kaagad akong pumunta sa canteen upang kumain, nagugutom kasi ako hindi ko alam kung bakit kumain naman akokanina bago pumasok pero nagugutom parin ako. Pagkapasok ko canteen ay omorder na ako ng maraming pagkain. Nagtataka nga ang nagseserve saakin dahil halos mapuno na ang aking mesa sa mga inorder ko, takam na takam akong nakatingin sa mga pagkain na nasa aking mesa. Kaagad akong kinain ang lahat ng mga pagkain na nasa aking mesa hindi umabot ng dalawang oras ang aking mga pagkain dahil ang bilis ko itong naubos. Mabuti nalang free ang pagkain dito sa canteen.







Vote and comment ❤️

The Twelve Legendary Heroes (completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt