chapter 6 : init

633 57 0
                                    

Prinsipe Jackson pov:

Ng makarating na ako sa aking destinasyon ay kaagad kung nakita ang aking matalik na kaibigan na si Andrew, Hindi niya ako napansin kaya naka isip ako ng paraan para gulatin siya. Ng makalapit na ako sakaniya ay sinagawan ko siya sakaniyang taenga dahilan para siya mapatalon sa gulat.

Tangina Jackson mapapatay mo ako dahil sa kagaguhan mo, parati mo nalang akong gingulat sa tuwing pumupunta ka sa aking tirahan..wika ni Andrew

Nakakatawa ka talaga kapag nagulat ka Andrew...tumatawang wika ko

Ano naman ang sadiya mo dito?..wika niya

Alam na alam na niya talaga na kapag pupunta ako sakaniya ay may kailangan ako sakaniya.

May kailangan akong hanapin na isang pangkaraniwang tao lamang....wika ko

Kaagad naman niyang ginamit ang kaniyang kapangyarihan upang hanapin ang taong tinutukoy ko, kahit hindi kuna sabihin ang itsura ng aking pinapahanap sakaniya ay kaagad niya itong nahahanap. Sobrang galing diba ng kapangyarihan niya?. Ilang minuto lang ang aking hinintay bago niya matukoy ang kinaroroonan ng aking pinapahanap.

Nasa Maryland siya ngayon kasama niya ang diwata ng kalikasan...wika niya

Kung ganon ay kailangan kuna siyang puntahan din upang makabalik na Ako kaagad sa academia...wika ko

Wag na muna ngayon sapagkat masyado ng gabi. Mabuti pa ay matulog kana muna. Bukas na ng umaga mo siya puntahan dahil sigurado ako natutulog na siya kasama ang diwata ng kalikasan.

Kaagad naman akong sumang-ayon sa kaniyang sinabi, pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa aking silid na palagi kung ginagamit tuwing pumupunta ako dito.

Pagsapit ng umaga ay kaagad na akong naglaho papunta sa kinaroroonan ng isa pa naming kasamahan. Pero bago ako pumunta sa tinutuluyan ng diyosa ay nag pasya muna akong maligo. Magdadamit na sana ako ng bigla nalang may bumungad saakin na isang masamang mangkukulam. May sinambit siyang mga salita pero alam ko na hindi ito maganda Lalo na't may bigla nalang may nabuhay na mainit sa aking katawan para may gusto lumabas sa aking katawan na hindi ko mawari kung ano.

Shawn pov:

Ng sumapit na ang umaga ay nagpasya akong maligo muna sa ilog na medyo may kalapitan sa bahay ng diwata. Hindi na ako nagpaalam kay diwatang aurora dahil malapit naman sakaniyang bahay ang batis na iyon. Ng makalapit na ako sa batis na iyon ay may nakita akong lalaki na hubot hubad habang nasa kaniyang harapan ay may isang babae na naka itim ang damit.

Pakiramdam ko ay may masamang balak ang babae lalo na't parang wala sa sarili ang  lalaki.

Hoyy anong ginagawa mo sakaniya...wika ko sa babae

Nagulat naman ang babae kaya kaagad itong naglaho iniwan ang lalaki na hanggang ngayong ay wala parin sa kaniyang sarili. Lalapitan kuna sana siya ng bigla nalang itong mawala. Nakaramdam naman ako na may tao sa aking likuran, lilingon na sana ako ng bigla nalang ako nakaramdam na pagkahilo. Hindi ko alam kung anong nangyari saakin basta bigla nalang akong nahilo at nakatulog.

Pagkagising ko ay nakaramdam nalang ako ng pananakit sa aking pang-upo, kahit nahihirapan akong tumayo ay nagawa ko paring makalakad papuntang bahay ng diwata na si aurora. Ng magtagumpay akong makarating ay saktong nasa labas ang diwata ng makita niya akong ay nagliwanag bigla ang kaniyang mukha.

Mahal na diyo.... Bago ko paman masambit ang salitang gusto kung sabihin sa diwata ay bigla nalang akong natumba and everything went black

Pagkagising ko ay bumungad saakin ang nag-aalalang diwata, bumangon ako sa aking pagkakahiga para ipaalam sakaniya na maayos lang ako. Mabuti nalang wala na ang kaninang masakit sa aking pang-upo.

Saan kaba nanggaling at bakit bigla ka nalang nahimatay pagbalik mo?..wika ni diwatang aurora

Pumunta po kasi ako sa batis dahil gustong maligo pero pagkarating ko ay may nakita akong babae at lalaki, naramdaman ko na may masamang balak ang babae kaya sinigawan ko ito bago paman niya magawa ang kaniyang balak. Ng maglaho na ang babae ay nakita ko ang lalaki na parang wala sa kaniyang sarili. Lalapitan kuna sana ito ng bigla nalang itong naglaho at naramdaman ko nalang na may tao sa aking likuran, bago paman ako makalingon ay nahilo nalang ako at bigla nalang akong nakatulog. Pagkagising ko ay naramdaman ko nalang na parang may masakit sa aking ibaba at nagmadali akong pumunta dito dahil baka nandon pa ang taong gumawa saakin ng masama.

Sa susunod kasi magpapaalam ka sakin lalo na't hindi mopa masyadong kabisado ang lugar na ito...wika niya saakin

Masusunod po mahal na diwata..wika ko

Lumabas kana ngayon din dahil magsisimula na ang ating pagsasanay dahil nalalapit na ang pagbubukas ng academia dito. Doon ka mag-aaral upang mas lalo kang mahasa sa paggamit ng iyong kapangyarihan.

Pagbabasa ng isip, paggamot, pananggala at tiyaka maglaho ang aking ituturo muna ngayon dahil ang apat na iyan ang madali lang gawin pero mabisa ito sa pakikipag laban. Hindi man ito pang atake pero may malaking tulong ito saiyo kapag ikaw ay nakikipaglaban.

Simulan natin sa paggawa ng matibay na pananggala...wika niya

Isipin mo na may malaking bilog na nakapalibot saiyo at isipin mo na sobrang tibay na nito upang hindi kaagad masira ito kapag binato kana ng kalaban mo ng kaniyang kapangyarihan..wika ni aurora

Relax kalang Shawn magagawa mo yan..pagpapalakas ko sa aking loob, ipinikit ko ang dalawang mata ko upang mas lalong makapag concentrate sa aking ginagawa. Ng imulat kuna ang aking mga mata ay sobra akong namangha dahil nagawa kung makagawa ng pananggala.

Magaling, yan lang muna, dahil sa susunod naman tayo. Ang gagawin mo naman ngayong ay ang maglaho. Isipin mo kung saan mo gustong  pumunta kapag nagawa muna yun ay bumalik ka kaagad dahil hindi pa tayo tapos sa iyong pagsasanay...wika niya

Inisip ko na pumunta sa batis na aking pinuntahan kanina. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata, ilang sandali lang ay nagpasya na akong buksan ang aking mga mata. Bumungad saakin ang kanina batis na aking pinuntahan. Ng magsawa na akong tumingin ay nagpasya na akong bumalik ulit sa bahay ni aurora. Pagbukas ko ulit ng aking mata ay bumungad saakin ang bahay ni aurora. Nasa kaniyang pwesto parin si aurora bago ako maglaho papuntang batis.

Magaling ang susunod naman ay basahin mo ang aking isip....wika niya

Sinubukan kung basahin ang kaniyang isip pero hindi ko ito magawa. Pero sinubukan ko parin na basahin ang nasa loob ng kaniyang isipan. Nag focus lang ako sa aking ginagawa hanggang sa narinig kung magsalita si aurora gamit ang kaniyang isipan.

Sobrang bilis mo lang matuto Shawn, hindi na ako magtataka kung ang iba mo pang kapangyarihan ay madali mo lang magamit ng mabilis. Ngayong kailangan mo akong paggalingin gamit ang kamay mo...wika niya

Bago pa man ako makapagsalita ay sinugatan na niya ang kaniyang sarili. Dali-dali naman akong pumunta sa kaniyang kinaroroonan. Kaagad ko namang sinunod ang kaniyang sinabi na kailangan ko siyang paggalingin. Relax and focus lang Shawn magagawa mo yan. Nakaramdam ako na parang may mainit sa aking loob na gustong makawala, hinayaan ko nalang itong makawala at bigla nalang akong nasilaw ng magliwanag ang aking kamay ng mawala na ang liwanag ay tinanggal kuna ang aking kamay na nakahawak sa balikat ni aurora.

Sobra akong natuwa dahil naging effective ang aking pagpapagaling sa balikat ni aurora.

Magaling, sa susunod na araw ulit tayo magsasanay. Sa ngayon ay kailangan munang magpahinga...wika niya



Vote and comment ❤️

The Twelve Legendary Heroes (completed)Where stories live. Discover now