chapter 20: leveling 2

530 49 1
                                    

Shawn pov:

Ngayong araw  na gaganapin ang ikalawang leveling pero ngayon, kaming mga first year lang na nanalo sa first leveling  ang maglalaban-laban para tanghalin na pinaka malakas na estudyante ng akademiya. Hindi ko naman talaga gusto ang title na iyan eh, kung may choices lang ako na pagpipilian malamang wala ako dito. Hindi naman kasi pwedi na hindi sumali kasi yun ang patakaran, kapag nilabag mo ito ay papaalisin ka sa akademiya. Kaya no choice ako kung hindi sumali dahil wala naman ako pupuntahan kapag pinaalis ako dito sa academia.

Magandang umaga sa lahat ng mga manonood, ngayong araw ay gaganapin ang ikalawang paligsahan kung saan ang mga nanalo sa unang paligsahan ay siyang maglalaban-laban upang tanghalin na pinaka malakas at pinaka makapangyarihan sa academia. pitong mga estudyante ang mapalad na mananalo sa ikalawang paligsahan na ito. Hindi lang yan ang makukuha niyo kung hindi makaka kuha din kayo ng bahay sa baryo ng majika at makaka kuha din kayo ng black card kung saan hindi nauubusan ng laman, maaari niyong bilhin ang bawat naisin niyo.

Ang unang magtatapat ay sina Shawn Alcantara At Zenny Walter, Simulan na ang laban.

Hindi parin maka get over sa premyo na makukuha ko kapag ako ang nanalo, gagalingan ko upang ako ang tanghaling panalo. Dahil kapag lumabas na ang mga babies ko ay may matitirhan na sila. Ayaw ko naman na sa academia ko sila alagaan dahil baka makahalat ang mga estudyante at ang headmaster kung bakit may mga sanggol dito, baka ito pa ang makapag pahamak sa mga anak ko.

Ng makalapit na ako sa pwesto ni Zenny ay kaagad niya ako binato ng napakaraming bolang itim na apoy, mabuti nalang kaagad akong nakapag laho kung hindi baka natamaan na ako, noong araw na binato ako ni zenny ng bolang apoy ay alam ko na mangyayari yun kaya kaagad akong gumawa ng pananggala habang naglalakad ako. Hindi nga ako nagkamali na maglagay ng pananggala sa aking katawan.

Hindi talaga ako makapaniwala na may natatago palang inggit si zenny saakin, hindi kasi masyadong halata dahil masiyahan siya kapag kasama kami, yun pala pakitang tao nalang ang kaniyang ipinapakita. Tingnan lang natin kung makaka lakad kapa kapag pinuruhan kita sa mga paa mo.

Binabato parin ako ni zenny ng kaniyang kapangyarihan pero syempre hindi siya naka tingin saakin dahil alam niya na kapag tumingin siya saakin ay magtatapos na ang laban na ito. Gamitin ko kaya ang isa kung kapangyarihan na nadiskubre kahapon, sigurado akong walang makakapansin saakin dahil hindi naman sila nakaka galaw kapag pinapahinto ko ang oras.

Time stop pagkasabi ko sa mga salitang yun ay bigla nalang huminto ang oras, hindi narin gumagalaw ang kalaban ko. Ito na ang aking pagkakataon na bigyan ng leksiyon si zenny, sipa, tadyak at sapak ang ginawa ko kay Zenny. Pinuntirya ko talaga ang kaniyang paa para hindi na siya makalakad. Ng magsawa na ako sa kaniyang mga paa ay pinuntirya ko naman ang mukha ni zenny hindi ko talaga tinigilan si zenny hanggat nakikilala pa siya.

Ng magsawa na akong bugbugin si zenny ay pina takbo kuna ulit ang daloy ng oras, syempre nagkunwari ako na binubugbug ko pa si zenny para hindi sila maghinala sa ginawa kung pagpapahinto ng oras. Itinigil kulang ang aking pagkukunwari ng pahintoin na kami ng announcer.

Ang nanalo sa laban nina Shawn at princess Zenny ay si.....

Si SHAWN ALCANTARA ay ang unang makakuha ng bahay at black card. Congratulation saiyo Shawn Alcantara maaari mo ng makuha ang iyong premyo sa headmaster.

Kaagad akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng headmaster dahil excited na akong makuha ang premyo ko. Ng makalapit na ako sa headmaster ay kaagad naman niya itong ibinigay, Susi at black card ang kaniyang ibinigay saakin. Pagkatapos niya akong batiin sa aking pagkakapanalo ay pina upo na ako sa aming pwesto ng mga kaibigan ko. Wala na si angelika sa aming pwesto dahil siya ang susunod na lalaban kaya si sofia lang ang bumati saakin.

Nag-iiyak pa nga si sofia dahil sa wakas ay magkakaroon na daw ako ng sariling bahay. Sa mundo kasi ng mga tao ay nasa ilalim lang kami ng tulay naninirahan ni Sofia. Wala naring pamilya si Sofia dahil namatay daw ito dahil sa kahirapan. Noong una kasi walang tumatanggap kay sofia sa mga trabaho, hindi narin makapag trabaho ang pamilya niya dahil matatanda na daw ito kaya siya nalang ang inaasahan ng kaniyang ama at Ina. Dahil walang tumatanggap kay sofia ay doon na naganap ang pagkamatay ng kaniyang ama at ina dahil wala na silang makain.

Sobrang saya ko talaga shawn dahil sa wakas ay may maipag mamalaki kana sa iyong mga magulang..naiiyak na wika ni Sofia saakin

Dapat ikaw din galingan morin para maipagmalaki ka ng iyong ama at ina.... nakangiting wika ko

Oo naman noh, gusto ko na magkasama parin tayo kahit saan ka mapunta...wika ni angelika

Angelika win against allison

Hindi namin namalayan na nanalo na pala si angelika kay Allison, sigaw kami ng sigaw ni Sofia dahil panalo din ang isa pa naming kaibigan. Pumunta narin sa gitna si Sofia at Angel. Hindi naging madali na kalabanin si angel ni Sofia dahil halos mas malakas sa kaniya si angel. Mabuti nalang may nadiskubre si Sofia na bagong kapangyarihan kaya iyon ang ginamit niya na panglaban kay angel, halos nagsisigaw na nga si angel sa ginagawa ni Sofia sakaniya eh. Hindi ko alam kung anong klase kapangyarihan mayroon ang kaibigan ko pero sigurado ako na malakas ito dahil kahit si angel ay hindi ito nakayanan.

Sofia win against angel

Ranking of first year level

1. Shawn
2. Jackson
3. Angelika
4. Sofia
5. Bela
6. Drake
7. Justin

Ang pitong estudyante na nanalo laban sa kanilang ka batchmate ay makakatanggap ng bahay at black card. Sasamahan kayo ng headmaster para pumunta sa inyong bahay na napanalonan....wika ng announcer

Pinagtipon-tipon kami ni headmaster para puntahan namin ang nasabing bahay na aming napalanonan,  ng makompleto kaming pito ay naglaho na kami papuntang bayan kung saan nandoon ang bahay na sinasabi ng announcer. Ng makarating kaming walo  sa bayan ay bumungad saamin  ang pitong bahay na medyo malayo ang distansiya sa isat-isat, iba't ibang kulay ang mga bahay dito. Medyo malayo kami sa bayan ng majika pero parte parin ito ng bayan ng majika.

Syempre hindi namin pinalampas nina Sofia ang pumasok sa mga sariling bahay, grabe ang ganda sa loob dahil may naka display ng mga mamahaling picture frame, may second floor din ang bahay na ito. Pumunta naman ako sa itaas ng bahay na ito. Bumungad saakin ang napakaraming silid, akala mo naman maraming titira sa bahay na ito, eh kaming lima lang naman ang titira sa bahay na ito eh. Pero maayos na ito dahil may pagpipili-an ang mga baby ko kapag lumaki na sila at gusto ng magkaroon ng privacy.

Pagkatapos kung maglibot sa bahay ko ay lumabas na ako, saktong ako nalang pala ang hinihintay nilang lahat. Kaagad kaming bumalik sa academia, Ako naman ay pumunta sa aming silid upang magpahinga total tapos na din naman ang paligsahan namin, pwedi naman daw hindi manood sa mga susunod ng maglalaban-laban sa paligsahan. Mabuti naman kung ganon dahil inaantok na ako. Pagkatapos kung kumain ay pumasok na Ako sa aming silid at natulog.


Vote and comment ❤️

The Twelve Legendary Heroes (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora